[43]
Babe
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na puro puti ang paligid. Napaupo ako bigla dahil sa gulat at dun ko lang napagtanto na nasa clinic pa rin pala ko. Napabuntong hininga ko at tinignan ang gilid ko, pero wala na si Carlo. Ang huling natatandaan ko bago ko natulog ay magkatabi kami at— at— napahawak na lamang ako sa labi ko.
“Kakagising mo lang inaalala mo na agad ang kiss natin?” Halos tumalon ang puso ko ng bigla siyang sumulpot at umupo sa tabi ko.
“Inaalala? Mukha mo! Teka, anong oras na ba?”
“Lunch break na.”
“What?! Shet, di na ko nakapasok sa klase!” Tumayo na ko agad at inayos ang uniform ko pero hinatak niya ko kaya napasubsob ako sa kanya. “Hey!”
“It’s fine, nakausap ko na mga prof mo. Excused ka na sa first three classes mo. After lunch na klase ka na lang pumasok. Relax, okay? Hindi na ba masakit ang ulo mo?” Hinawakan niya ko sa bewang habang nakatingala sakin.
“Hindi na.”
“Talaga? Sige para siguradong hindi na sasakit yan, tara nga dito.” Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit sa mukha niya para mahalikan ang tuktok ng ulo ko. “Come on, alam kong gutom ka na.”
Hinawakan niya ang kamay ko at dumiretso na kami sa cafeteria. As usual, lahat ng daanan namin ay nasa amin ang tingin. May mga tumititig talaga, humihinto at nagbubulungan. Pero di ko na pinapansin dahil dinidiinan lang ni Carlo ang hawak sa kamay ko.
Malayo pa lang ay kita ko na ang mga kaibigan namin pero wala sina Jea, Kim at Chimby. Napailing na lamang ako at sinubukang ngumiti ng makarating na kami sa pwesto nila.
"Huy! Bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong agad samin ni Jona paglapit namin sa kanila. Lahat ay nakatingin samin.
"Ah e--"
"May nireport lang si Deng sa prof namin tas sinamahan siya ni Carlo." Sagot ni Nikka habang nakatingin siya sakin. Sinenyas niya sakin ang bag ko na nakapatong sa tabi ng upuan niya. Pakiramdam ko ay may alam na siya sa kung ano ang nangyari.
"E bakit ikaw ang sumasagot?" Tanong ulit ni Jona na makulit.
"Dahil alam ko ang sagot."
"Hindi naman ikaw ang tinatanong."
"May sinabi ka bang bawal ang iba sumagot?"
"Pero dapat-- ay wait. Nasaan nga pala sina Chimby, Jea at Kim?" Napayuko na lamang ako sa tanong ulit ni Jona at naramdaman ko ang palad ni Carlo sa likod ko.
"Malay. Oorder muna kami." Maikling sagot ni Carlo sabay dala na sakin sa counter upang bumili ng pagkain. "Ayos ka na ba talaga?" I looked at him and I smiled a bit.
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...