[30] Sleepover

608 16 2
                                    

[30]

Sleepover

"Oo."

["asdfghl"]

"Bakit ba?"

["asdfghl"]

"Calm down, Jea. Daig mo pa ang isang nanay manermon."

["asdfghl"]

"What? You don't need to go where I am."

["asdfghl"]

"Tss. Fine. Starbucks."

Naramdaman ko ang pagbaba niya ng phone. Kunot noo lang akong nakatingin sa glass window pero di ko maiwasang hindi makinig. At hindi ako eng-eng para hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Alam kong pupunta si Jea dito.

"Hey, where are we again?" Tawag pansin niya sa'kin kaya nilingon ko na siya at tinaasan ng kilay.

"Nasa Starbucks. Nakausap mo lang si Jea nagka-amnesia ka na agad?"

"Pinipilosopo mo ba ko?"

"Ha? Pinipilosopo agad? Di ba pwedeng sinasagot lang yung tanong mo?"

"Stop it. Bakit ba nabadtrip ka na lang bigla? Girls are really moody."

"Yeah and you'll never understand us." Umiwas na ko ng tingin at ininom na lang ang inorder kong frappe.

"But I can definitely read you. So tell me, you're jealous right?" Nasamid ako bigla sa sinabi niya. Shet naman. Binalingan ko ulit siya ng tingin at siningkitan ng mga mata.

"What?! Alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Oo naman. Tama ako diba? Selos ka kay Jea." Then he grinned and sipped his drink.

"Of course not! Bakit naman---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at yumukong inilapit ang mukha sa'kin. My heart started to beat so fast, again. Tinitigan niya ko habang nakahawak siya sa magkabilang dulo ng lamesa. Parang huminto ang oras. Ang sarap niyang titigan. Konti lang ang distansya ng mga mukha namin at ramdam ko na ang paghinga niya. His face looks so handsome, lovely eyes, perfect nose, manly jaw and kissable lips. I gulped.

"Are you sure? You're not jealous? Don't you like me?"

I saw him smirked. Pinili kong di sumagot dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Parang nawala na ko sa sarili ko at nakalimutan ko na rin yatang gumalaw.

"Sasagot ka o hahalikan kita?"

Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto kong magsalita pero para kong napipi. Napansin ko ang paglipat ng tingin niya na mula sa mga mata ko ay napunta sa labi ko. Napalunok ako at hindi ko namalayang binabasa ko na ang labi ko. Oh my.

"You really want me to kiss you, huh."

"C-carlo..." Is all I managed to say. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, yung tipong gusto mo pero ayaw mo rin. At kakakain ko lang ng Adobo, ano na lang ang lasa kapag hinalikan niya ko? Deng, what are you thinking?!!

"Time is over, Lady."

Ibinulong niya lang yon at unti unti ng inalapit ang mukha niya. Sobrang lapit na at amoy ko na ang hininga niya pati na rin ang nakakaadik niyang pabango. Gusto kong iatras ang ulo ko ngunit ayaw nitong gumalaw. Napapikit na lamang ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Would this guy steal my first kiss?

At dumampi ito. Malapit na pero hindi niya ito idinampi sa mismong labi ko kundi sa gilid lamang nito. Matagal. Matagal akong nakapikit at ang dampi ng labi niya. Omaygad. What are we doing?

I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]Where stories live. Discover now