[8] The Tension

832 15 0
                                    

[8]

The Tension

Bakit ganun ba? Ano naman kung hindi niya tinanggap? Pakealam ko ba? Eh naman kasi, gumising ako ng maaga para lang magluto! Pumasok ako ng maaga para dito. Tapos ganito lang? Takte naman oh! ARGH!!! Pero ako talaga ang tanga dito. Bakit ko ba kasi siya pinagluto? Bwisit.

Napahinto ako sa paglalakad at napakuyom ang mga palad ko. Bakit parang nasaktan ako? Hindi ako makaget over! Asar!!

Naglakad na lang ulit ako. Ipapaiwan ko na lang ‘to sa guard, bahala na kung may kumuha man. Tss. Pero nagulat ako ng may humila sa kamay ko.

“Chimby?”

“Kanina pa kita hinahanap. Nakakapagod, bakit ba kasi ang laki ng Van Fort?” Pinagpapawisan siya at hinihingal. Para siyang tumakbo. Pero bakit kahit haggard siya ang gwapo pa rin niya?

“Huh? Bakit mo ko hinahanap? Tsaka okay ka lang ba?” Nagtataka at worried kong tanong.

“Wala lang. Ano kasi, sabay kayo maglunch sa’min mamaya ha. Sama mo friends mo.” Napanganga naman ako.

“Ah. O-okay, titignan ko. May orientation pa kasi kami eh.”

“Oo nga pala. Mamaya pa naman lunch eh.” He smiled at napatingin siya sa hawak kong paperbag. “Ano yan?”

“Pagkain. Ano… ah… para sa’yo?” Napakagat na lang ako sa labi ko.

“Talaga? Uy salamat! Sige eto na lunch ko.” Sabay abot niya sa paperbag. “Tara hatid na kita sa theater.”

Hinatid nga niya ko at bago ako pumasok sa loob ay pinaalala pa niya yung tungkol sa lunch. Ngitian ko lang siya. Pumasok ako sa loob. Nagsisimula na pala at madilim na kaya hindi ko na makita yung mga kaibigan ko. Umupo na lang ako sa dulo.

Wala akong naintindihan sa mga dinidiscuss. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung pakiramdam ng mareject. Ang weird pala sa pakiramdam. Nakakainis! Ang sarap tuloy manapak. Hindi ko tuloy sinagot si Chimby kanina tungkol sa lunch na alok niya dahil ayokong makita yung Carlo na yun! Takte!

Binigyan lang kami ng form kung anong pipiliin naming NSTP. Nagtext naman sina Jona na mag-CWTS na lang daw kami kaya ayun na lang din ang sinulat ko. Halos lunch time na rin natapos ang orientation.

“Deng!” Sigaw nila paglabas ng theater. Nauna na kong lumabas dahil hindi ko naman sila nakasama sa loob.

“Saan ka ba galing? Sinave ka pa namin ng upuan dun pero di ka naman dumating. Nakapag-fill up ka ba ng form?” Tanong ni Jona.

“Nalate lang ako, may pinuntahan kasi ako. Sa dulo na lang ako umupo. Oo naman, CWTS na rin nilagay ko.”

“Bakit ka may dalang pagkain kanina? Baon mo?” Takang tanong ni Lyka.

“Masama bang magbaon? Dami niyo namang tanong, tara na nakakagutom na!” Si Nikka ang sumagot at nauna na siyang maglakad.

They all shrugged tsaka sumunod na rin kay Nikka. Naglakad na rin ako hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

“DENG!”

O_____O Oh shit! Hindi ko pala nasabi sa mga ‘to ang pagyaya ni Chimby na sumabay sa kanila maglunch. The heck! Nagkaabot pa kami dito!

Pero dalawa lang sila sa isang mahabang table na nasa gitna at unahan ng cafeteria. If I’m not mistaken, ang kasama ni Chimby ay si Daren, another Frigate member.

Nagsihintuan kami sa paglalakad sa entrance ng cafeteria. Nagsitinginan ang lahat ng tao sa’min. Nagulat rin ‘tong mga kasama ko. I just awkwardly smile to Chimby.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now