[31] He Came

650 13 3
                                    

[31]

He Came

"It's already 7:30am, bakit ngayon ka lang?" Taas kilay na bungad ni Nikka sa'kin habang nakahalukipkip.

"Sorry di lang naman ako ang late ha." Sabay upo ko sa tabi nila.

"Sabi ko kasi sa inyo ang call time dapat 6am e." Walang gana na saad ni Jona habang nakahalumbaba sa glass window.

"E sina Ynnah at Julienne nasaan na?"

"May bago pa ba dun? Sila naman lagi ang late diba?"

Pagkasagot ni Nikka sa tanong ko ay sakto naman ang dating nina Ynnah at Julienne. Nakiupo muna sila dahil napagod daw sila sa kakamadali ni Nikka sa kanila. Nagmadali na pala sila sa lagay na yon. Nasa Mini Stop kami ngayon dahil dito namin napagkasunduang magkita kita. Sleepover, remember? Hindi ko nga alam kung pano nila ko napilit. Hindi naman strikto ang mga magulang ko pagdating sa ganito pero kasi wala ako sa huwisyo sumama, napilit lang talaga ko. Hindi ko rin makuha kung bakit napakaaga nila gustong pumunta. Kina Monica.

"Tara na, kanina pa kami nakatambay dito e." At nauna ng lumabas si Lyka.

Sumunod naman sila agad. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa kinauupuan ko, aalis na kami agad. Sayang, nagcrave pa naman ako sa nakita kong chocolate shake. Paglabas naman namin ay pumara na lamang bigla si Ynnah ng taxi na ikinagulat ko.

"Ynnah! Sosyal? Taxi talaga?"

"Okay na 'to para mabilis tsaka mainit na. Mas mahirap kung jeep tas jeep ulit tas LRT, MRT tas jeep at tricycle. Madami naman tayo kaya keri na 'tong taxi."

"Sure yeah. But hello, anim tayo. Goodluck na magkasya tayo sa isang taxi."

"Edi dalawang taxi. Dami niyo namang pinoproblema."

Pagkasagot ni Nikka ay pumara na rin siya. Wala na kong nagawa pa dahil nagsisakay na rin naman sila. Si Ynnah ang may pinakaalam kung saan ang bahay nina Monica kaya pinapasunod lang namin yung taxi sa taxi nila. Halos magtatatlong daan na ang bayad namin sa taxi, e sa isang taxi ay tatlo kaya tig-iisang daan kami. Ang mahal naman!

"O, saan bahay nila dito?" Tanong ko agad pagbaba namin. Di ko alam pero bigla akong naging iritado.

"Sa loob pa ng subdivision na yan. Ewan ko ba, di daw nagpapapasok ng basta diyan kaya dito lang tayo ibinaba ng taxi."

"Ano?! Tatlong daan tapos di pa pala sa mismong bahay tayo ibababa?" Pinagtawanan lang nila ko at nagsimula ng maglakad kaya wala akong nagawa kundi sumunod.

Mga tatlong kanto na yata ang nalakad namin ng huminto na kami sa tapat ng isang bahay. Napanganga kami ng literal dahil dalawang bahay na rin yata ang katumbas nito. Peach ang kulay ng tatlong palapag na bahay na may front garden. Pabilog ang mga bintana at malaki ang front gate.

"Bahay ba ang matatawag diyan?" Unang nakahanap ng sasabihin si Julienne.

"Hindi yata. Mansyon na yan e." Sagot naman ni Ynnah. Gusto ko rin sanang magsalita pero di maalis ang tingin ko sa bahay.

"Mansyon na yan sa inyo? What else kung makapunta pa kayo kina Carlo or more kina Jea? Baka masabi niyong nasa palasyo kayo o kastilyo pa."

Dahil sa sinabi ni Nikka kaya napatingin na kaming lahat sa kanya. Oo nga pala, mayaman ang pinsan niyang yon. Nauna siyang maglakad palapit sa gate sabay doorbell. May lumabas din naman na guard at walang sabi sabi na pinapasok kami agad. Medyo malayo rin ang nilakad namin bago makapasok sa mismong bahay nila. Pinaupo na muna kami ng isa nilang maid. Walang umiimik sa’min dahil lahat kami ay busy sa pag-oobserba sa paligid.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now