Chapter 29

62 9 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

Five years later ...

"Aris!" Sigaw ko sa batang nagtatakbo paikot ikot sa hardin ng bahay namin.

"Yes, Mommy?" Nakangiting lumingon sya sakin. Tumakbo ulit sya palapit sakin kaya binuka ko ang mga braso ko para salubungin sya ng yakap.

"Pawis na pawis ka na, Anak!" Pinangigilan ko ang ilong nya at pinaghahalikan ang pisngi nya. Kahit pawis na pawis ay ang bango bango pa rin ng baby ko.

"Mommy stop! Ayaw na po" hingal na hingal na sya kaya tinigilan ko na rin ang pagkiliti sa kanya.

"Tapos na ba ang mga assignments mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya habang pinupunasan ang likod nya. Ngumisi sya at humalik sa pisngi ko.

"Hindi pa po!" Bago ko pa sya mahawakan at matalakan ay nagtatakbo na sya sa loob ng bahay. Paniguradong hahanap na naman sya ng kakampi dahil alam nyang pagsasabihan ko sya. Napailing nalang ako.

Diniligan ko nalang ang mga halaman kong alaga sa hardin. Inayos ko na rin iyon base sa mga naaalala kong plano ni Paul Aries para dun. Nagpalagay na rin ako ng manmade lake gaya ng gusto nya. Ito ang naging sanctuary ko. Yung kubong pinadala sakin ni Tita Pauleen ay narito pa rin at alagang-alaga ko. Pag nakakaramdam ako ng lungkot, ng takot at kahit na labis na kaligayahan ay doon ako nagpupunta.

Lumapit ako sa kubo at dahan-dahang pumasok. Umupo ako at ipinikit ang mga mata ko. Kakaibang hangin ang dumampi sa balat ko kaya napangiti ako. Nararamdaman ko pa rin sya. Alam kong nandyan lang sya at gumagabay sakin.

Tumingala ako para makita ang mga nakasabit na mga bituin mula sa bubong ng kubo. Napangiti ako nung makita ko ang mga larawan nyang nakasabit rin doon. Minsan kasi ay hindi ko nalang namamalayan na siya na pala ang iginuguhit ko. Pina-laminate ko ang mga larawang iyon at isinasabit ko rin dito kaisa ng mga bituin. Iisa lang ang sukat ng mga iyon kaya mukha talaga syang dekorasyon.

May mga larawang nakangiti, nakasimangot, seryoso at kung ano-ano pa base sa mga naaalala ko. Hindi na kasi naulit pang muli ang pagpapakita nya sakin sa panaginip kaya yung mga naaalala ko lang ang naiguhit ko. Ang pinakapaborito ko ay yung una ko syang nakita sa kusina namin kung saan wala syang suot na pang-itaas. Nakangisi sya noon na wari mo'y nang-aasar.

Hindi naman nagtatanong sina Daddy tungkol dito pero sinusuportahan naman nila ako. Naging malapit na kaibigan na rin nila si Tita Pauleen na kung minsan ay dumadalaw din dito pag namimiss ang anak ko. Naiyak pa nga sya nung nakita nya yung mga larawan ni Paul Aries dito sa kubo. Niyakap nya ako noon ng mahigpit at ramdam na ramdam ko pa rin ang pangungulila niya sa anak nya.

Kung minsan ay dumadalaw din naman kami kina Tita Pauleen lalo na pag may okasyon. Kung spoiled dito sa bahay si Aris, mas doon. Hindi lang kay Tita Pauleen kundi pati na rin sa mga kapatid ni Paul Aries.

Sa loob ng limang taon, marami akong narealize. Napakasarap palang mabuhay. Madaming nagmamahal saming mag-ina. Si Aris, hindi namin ipinaparamdam sa kanya na may kulang. Malaki ang pasasalamat ko kay Charles dahil siya na rin ang tumayong father figure kay Aris sa mga nakalipas na taon.

Hindi naman ako nagkulang na magpaliwanag sa bata na hindi si Charles ang tunay nyang ama pero hindi na sya nagtatanong o naghahanap pa. Baka wala pa lang talaga syang pakialam o baka sa murang edad ay naiintindihan na rin nya ang sitwasyon.

Matapos kong linisin ang kubo ay pumasok na ako sa bahay. Nakita ko sa sala si Aris na bagong paligo na. Nagsusulat sya ng kung ano sa notebook nya habang nakaupo sa sahig.

Simula nung nag-aral sya ay ayaw nyang tinutulungan ko sya sa mga assignments nya. Pinapacheck nya lang sakin kung tama ang ginawa nya pero sya talaga ang nagsasagot nun. Nagulat na nga lang ako na marunong na syang magbasa at sabi ng teacher nya ay active sya klase.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon