[55] I'm Back

227 10 0
                                    

[55]

 I’m Back

“Good evening, Sir Carlo!”

“Akin na po ang mga gamit niyo, Sir.”

“Nagugutom na po ba kayo?”

“Sir, paghahainan na po ba namin kayo?”

At kung anu-ano pang sinasabi ng mga katulong nila pagdating namin sa bahay nila. Ang dami nilang sumalubong samin at napakadami nilang sinabi na sunod sunod. Napatulala na lang ako at si Carlo naman ay tinitignan lang sila ng seryoso. I looked at Carlo and held his hand.

“Tumahimik nga kayo! Wala ako sa mood na sagutin kayo isa-isa. Unang una, bakit ako lang ang binabati niyo? Hindi niyo ba nakikitang may kasama ako?! At bakit niyo kinukuha ang mga gamit sakin? May nakikita ba kayong bitbit ko? Diba alam niyo naman na iniiwan ko yun sa kotse at trabaho niyong kunin yon? Bakit niyo ko tinatanong kung nagugutom na ko? Trabaho niyong paghainan naman talaga ko diba? Kahit kumain na ko sa labas o hindi pa! Ngayon, gawin niyo na ang mga trabaho niyo!”

Lahat ay natulala sa mabilis na sinaad at sinigaw ni Carlo na miski ako ay hindi siya nagawang pigilan o pahintuin. Nakakatakot talaga ‘to magalit. And in an instant, lahat ay nagsialisan at kanya kanyang gawa na ng mga trabaho nila.

Di ko na rin napansin na  humigpit ang hawak ko sa kamay niya pero nabawi pa rin niya ang kamay niya at hinawakan ako sa likod upang makapasok na kami sa pinakaloob. Pinaupo niya muna ko sa living room without saying any words. Pagkaupo ko naman ay umalis siya at umakyat muna. Napatahimik na lamang ako.

Mukhang walang tao sa bahay nila maliban sa mga katulong at mga guardiya. Si Carlo naman ay kanina pa talaga yan wala sa mood. Nanalo naman sila sa laro kanina, nakabawi na sa unang pagkatalo pero sobra siyang napagod dahil siya pa rin ang kumikilos sa laro. Kaya rin mainit ang ulo niya dahil sa pagod. Pagkauwi nga ay di kami nag-iimikan dahil ayoko na rin sabayan ang init ng ulo niya at pagod. Ayoko makipagsabayan dahil naiintindihan ko siya.

“Ma’am, sorry po kanina hindi namin kayo nabati.” Natigil ako sa pag-iisip dahil biglang sumulpot ang mga katulong sa harap ko. Lahat sila ay nakayuko.

“Sorry rin po, Ma’am. Kinakabahan lang po talaga kami kapag nasa harap na namin si Sir Carlo.”

“Ma’am, sorry po. Pwede na po kayo kumain.” I smiled at tumayo.

“Okay lang po yun, wala po kayong dapat ipagsorry. Naiintindihan ko naman po kayo e. Mukha kasi talagang halimaw yung sir niyo.” Tumawa naman ako ng mahina at pati sila ay napangiti. “Mamaya na lang din po ako kakain, hihintayin ko na lang si Carlo. Salamat po.”

“Sige po, Ma’am.” They all smiled and bowed.

“Teka lang po,” Habol na saad ko bago sila makalayo sakin. “Pwede ko po ba malaman kung nasaan ang parents at mga kapatid ni Carlo?” Di naman ako chismosa, gusto ko lang malaman para maihanda ko rin ang sarili ko sakaling bigla silang sumulpot.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now