[7]
Adobo
Basta basta na lang siyang pumasok. Inikot niya ang kanyang paningin sa buong kabahayan namin. Para tuloy akong nanliliit. First time rin yatang may pumasok sa bahay namin na sobrang yaman. Buti na lang talaga at walang tao dito.
“Is this your house?” Seryoso niyang tanong na naglalakad na sa sala.
“Ay hindi, baka school ko ‘to?” Walang kwentang tanong kaya wala ring kwenta ang sagot ko.
“This is just our living room. Tss.” Sabay upo niya sa sofa. Mayabang talaga siya! Likas na mayabang! “Paghainan mo na ko.” Napatulala naman ako sa kanya. Ang kapal!
“Ang kapal naman din ng mukha mo. Trespassing ka na nga tapos uutusan mo pa ko?”
“Alam mo bang kayang-kaya kong bilhin ‘tong bahay niyo? Ang layo pa ng pinagdrive ko. Hindi rin ako nakakain kanina dahil sa inyo kaya pakainin mo ko.” Seryosong saad niya na nakatingin na rin sa’kin.
“Wala pang pagkain! Magluluto pa ko. Kung hindi ka makakapaghintay, umalis ka na lang at sa labas kumain.” Mataray kong sagot sabay talikod na.
“Bilisan mo! At sarapan mo yang lulutuin mo!” Pahabol niyang sigaw.
Hindi lang siya mayabang, makapal din ang mukha! Pasalamat siya at gwapo siya. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusunod at ngayon ay nagluluto na ko. Marunong naman akong magluto, ako pa ba?
Tapos na kong magluto at nakapaghain na rin ako. Ano ba naman ‘to! Bakit ko ba siya hinahainan?! Nakaisang oras ako sa pagluluto. Sorry, matagal kasi talaga kong magluto pero ubod naman ng sarap! Naglakad na ko papuntang sala. Ano kayang ginagawa ng isang yon? Hindi niya ko sinisigawan kanina na bilisan ko, hindi ba siya naiinip? O baka naman nahimatay na siya sa sobrang gutom?
O_____O Nagulat naman ako ng makita siyang nakahiga sa sofa. Nakapatong ang braso niya sa noo niya, ang isa ay nasa dibdib at nakabend ang isa niyang legs. Nakapikit siya at mukhang nakatulog. Takte! Pati ba naman paghiga niya ang gwapo!
Lumapit ako at umupo sa center table. Nakaglue na yata ang mga mata ko sa kanya. Ang sarap niyang titigan. Nang magpasabog ng kagwapuhan ay nasalo na yata niya ang lahat. Napangiti na lang tuloy ako habang nakatitig sa kanya. Kahit tulog ang gwapo! Para pang ang bait bait niya, isang makisig na anghel.
“Stop staring.”
Napatayo naman ako at dumilat na siya. WTH?! Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha. Nakakahiya! Umupo na siya mula sa pagkakahiga.
“Napakatagal mong magluto. Tsk!” Tumayo na siya at bago maglakad ay humarap siyang muli sa’kin. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya. Just an inches apart. Ramdam ko na ang hininga niya. Ang bango! Napalunok ako at nagsalita siya. “Don’t do that again. You might fall in love with me.”
Lumayo na siya at naglakad papuntang dining room. Napanganga na lang ako. Ang kapal lang talaga niya. Ilang segundo bago ko bumalik sa katinuan. Sumunod na ko sa kanya na ngayon ay nakaupo na at tinitignan ang niluto ko. Umupo ako sa tapat na silya. Hindi ko na lang papansinin ang mga sinabi niya kanina. Baka mamula pa ko sa harap niya.
“Is this Adobo?” Kunot noo niyang tanong habang nakatingin pa rin sa niluto ko. I like his expression. Ang cute! Ay erase erase!!
“Yep. Hindi ka ba nakain niyan? Masarap akong magluto noh!”
“Minsan lang ako kumain nito. Kina Nikka lang. Kapag hindi ‘to masarap, gagawin ko ang lahat mapatalsik ka lang sa Van Fort.” Napaawang ang bibig ko. Problema ba ng lalaking ‘to?! “Hindi ka kakain?” Tanong niya dahil napansin niya yatang isang plato lang ang nilagay ko.

YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...