[21]
Drix
"Deng..." I shivered when someone said it near my ear.
"Deng, wake up." Naalimpungatan na ko but I didn't mind to move.
"Uy ano ba, Deng! Gising na!" Dumilat na ko dahil sinigawan na ko sa tenga.
"Nikka naman! Ang ingay mo inaantok pa ko!" Nagtakip ako ng kumot.
"Bumangon ka na nga diyan! Makita ka pa nila dito." Sabay hablot niya ng kumot ko kaya napaupo na ko.
"Naman e---" I was cut off ng marealize kong nasa sala ko. "W-wait, why am I here?"
"Aba malay ko sa'yo. Baka naman kasi di mo gusto katabi si Jea." Napahagalpak naman siya ng tawa.
Hindi na ko umimik at umayos na lang ng upo. Tinitiklop na ni Nikka yung kumot. Napatitig ako dun. As far as I remember, Carlo and I are talking last night. O_____O Nakatulog ako dito? Shemay! Di man lang niya ko ginising pero ayos lang din dahil naisipan niya kong kumutan. Hihihi! Tumayo na ko pero bago man ako makapaglakad ay nagsalita si Nikka na nakaupo pa rin sa sofa.
"Wag kang pumunta sa garden ha." Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Huh? Bakit?"
"May bisita sina Sister. Binilin niya sa'kin na wala daw muna pupunta sa garden." Tumayo na siyang dala ang kumot tsaka pumasok sa kwarto.
Sa sinabi niya, nakaramdam na lang ako bigla ng kaba. Ugh! What's this feeling? I just shrugged at naglakad na. Pumunta muna ko sa kusina at nagtimpla ng gatas. Well, in the morning I prefer to drink milk rather than coffee.
Pagkatapos kong magtimpla ay dinala ko na yon habang naglalakad. It's really weird dahil dinadala ako mismo ng mga paa ko patungo sa garden. Alam ko namang bawal pero ayoko ng kabang nararamdaman ko.
Pagdating ko dun ay nasilip ko agad sina Sister Maria, Sister Fe at Sister Rea na may kausap na mag-asawa. Mas lalo akong kinabahan.
"Kailan po namin siya maaaring kunin?" Tanong nung babae.
"Kapag naayos na ang mga papeles, papayag na kaming iuwi niyo siya." Sagot ni Sister Maria.
Nabibingi ako. Ayoko ng mga naririnig ko kaya unti-unti akong napaatras. Sumisikip ang dibdib ko then I found myself walking towards the playground.
Tumingala ako ng makita ko siyang naglalaro. If he saw me crying, he'll be mad. I don't want to cry, no, not in front of this handsome little kid. I can't imagine that my next visit here, he will not be around.
"Ate Lady!" I looked at him and smile.
"Good morning, Baby Kevo! Bakit ang aga mong nagising? And why are you playing here alone?" He hugged me at umupo kami sa swing.
"Hindi po ako mag-isa, Kuya Carlo is over there po." Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at nakita ko nga si Carlo. Nakaupo sa gilid ng puno at nakapikit.
"Why is he there? Diyan ba siya natulog?" Bulong ko kay Kevo.
"Ay hin---" Kevo was cut off ng magsalita si Carlo.
"Hindi ako dito natulog." Dumilat na siya at tumayo. "Kapag nakapikit ba dun na agad natulog? Tss."
Sinimangutan ko siya. Naglakad naman siya palapit sa'min ni Kevo at kinuha na lang bigla ang gatas na tinimpla ko. Aba! Inunahan pa kong uminom!
"Drinking milk is good for our body, right? Thanks." Ngumisi siya at halos makalahati na niya yung gatas tapos lumuhod siya sa harap ni Kevo. "So you also need to drink milk." Inabot niya yon at ininom naman ni Kevo. Ugh! Wala na kong gatas. T.T
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
UmorismoShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...