[17] My Nurse

758 15 1
                                    

BELATED HAPPY BIRTHDAY, CHIMBY!!! Nilibre niya po sina Deng, Jea, Nikka at Monica sa Yellow Cab. Yaaaay! Totoo po yan. Bait bait ni Chimby. :"> Si Kim naman nagtampo. Hahaha! HAPPY BIRTHDAY, CHIMBY! ^_^ #112213

______________________

[17]

My Nurse

“Because of great connections, you know--- my family owns Van Fort University.”

OMG! This girl beside me is powerful! She can rule the school! Monica is considered as the queen of the school. Diba? Diba ganun na rin yon? O_____O

“Tulala ka na diyan. Hahahahaha! Sabi ko na nga ba ganyan magiging reaksyon mo eh.” Sabay hagalpak niya ng tawa.

“H-huh?”

“Ikaw naman. Hindi totoo yung sinabi ko. Hahahahaha!” Sabi niya habang tumatawa pa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. Huminto siya sa kakatawa at tinignan ako sabay ngiti. “What I mean is, hindi naman yung parents ko talaga ang may-ari pero kamag-anak namin. Medyo malayong family relative nga lang, that’s why. So don’t think that I’m like a queen in this school. I consider myself ordinary.”

“Ah. Grabe akala ko napakamakapangyarihan mo talaga!” Napahinga naman ako ng maluwag.

“No. Hahahaha! You’re funny!”

Sinabayan ko na lang siya sa pagtawa ng biglang bumukas yung pinto. Huminto na kami pareho ni Monica, naging seryoso ang mukha ko pero siya nakangiti pa rin. Inirapan ko yung pumasok. Hanep! Bumabawi sa pagiging late kahapon!

“Wow! Best friends na kayo?” Tanong ni Jea habang naglalakad papunta sa’min.

“Oo, friends na kami. Uhmm. Hi, Jea!”

“Hello there! You’re Monica, right?” Nakangiting bati niya kay Monica at umupo sa harap namin.

“Yep. Hope we can be friends too.”

“Sure! Friendly naman ako eh.” Lalo pa siyang ngumiti ng malawak.

“Friendly daw. Tss.” Bulong ko naman habang nakasimangot.

“May sinasabi ka?” Nakataas kilay na tanong naman sa’kin ni Jea.

“Sabi ko linis linis din ng tenga pag may time.”

“Cute niyo naman. Ang magbestfriends talaga mahilig asarin ang isa’t isa noh?” Singit ni Monica. Tinignan namin siya ng masama.

“What the heck are you saying? She’s not my best friend!” Inis na tugon ni Jea.

“Oo nga! We’re not even friends.”

Nginitian ko lang si Monica at tumayo na. Lumipat na ko sa kabilang table, yung pwesto namin ni Kim kahapon. Nasaan na ba yung limang mga babaita, okay na kausap si Monica eh kaso nakakaasar dahil dumating na agad ‘tong si Jea.

Kinuha ko na lang yung phone ko at nagsoundtrip. Biglang tumugtog yung Out Of My League. SHET! Tinaasan ako ng balahibo. Mas masarap pa pakinggan ang boses niya. Kyaaaaaa! Dapat pala nirecord ko kanina yung pagkanta niya. Sumubsob ako sa lamesa dahil feeling ko namumula ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nakasubsob pa rin ako. Magkukunwari muna kong nakatulog.

“Hi, Monica! Hi Jea!” Rinig kong bati nung mga dumating.

 “Uy Deng!”

Boses ni Julienne. Naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ko. Ano ba ‘tong mga tao na ‘to! Nagtutulug-tulugan nga ako eh! Inangat ko na ang ulo ko at sinimangutan sila.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now