[54]
Sorry
Nakakainis naman, and dami kong dala. Pero di dapat ako magreklamo dahil ginusto ko naman 'to. Buti na lang pinayagan akong mag-overnight kina Carlo pero siyempre mahaba habang diskusyon ang nangyari sa bahay bago ako pinayagan. Ang akala nga nila kina Nikka ako pupunta, tinawagan pa nga nila siya para manigurado buti na lang nasabihan ko agad si Nikka. Akala ko ibubuko niya ko pero panigurado sesermunan ako nun pagdating ko sa Van Fort.
Hindi naman sa walang tiwala ang mga magulang ko sakin, alam kong inaalala lang nila ang kalagayan ko at baka kasi may masamang mangyari sakin kaya ganun sila kaprotective sakin. Isa pa, ako kasi ang prinsesa nila. At hindi dahil sa gusto kong magsinungaling, ayoko lang na sobrang mag-alala sila at mamaya ay kung ano pa ang maisip nila. Di pa nga pala nila alam na may boyfriend na ko. Ewan ko na lang din pagnalaman ni Kuya na sa mansyon ng boss niya ko tutuloy.
"Deng!" Napahinto ako sa paglalakad nang may sumigaw sa pangalan ko. "Good morning!" Nakangiti pang bati niya pagkalapit sakin. Inirapan ko lang siya. "Aga aga naman ang sungit mo."
"Naiirita kasi ako! Ang dami ko kayang dala!" Tinaas ko pa ang mga dala ko na mangha niyang tinignan.
"E bakit ba ang dami mong dala? Naglayas ka ba?"
"Hindi! Basta, may pupuntahan kasi ako." Napahalukipkip siya at parang nag-isip.
"Okay, sabi mo e. Kung marami ka palang dala, bakit di ka sumabay kay Carlo? Tsaka oo nga, sabay kayo nun palagi diba?" Tumaas taas pa ang kilay niya. "Aha! Magkaaway kayo noh? Tapos kaya marami kang dala kasi isusurprise mo siya para makapagbati kayo!"
"Loko! Galing mo guma--"
Naputol ako nang bumukas ang main gate ng Van Fort. Naglihisan ang mga estudyante maliban samin ni Luigi, dahil kilala ko naman kung sino ang may ari ng kotseng papasok ngayon. EL-8 at sina Jea at Monica lang ang nakakagawa nito dito at siyempre kabisado ko na kung kaninong kotse itong nasa harap ko ngayon.
Pagbaba niya ay nagtilian ang mga babae, lagi naman e. Meron ring iba na nagtataka siguro ay dahil bakit nauna ako ngayon at bakit hindi kami sabay. I ignored the people around, tinignan ko lang siya ng diretso. Hindi ko malaman ang ekspresyon niya dahil nakashades siya. Lumapit siya na akala ko ay ako ang lalapitan.
"Pre, may jersey ka ba sa locker mo? May laro kami, naiwan ko yung akin." Saad niya kay Luigi na parang di ako nag-eexist sa harap niya.
"Meron pero ayokong ipahiram sayo! Papawisan mo lang yon, kadiri!"
"Ulol. Malamang di ko ibabalik yun sayo ng gamit. Papalabhan ko yun at baka nga mas mahal pa ang sabon na ipapagamit ko kesa sa kaluluwa mo e."
"Mukha mo! O sige mamaya ko na lang kukunin." Humarap na sakin si Luigi at ngumiti. "Una na ko ha, sa kabilang building pa klase namin e." He leaned forward and whispered. "Balitaan mo ko sa gagawin mong surprise ha." Kumindat pa siya bago umalis.
YOU ARE READING
I'm Not Miss Perfect ♡ [ON-HOLD]
HumorShe walks in beauty. All eyes on her. No one dares to blink. She always gets the attention. She’s an eye-catcher. Everyone wants to be perfect just like her. Everyone thought it’s happy and easy to live like a perfect person. But for her, being perf...