15

35 6 0
                                    

sy: don't forget to show your appreciation by commenting, voting, and sharing. thx po, madam!

※※※※

Pagkatapos ng laro, kaagad akong niyaya ni Clive sa locker room nila pero sa sobrang takot na baka may ibang lalaking nakahubad doon ay pinilit kong sa labas ko nalang siyang hintayin. Umiling lang siya at mahinang natawa pagkatapos ng ilang beses na pagpipilit niya kanina at pagdadahilan na mabilis lang daw kami doon at wala akong makikitang mga lalaking pawisan.

"Hindi ko naman hahayaan na makakita ka nang ganoon maliban sa'kin." Taas baba ang kilay niya sa pagsabi na ikinatawa ko naman. "Basta, pumasok kana doon." Ingos ko.

"Okay, sige. Bibilisan ko."

Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim at dumiretso na sa locker room. Panglalaki kasi, wala naman akong lawit tapos papapasukin niya 'ko doon?

Totoo sa sinabi niya, hindi siya inabot ng dalawang minuto sa pagpalit ng damit niya. He immediately held my hands after getting my little backpack from me. Kumunot ang nuo ko sa tinuran niya at nagtangkang agawin pabalik ang bag ko, ngunit kaagad niya naman itong itinaas. By the height gap, wala akong kalaban-laban sa kaniya kaya napaingos nalang ako sa inis.

"Hindi naman mabigat ang bag eh. Ang OA mo." He chuckles, patting my head softly which makes me frown as I tried to move away from his hand. "Hayaan mo lang akong tratuhin ka bilang isang reyna. You deserve to be treated like one."

Umiwas nalang ako ng tingin at nagsimulang maglakad, para hindi niya mahalata na kinikilig ako sa pinagsasabi niya. Player kasi noon, kaya smooth ang galawan at ang bibig. Ramdam ko 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niya.

He chuckles softly before following me towards the parking lot. Napatigil ako nang hindi ko makita ang sasakyan namin at hindi ko rin maaninag kahit anino man lang ni manong Edgar sa parking lot. Clive cough grabs my attention instantly.

"Alam mo ba kung bakit wala ang sundo ko dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ah. Baka nalate lang 'yon." Sabay kamot sa sarili niyang batok at nagpalaro ng tono gamit ang kaniyang bibig. I smirk, "Really?"

"Hmm?" Natatarantang ani niya at inayos na ang mga kamay niyang hindi mapakali. "Ah, Oo." He chuckles, in a nervous manner.

I tilt my head making him break his facade and holds my hand tight and turn towards his car, indicating that he wants to be the one to send me home tonight. Medyo ginabihan kasi kami, kaya medyo madilim na ang paligid. Ang tanging nagsisilbing gabay sa amin ay ang ilaw ng buwan at ng mga bituin sa langit kasama na ang ilaw ng paaralan.

I let out a sigh, alam na alam kong may ginawa 'tong lalaking to para magawa niyang maihatid ako sa bahay. Gusto ko man siyang pagalitan pero kinikilig ako eh. Pagkapasok namin kaagad sa sasakyan niya, hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinalikan. Napatingin ako sa kaniya na kanina pa pala nakatingin sa'kin.

"Hindi ko parin lubos maintindihan na akin kana at mag-dadalawang buwan na tayo." He mutters and kisses the inside of my palm, the touch of his soft lips on my palm makes it way through my heart that has been beating in a quick rate.

"Malapit na ang second monthsary natin pero ayaw ko munang pagsaluhan 'yon." Pag-uumpisa niya. Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit naman?"

Illuminated Memories (La Lune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon