[16] Led's First Love

762 11 0
                                    

[16]

Led's First Love

Bakit ba ang tahimik nila? Walang nagsasalita sa’ming apat. Si Carlo parang emo lang na nakatingin sa buhos ng ulan habang nakapamulsa. Si Chimby naman nakatingin sa’kin na parang hinihintay akong magsalita. Si Kim naman pinagpapalit-palitan ang tingin kina Carlo at Chimby.

Lumipas yata ang isang minuto na walang nagsasalita, tumingin na sa’kin si Kim na parang nagtatanong. I shrugged. Bumuntong hininga naman siya.

“Ano ba yan! Kanino ba sasabay si Deng sa inyo? Tss. Dadalhin ko na nga yung maganda kong sasakyan simula bukas para ako na lang maghahatid sa kanya.” Dedma lang yung dalawa pareho sa mga sinabi ni Kim. “Ganito na lang. Tutal pa-south pareho ang way niyo ni Carlo, kay Carlo ka na sumabay Deng.”

“Oh tara na!” Pagkasabing pagkasabi ni Kim nun ay mabilis na nagreact si Carlo at umalis na din agad. Hindi man lang ako hinintay?!

“No. Deng, sa’kin ka na sumabay. Ako na maghahatid sa’yo.” Biglang hawak ni Chimby sa kamay ko.

“Brad naman! Ako na lang ihatid mo. He-he-he!” Sabay patong ni Kim ng kamay niya sa balikat ni Chimby. Baliw talaga ‘tong si Kim!

“Ah..eh.. Next time na lang. Ano kasi, ah… mapapalayo ka pa tsaka kawawa rin naman si Carlo walang kasabay. Nandiyan naman si Kim. Hahaha! Ingat kayo pauwi ha.” Binawi ko na yung kamay kong hawak ni Chimby. “Bye, best friends!” Then I waved goodbye.

Pagdating ko naman sa parking lot, agad kong nakita ang sasakyan ni Carlo. Una dahil sa konti na lang ang mga sasakyan na nandito. Pangalawa dahil angat ang ganda ng kotse niya. At pangatlo dahil ang gwapo niya! SHET. Huminto muna ko. Nakasandal lang naman siya dun tapos nakabend yung isa niyang paa habang nakatingin sa relo niya. Napansin naman niya ang presensiya ko kahit medyo malayo pa ko. Tinitigan niya ko. Ugh! Nakakatunaw!

“Tinatayo-tayo mo pa diyan? Bilisan mo na! Pinagmumukha mo kong driver eh!” At pumasok na siya sa kotse. Gentleman talaga!

Mabilis na kong naglakad at sumakay sa passenger’s seat. Nagseatbelt na ko at pinaandar na niya. Nabibingi ako. Ang ingay! Grabe lang. Masisira na ang eardrums ko. Ang ingay talaga! *insert sarcasm* Argh! Takte! Ano ba naman ‘to. Ang tahimik niya. Di umiimik. Ang awkward tuloy! Buhos lang ng ulan ang maririnig eh. Tapos ang lamig pa, sarap tuloy mag-emo.

And I hate how much I love you boy. I can't stand how much I need you. And I hate how much I love you boy~” ♩ ♪ ♫ ♬ Mahina akong kumakanta habang nakatingin lang sa labas. Wala rin naman kasi akong balak imikin siya, susungitan lang naman ako niyan eh.

“Stop singing. Hindi naman maganda boses mo.” Biglang salita niya. Napatingin naman ako, diretso ang tingin niya sa daan. Ano daw? Hindi maganda boses ko? Sapakin ko kaya ‘to? Ouch eh!

“Kapal naman ng mukha mo! Pwede nga ako sa The Voice eh!”

“Mag-aalisan lahat ng tao kapag napakinggan ka tapos didilim, kikidlat, kukulog, uulan, babaha, magkakatornado, tsunami, earthquake hanggang sa mag-end of the world na.” Dirediretso niyang sabi habang sa daan pa rin nakatingin.

“HOY! Ang OA mo naman! Mahina lang yung pagkanta ko kaya di mo natripan. Duh! Bakit ikaw marunong ka bang kumanta? Yabang yabang talaga!”

“Baka pagnarinig mo kong kumanta, tuluyan ka ng mainlove sa’kin. Kaya wag na, wala akong balak na saluhin ka.”

“Shut up! As if maiinlove ako sa’yo! Kapal mo talaga!” I crossed my arms at kunot noong tumingin na lang din sa daan. Ano bang sinasabi niya? Yabang! Nakakaurat! Wala siyang balak saluhin ako? UGH! Tignan natin kung sinong maiinlove sa’ting dalawa! :/

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now