[14]
Pairings
"Ay nako! Hanggang ngayon hindi ako makamove on!”
“Saan?” Takang tanong ko kay Jona.
“Sa PE kahapon. Ikaw ang highest sa practical!” Napangiti ako. “Samantalang ikaw nga yung pinakanag-aalala tungkol dun, ikaw pa highest?”
“What’s the use of having the title, Miss Perfect, right?” Sagot ko habang nagbubuklat na ng libro.
“Inspired ka ba?” Lumingon naman ako sa kanya. “Hehe! Wala lang. Galing mo talaga kahapon eh, para kang badminton player talaga tapos ang aga-aga mo pa ngayon. May baon ka pang dala.”
Napalunok ako at hindi na siya pinansin. Nagkunwaring nagbabasa na lang ako. Hindi ko naman kasi sinabi sa kanila na tinuruan ako kahapon ni Carlo eh. Tapos kaya ako maaga ngayon dahil maaga akong gumising para makapagluto dahil pinapadala nga ulit ako ni Carlo ng Adobo!
Naiirita nga ako dahil kakaisip sa nangyari kahapon, hindi ko nagawang makapag-aral! May quiz pa man din kami. Though hindi naman talaga ko mahilig mag-aral, ayaw ko namang bumagsak.
5 minutes before class ay nagdatingan na sina Lyka, Ynnah at Julienne. Napakunot ang noo ko, hindi ugali ni Nikka ang malate dahil pinakaayaw niya sa lahat ay yung nalalate.
Natapos ang first class at vacant na namin. Lumabas kami at tumambay muna sa library para mag-aral. Mababait rin kasi ang mga kaibigan ko, wala ring nag-aral sa kanila. Wag niyo kaming tularan. Hehe. Hindi pumasok si Nikka sa first class kaya lahat kami nagtataka.
“Ano kayang nangyari sa babaeng yon?” Tanong ni Ynnah habang kinukuha ang notes niya.
“Text mo na lang siya Julienne na nandito tayo sa library.” Komento ni Lyka.
After 15 minutes may umupo sa tapat na silya ko. When I looked up, it’s Nikka. Walang nagsasalita at lahat kami nakatingin lang sa kanya. She looks exhausted. Napakunot ang noo ko.
“Huy, anong nangyari sa’yo? Bakit hindi ka pumasok sa first class natin?” Nauna ko ng tanong. She looked at us with pale eyes.
“A-ano kasi… nalate ako ng gising eh.” Yumuko na siya at nagbasa na lang. We all just shrugged.
Natapos ang second and third class namin. Buti at tapos na ang quiz namin. Nakakainis lang dahil second to the highest lang ako. Pasado naman lahat pero nakakapagtaka dahil si Nikka ang lowest. Kapag ganyan, maiinis na siya at maiiyak sa mababang grade niya pero ngayon parang wala lang siyang pakialam. When I looked at her, there’s something wrong. Parang wala siya sa sarili niya.
Tumayo na kami para kumain. Pagdating namin sa cafeteria, nandun na ang EL-8. To our shocked, nasa iisang table lang sila. With Jea and the new girl, Monica. Nagtatawanan sila at parang ang saya-saya nila. Nauna ng maglakad si Nikka pero imbis na dumiretso ay lumiko siya at umupo sa pinakaunahan at dulong parte ng cafeteria. Wala naman kaming nagawa kundi sundan siya.
“We’ll not sit with them?” Tanong ni Julienne ng makaupo na kami.
“Look, hindi pa sila nakain. Parang hinihintay nila tayo.” Sabat pa ni Jona habang nakatingin sa table ng EL-8.
“Tara na dun sa table nila. Baka makalibre pa tayo. Hehe!” Nakangiting dagdag ni Ynnah.
“Pumunta kayo dun kung gusto niyo.” Walang emosyon na saad ni Nikka.
Tumayo na siya at naglakad para mag-order. Napabusangot naman sina Jona, Lyka, Ynnah at Julienne. Nikka is really acting weird. Nagtataka na ko kung anong meron at kung anong nangyari.
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...