Chapter 15

53 7 1
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Calaia Anne!" Nagulat ako sa sigaw ni Eunice at napabalik sa wisyo. Nandito kami sa kanila dahil tinutulungan ko syang gumawa ng mga personalized giveaways nya para sa debut nya.

"Ano yun, Eunice?" Alanganing ngumiti ako sa kanya pero tinaasan lang nya ako ng kilay at humalukipkip na wari mo'y inis na inis sakin.

"Anong huli kong sinabi?" Tanong nya kaya napakamot ako sa ulo ko. Kanina pa kasi sya daldal nang daldal pero lumipas talaga ang isip ko e.

Matapos kasi ng pagkikita namin ni Nico sa bahay nila 2 weeks ago ay nawala na naman sya ng parang bula. Expected na naman yun dahil baka may girlfriend na naman syang bago.

"Ah, sabi mo violet ang color ng gown mo?" Kumibot ang labi nya na parang gusto nya akong sigawan.

"Wala akong nabanggit sayo tungkol sa kulay ng gown na susuotin ko. Tungkol kay Jarred ang kinukwento sayo. Ano bang problema mo?" Nakapamot nalang ako sa ulo ko dahil parang stressed na stressed sya sakin.

"Sorry, Bessy. Masama lang talaga ang pakiramdam ko" palusot ko nalang

"Okay ka lang ba? Higa ka muna sa bed. Gusto mo bang palutuan kita kay yaya ng sopas?" Nag-aalalang tanong nya kaya nginitian ko nalang sya.

"Okay lang ako, bessy"

"Sure ka ha?" Tumango ako at ngumiti muli. Ayokong dagdagan ang inis nya kay Nico kaya hindi na dapat nyang malaman ang mga nangyayari samin. Basta alam kong mahal pa ako ni Nico, maghihintay parin akong bumalik kami sa dati.

Dumating ang debut ni Eunice at hindi ko kasama si Nico dahil sabi nya ay masama ang pakiramdam nya. Tahimik lang ako dito sa isang gilid habang pinapanood ang best friend kong masayang-masaya habang kasayaw si Jarred.

Noon, hindi ko akalaing magagawa ni Jarred ang magseryoso pero ngayon ramdam na ramdam ko kung gaano nya kamahal ang best friend ko.

Sana sa debut ko, makasayaw ko rin si Nico. Maaga kasi akong nag-aral noon dahil sabi ni Mommy, saling pusa daw ako sa klase ng pinsan nya na teacher pero naging maayos naman daw ang performance ko kaya pinayagan na nila akong tumuloy sa grade 1 kahit di pa angkop ang edad ko. Kaya bata ako ng isang taon kina Eunice. Next year pa ako magdedebut.

"Are you okay, Cala?" Tanong sakin ni Hannah. Kami lang tatlo nina Claire ang magkakatabi dahil as usual, may mga kasamang boyfriend na naman yung iba.

"Yeah" tipid na sabi ko at nginitian sya.

"Girls, pwedeng makishare ng table?" Napa-angat ang tingin namin kay Gwen na isa sa mga kaklase namin. Mabait naman sya kaya pinaunlakan na rin namin sya.

"Ang sakit ng ulo ko. Naparami ata ang inom ko" sabi nya kaya inabot ko na sa kanya yung tubig ko na hindi ko pa naman nagagalaw.

"Inumin mo muna yan. Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan kita sa room?" May mga designated rooms kasi kami dito sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Eunice.

"No, okay lang lang ako" nginitian nya ako kaya napanatag naman ako. Nakahalukipkip lang sina Claire at Hannah na kala mo'y walang pakialam at inis na inis sa babae. Mainit kasi ang dugo ni Hannah kay Gwen dahil naging boyfriend din nito ang ex ni Hannah.

"Behave, girls" pinanlakihan ko sila ng mata pero umirap lang sila.

Umilaw ang phone ko na nasa table at sabay kaming napatingin ni Gwen doon. Si mommy lang pala ang nagtext at tinatanong kung uuwi ako ngayong gabi. Nagreply naman ako at binalik ulit ang phone ko sa pagkakatong sa table.

"Pwede patingin ulit nung lockscreen wallpaper mo?" Napatingin ako kay Gwen nung nagsalita sya. Nagtatakang tumango naman ako sa kanya at hinarap ang phone ko. Picture ni Nico ang naroon at nakasuot sya ng GOA uniform nila sa criminology.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon