[4]
Frigate, Wyandra, Empress
Sarap na sarap siya sa kinakain niya. Ni hindi man lang ako nililingon at sa pagkain lang nakatuon ang pansin niya. Napabusangot na lang tuloy ako. Hindi na nga kami nagkakaabot simula magpasukan, ngayon na lang ulit kami nagkasabay.
Gwapo. Matangkad. Matikas. At suplado ang dating. Mukhang gangster pero gwapong gangster naman ‘tong Kuya ko. Kahit masungit yan, mahal ako niyan at siguradong gagawin niya lahat para sa’kin. Wala pang lalaki ang nangahas manligaw sa’kin dito sa bahay pero kapag may sumubok, tiyak na mas mahihirapan sila dito kay Kuya kaysa kay Daddy.
Tinititigan ko siya habang nakabusangot. Kami lang ang nandito dahil hindi ko alam kung saang lupalop pumunta sina Mommy at Daddy. Sinipa ko siya ng mahina sa ilalim ng mesa para naman mapansin niya ko. Tinignan niya ko sabay kagat sa sandwich niya.
“Oh?” Tanong niya.
“Bakit di ka namamansin?”
“Nagugutom ako eh. Miss mo na ang gwapo mong Kuya?”
Napailing na lang ako. Pareho talaga kami nito. Lantaran magsabi na maganda at gwapo kami. Pero astang mayabang yung kanya.
“Kuya…” Nag-aalangang pagkakasabi ko.
“Kung may sasabihin o itatanong ka, ituloy mo na.”
“Eh kasi ano, ano… may nakasapak na ba sa’yo? I mean, may nang-away na ba sa’yo? Like nagasgasan yang mukha mo or nagkapasa, blackeye or something?” Curious kong tanong.
Tumingin naman siya ng diretso. Yung parang inoobserbahan ako ng mabuti. Creepy!
“Nakita mo ba kong umuwi ng may gasgas ang mukha o pasa?” Umiling naman ako. “Edi hindi pa. Hindi pa ko nasasapak pero nakasapak na ko. Ako pa? Tss. Sa lalaki naman kasi karaniwan lang ang sapakan, pero hindi ko sila hinahayaan na magalaw ang mukha ko. Delikado. Pero for sure kahit magkapasa ako sa mukha, gwapo pa din ako.”
“Ah. Okay.” Sagot ko sabay kagat na sa sandwich ko.
“Bakit? May nakasakit na ba sa mukha mo? May nanapak sa’yo? May nanampal?” Nagulat naman ako sa tanong niya. Uh-oh.
“W-wala noh!” Tinitigan na naman niya ko.
“Eh bakit namumula yang pisngi mo? May pasa pa! Hala!”
Napatayo naman ako bigla at napahawak sa pisngi ko. WTH?! Namumula? May pasa? O___O
“What?! Noooooo! Walanghiya talaga. Hindi ko alam na ganun magiging epekto ng sampal nung babaeng yon! Naku na----“ I was cut off ng magsalita si Kuya.
“Kung hindi ko pa sinubukang sabihin na namumula yang mukha mo, hindi mo pa sasabihin na may nanampal sa’yo. HOY LADY MANDELA! Sabihin mo, sinong nangahas na galawin yang mukha mo?! At pumayag ka na lang basta basta?!!”
Loko talaga ‘to! Hinuli lang pala ko. Argh. Bobita rin ako paminsan eh. Nanigaw pa siya. He’s angry. Siyempre ang mahal niyang kapatid at ang prinsesa nila, nasampal ng kung sino lang. Galit ang mukha niya pero ramdam ko ang pag-aalala. Umupo na ulit ako.
“I don’t know her too. Basta mahabang storya kasi eh. Hindi ako pumayag. DUH?! Sinugod niya kasi ako eh, malay ko naman kasi. But don’t worry okay? Hindi ko siya hinayaan na ganun lang, binalik ko rin naman sa kanya eh. 3 times pa!”
“Pinagmalaki mo pa yang pagganti mo. Tss. Tumigil ka. Pano kung balikan ka nun? Ayusin mo buhay mo. Wag mo silang hayaan na saktan ka. Tsaka kakasimula pa lang ng klase, may gumanun na agad sa’yo?” Kumalma na siya pero nag-aalala pa rin.
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...