[46]
Why Not Me
Kim’s POV
When you love someone, you just do. There are no but's, no maybe's and no why's.
Ilang beses ko na ring tinanong ang sarili ko kung bakit siya pa ang minahal ko. Bakit nga ba kalimitan nating minamahal ang mga taong hindi naman tayo mahal? Bakit gustung-gusto natin na nasasaktan tayo? Bakit hindi na lang natin hanapin ang taong magpapasaya sa’tin? Dahil ba sa tingin natin na ang tanging magpapasaya sa’tin ay ang taong mahal natin? Siguro nga.
Oo, alam ko sa sarili kong hindi niya ko mahal. Hindi ko alam kung dadating ang panahon na ako naman ang mapapansin niya o kung aasa na lang ba ko. Walang kasiguruhan pero heto ako, hindi siya maiwan. Eto ba ang tinatawag nilang martyr? Mali ba ang magmahal?
Nakapamulsa ako at nakayuko habang sinisipa ng mahina ang mga maliliit na bato. Napaangat lang ang ulo ko nang magbukas na ang gate. Lumabas ang isang babaeng kahawig ng taong mahal ko.
“Good morning po.” Nakangiting bati ko. Ngumiti rin naman siya ng tipid.
“Good morning din. Nandito ka na naman, ang tiyaga mo talaga sa anak ko. Pero ganun pa rin siya, ayaw niyang pumasok.” Napabuntong hininga naman ako.
“Pero po dalawang araw na po siyang absent, marami na po siyang namiss at malapit na po ang prelim namin. Baka po mapabayaan niya ang grades niya at mawala siya sa rank.”
“Alam ko at natatakot rin akong mangyari yan. Hindi ko siya makausap ng matino at hindi ko alam kung anong problema niya kaya hindi ko siya magawang hikayatin na pumasok. Lagi lang siyang nakakulong sa kwarto niya.” Napalunok naman ako at nag-isip sandali.
“Kung papayagan niyo po sana ako, ako po ang pipilit sa kanyang pumasok.”
Pinapasok niya ko sa bahay nila na wala namang ibang tao kundi ang mga katulong nila. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako dito dahil naihahatid ko na dito noon pa si Jea. Hindi ko pa nakikita o nakakausap man lang ang Daddy at Kuya niya, laging ang Mommy lang niya ang naaabutan ko kapag pumupunta ako dito. Akala ko nung una ay masungit ang Mommy niya katulad niya pero hindi naman pala.
Iniwan na ko ng Mommy niya at ako na daw ang bahalang pumunta sa kwarto niya. Naglakad na ko at umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya. Napakalaki rin ng bahay nila pero sanay na ko sa mga ganitong lugar. Pagkalapit ko sa kwarto niya ay huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses pero walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala na naman. Knowing her, inulit ko ng inulit ang pagkatok hanggang sa nakarinig na ko ng kalabog na parang may binatong bagay sa pintuan at hindi ko napigilang tumawa ng mahina. Kumatok akong muli at sumigaw na siya sa sobrang inis.
“Stop knocking!” I paused for seconds pero kumatok pa rin ako ng kumatok. Ilang ulit dahilan para mamula na ang kamao ko at ilang minuto pa ay padabog na nagbukas ang pintuan niya. Halos manlaki pa ang mga mata ko ng makita siya. Isang manipis na fit shirt at sobrang ikling shorts lang ang suot niya. “What the hell?! Ano bang problema mo?” Inirapan niya ko at isasarado na sana ulit ang pinto pero nahawakan ko ito agad.
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...