[37] Birthday Celebration

513 11 2
                                    

[37]

Birthday Celebration

Marami tayong katanungan.

Marami tayong hinihinging sagot.

Marami tayong gustong eksplanasyon.

Marami tayong inaalam.

Dahil maraming gumugulo sa ating isipan.

Katulad na lang ngayon. Naguguluhan ako kung anong isusuot ko. Gusto ko ng sagot at magkaroon ng paliwanag ang bawat isa. Di ko naman kasi alam kung formal party ba o simpleng handaan lang ang mangyayari. Ewan ko ba kay Led, hindi man lang shinare ang plano niya.

Kinuha ko ang paborito kong bistida at tinignan ang sarili ko sa salamin habang nilagay ko sa harap ang hawak ko. Kung sa bagay, kahit ano namang isuot ko bagay sa'kin diba? Mapansin kaya ako ni Carlo? And speaking. I opened my phone and checked my facebook account. Araw araw ginagawa ko 'to, ang tignan kung online siya pero wala akong napapala. Pagbuntong hininga lang ang nagagawa ko. How I wish he'll be present on the party. Hinihiling ko pa rin na niloloko lang niya ko.

Nagmadali na kong magbihis. Nakaayos na naman ako kaya pagkatapos ay lumabas na ko ng kwarto. Wala naman sina Mommy kaya kay Manang lang ako nagpaalam bago umalis.

"Wag ka daw magpapagabi masyado sabi ng Kuya mo."

"Ay opo. Sige po alis na ko."

"Mag-iingat ka."

I smiled and went out. Mas mahigpit pa talaga si Kuya kesa sa parents ko. Nagmamadali naman din akong umalis dahil ayokong maabutan ni Chimby. Hanggat maaari, ayoko siya magkaroon ng obligasyon sa'kin kahit sabihin pa niyang liligawan niya ko.

As usual, as I walk, everyone's attention is on me. Eye catcher. Lalo na siguro ngayon na naka-dress, naka-ayos at naka-shades ako. Napakainit kasi. Lunch time daw ang kainan e. Pumara na ko ng taxi. Di ko kakayanin ang init ng araw. Di ka pa kasi sumabay kay Chimby, arte.

Pagkadating ko sa restaurant ay walang tao. Nag-alinlangan tuloy akong pumasok. Sure ka ba dito sa binabaan mo, Deng?

"Hi, Crush!" Imbis na magulat ay napangiwi na lang ako. "Bakit nakatayo ka pa diyan? Ayaw mong pumasok?" Tumingin ako sa kanya. Ang gwapo ni Luigi, halatang babaero pero may nag-iba na talaga sa approach niya sa'kin. Getting better than expected.

"Wala kasing tao. Sarado ba? O baka naman hindi dito?" Tumawa siya in a gwapo way.

"Ano ka ba? Malamang walang tao dahil nireserve ni Led ang buong restaurant." Napalaki ang mga mata ko.

"What?!"

"Anong nakakagulat dun? Hayaan mo sa birthday mo, SM ang ipapareserve ko. Tara na sa loob, napakainit Crush!"

Hinila na niya ko papasok. Di ko ba nasabi sa inyong Crush na ang tawag sa'kin ni Luigi? Lakas ng sapok. Hinahayaan ko dahil biruan lang naman. Sa Van Fort tuloy, tinititigan ako ng masama ng mga fangirls niya kapag naririnig siyang tinatawag akong Crush. Nabatukan ko tuloy kaya nagkabukol siya nung midterm namin. Naguilty ako kaya hinahayaan ko na siya. Mabait naman na sa'kin si Luigi, may pagkamalandi lang talaga ang loko.

"Hi, Sir! You are?"

"Mr. Taguiang."

"Oh yes. Upstairs na lang po."

"Okay, thank you."

Kumindat pa si Luigi dun sa staff bago kami maglakad. May malanding lahi talaga ang lalaking 'to. Napalo ko tuloy siya sa braso nang paakyat na kami.

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now