Chapter 25

53 7 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Mali ka naman e. Mas maganda yan dun sa kabilang part!" Sigaw ko kay Paul Aries pero tinawanan lang nya ako.

Actually, kanina pa kami nagtatalo dahil tinutulungan ko syang magdesign ng garden namin. At lahat ng suggestions ko, nirereject nya.

"Makinig ka kaya sakin. Ako kaya yung amo mo!" Nakahalukipkip na sabi po pero ang walanghiya, lalo lang tumawa. Ang saya-saya lagi ng taong to. Nakakainggit.

"Sino po ba ang designer sating dalawa?" Nakangising sabi nya.

"Excuse me, marunong din akong tumingin ng pangit at maganda, no! Artist din kaya ako" 

"Bakit? Hindi ba maganda yung gawa ko?" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa totoo lang ay maganda nga ang gawa nya. Ayoko lang iadmit sa sarili ko dahil baka magyabang pa sya.

"Ano, Stellar? Sabihin mo lang babaguhin ko yung design ko" nakangising sabi pa rin nya kaya inirapan ko sya. Umupo ako sa bench na naroon at hinayaan nalang sya sa ginagawa nyang paglalagay ng mga garden figurines.

Ilang sandali pa ay tumabi na sya sakin and yeah, half naked na naman sya. Di ba to aware na bawal maghubad?

"Balak kong maglagay ng manmade lake dun sa part na yun. Okay lang ba?" Tanong nya.

"Malay ko sayo. Diba ikaw ang artist" inis na inis na sabi ko pero tinawanan lang nya ako.

"Ano ba kasi yung kasalanan mo sa daddy ko? Bakit parang sobrang binibigyan mo ng effort itong garden namin? Minsan nga lang kami magkaroon ng bisita kaya wala rin masyadong makakakita nyan" nagkibit balikat lang sya.

"Masaya naman ako sa ginagawa ko e" simpleng sagot nya kaya hindi na rin ako nagsalita. Napapitlag ako nung naramdaman kong may pumatak sa ulo ko. Tumingala ako at napansin kong umuulan na pala.

"Hala, Tara na sa loob" yaya ko sa kanya at tumayo na. Nagulat ako nung hawakan nya ang kamay ko at hinila ako pabalik.

"Anong ginagawa mo? Mababasa tayo dito" takang sabi ko sa kanya pero nginisihan lang nya ako.

"Minsan kailangan mo ring matutunan kung paano ienjoy ang ulan"

"Bakit? Para magkasakit ako?!" Sigaw ko sa kanya dahil malakas na talaga yung ulan at basang basa na rin kaming dalawa.

"Hindi lahat ng nakakasakit sayo, tatakbuhan mo. Minsan kailangan mo ring harapin ito para mabigyang sagot lahat ng katanungan mo" makahulugang sabi nya kaya napaisip ako.

"Hindi habambuhay hihintayin mo nalang na matapos ang ulan. Hindi habambuhay ilukubli mo yung mga luha mo. Maging matapang kang harapin lahat ng takot mo para sa huli, wala ng mga 'what ifs'" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil parang punyal na tumatarak sa puso ko ang mga sinasabi nya.

Baka nga kaya hindi ko nakalimutan si Nico kahit tatlong taon na ang lumipas ay dahil kumakapit parin ako sa mga what ifs.

"Gusto mong kausapin ko si Nico? Ganun ba yun?"

"Oo pero hindi sa ngayon. Patawarin mo muna yung sarili mo, hilumin mo yung mga sugat mo at bigyan mo ng pagkakataon yung sarili mong maging malaya. Malay mo pag dumating ang panahong magaling kana at wala na yung sakit, yun na pala yung perfect timing para sa inyong dalawa" nakangiting sabi nya pero hindi umabot ang mga ngiting yun sa mata nya.

Nagulat ako nung haplusin nya ang pisngi ko at pinahid ang luhang naroon. Paano nya nakita ang mga luha kong nakakubli sa ulan?

Napatili ako nung hinila nya ako sa may pinakagitna ng garden namin. Hindi pa yun maayos at medyo nagputik na nga dahil sa ulan.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon