Stellar Calaia Anne's
"Miss Cala, may nagpapabigay po"
Nag-angat ako ng tingin kay Madonna nung nagsalita sya. Siya yung kasama at nakakatulong ko rito sa flower shop na pag-aari ko. Nakita ko syang may dalang life size na hello kitty. Actually, malaki pa sa kanya yun.
"Kanino galing?" Kunot noong tanong ko sa kanya at binitawan ang lapis na hawak ko. Bukod kasi sa hilig sa mga bulaklak ay hilig ko rin ang pagguhit at kung minsan ay nag-eexhibit pa ako ng mga portraits ko.
"Hindi ko po alam. Biglang may dumating pong delivery boy tapos sinabing para daw po sa inyo yan" inilapit nya sakin ang stuffed toy at nung naamoy ko ang pabangong ginamit doon ay agad na napangiti ako. Parang kilala ko na kung kanino galing iyon.
"Thank you, Madonna" tumango ako sa kanya at ngumiti. Nagpaalam naman sya sakin at bumaba na. Nasa first floor kasi ang flower shop ko at itong second floor naman ay para sa studio ko.
Agad akong napangiti noong nag-ring ang phone ko.
"Hello, Hon" masayang bati ko sa kabilang linya.
"Nareceive mo na ba yung pinadala ko" lalong lumawak ang ngiti ko noong nakumpirma kong sa kanya nga galing iyon.
"Yeah, thank you po" lumapit ako sa hello kitty at inamoy amoy pa iyon. Ang bango bango. Kaamoy na kaamoy nya. Bonus pa na ito talaga ang pinaka paborito kong character.
"Buti naman. I have to go na, busy dito sa food park e"
"Okay. I love you, hon" malambing na sabi ko.
"Okay" kahit hindi sya sumagot sa 'i love you' ko ay binalewala ko lang yun. Baka busy lang talaga sya.
Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang kaibigan kong si Eunice. Since high school ako ay kasa-kasama ko na sya at parang magkapatid na ang turingan naming dalawa.
Kumunot ang noo nya nung napansin nya ang hello kitty na bigay sakin ni Nico, ang ex boyfriend ko.
"Hoy babae, kanino galing yan?" Taas kilay nyang tanong habang nakahalukipkip. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil alam ko na pagagalitan na naman nya ako.
"Wala. Bakit bawal bang bilhan ko yung sarili ko?" Sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya pero nanatiling nakataas ang kilay nya at nakatitig sa mga mata ko. Hindi tuloy ako mapakali. Mahirap magsinungaling sa kanya dahil pinsan nya ata si detective conan.
"Totoo ba yung nabalitaan ko kay Tyra na nakita nya kayong magkasama ni Nico sa mall kahapon?" Umiwas ako ng tingin at bumalik sa table ko. Kahit kinakabahan ay pinagpatuloy ko ang pagguhit para lang magmukhang busy ako.
"Bat naman ako makikipagkita sa lalaking hindi nagparamdam sakin ng tatlong taon? Ni wala kaming formal break up" pilit pa akong tumawa at umiling iling. Naramdaman kong lumapit sya at umupo sa upang katapat ko.
"Magsinungaling ka na sa lahat wag lang sakin. Tangina naman, Cala. Naturingang Kalayaan ang pangalan mo tapos kinukulong mo naman yung sarili mo sa isang taong wala man lang pakialam sa nararamdaman mo?!" Pagalit nyang sabi kaya napabuntong hininga ako at binitawan ang lapis na hawak ko.
"Nagbago na si Nico, Eunice" mahinang sabi ko.
"Sa paanong paraan nagbago? Nagbago ng babae?" Sarkastikong sabi nya.
"Malay mo ito yung perfect timing para samin. Suportahan mo naman ako, best friend. Mahal na mahal ko talaga sya e" pinalamlam ko pa yung mga mata ko at hinawakan yung kamay nya. Marahas naman syang bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Fiction généraleLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...