Chapter 5

63 8 1
                                        

Stellar Calaia Anne's

"Bessy! Classmates ulit tayo sa fourth year. Binulungan ko talaga si Mam Jackie" hagikhik pa ni Eunice kaya napailing nalang ako. Malamang classmates parin kami dahil kabilang parin naman kami pareho sa star section.

"Sawang-sawa na ko sa pagmumukha mo e" biro ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa may mga tables malapit sa puno ng acacia. Ito rin kasi ang nagsisilbing study area ng mga estudyante.

"Sus, kunwari ka pa. Masaya ka rin naman kasi may magagayahan ka sa Science" pabirong ginanutan ko naman sya kaya natawa sya.

"Hi babe!" Napa-angat ang tingin ko nung narinig ko ang boses ni Jarred. Dali-daling lumapit sya kay Eunice at humalik pa sa pisngi ng kaibigan ko. Hanggang ngayon ay duda pa rin ako sa relationship nila pero nakikita ko namang masaya ang kaibigan ko kaya sige lang. Support nalang ako.

Nandito kami ngayon sa school dahil kukuha na kami ng books at para na rin hanapin ang mga section namin.

"Cala, nagtext ba sayo si Nico?" Tanong sakin ni Jarred.

"Ha? Hindi e. Kakapagtaka nga, hindi naman yun nakakalimot magtext tuwing umaga"

"Ang alam ko kasi hindi sya nag enroll ngayong school year. Baka sa public na yun pumasok" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jarred.

"Bakit hindi sya nagsabi sakin?" Nakaramdam ako ng pagtatampo. Akala ko ba girlfriend nya ako? Bakit hindi nya sinasabi sakin ang mga plano nya?

"Alam mo namang walang ibang sumusuporta sa kanila simula nung namatay si Tito, diba? Kakasimula palang naman ng business ni Tita kaya baka magsacrifice muna silang magkakapatid"

"Pero dapat nagsabi sya. Ano yun, bigla nalang nya akong lalayasan nang wala man lang paalam?" Pakiramdam ko ay nangingilid ang mga luha ko pero pinipigilan ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong lungkot at sakit.

"Baka naman may reason sya, Bessy. Hintayin mo muna yung paliwanag nya" tumingala nalang ako sa langit para pigilan yung luha ko. Bakit ang daya nya?

Dumating ang araw ng pasukan at nawala na naman yung excitement ko. Hindi na rin nagpaparamdam sakin si Nico kaya lalo akong nalulungkot.

"Take care baby" humalik pa si Daddy sa pisngi ko bago ako bumaba ng sasakyan nya. Nginitian ko sya at kumaway bago ako tuluyang pumasok ng gate.

"Good morning, Hon" nanlaki ang mata ko nung may umagaw ng file case at mga books na hawak ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko. Nakangiti sya at nakacomplete uniform pa.

"Papasok?" Patanong na sabi nya at umakbay sakin. Agad ko namang tinanggal yung braso nya at nakapamewang na hinarap sya.

"Akala ko hindi ka nag-enroll? Saka sabi ni Jarred baka sa public ka na pumasok this school year!" Pakiramdam ko ay nanlalaki ang butas ng ilong ko sa inis.

"Late akong nag enroll kasi nag-ipon pa si Mama ng pantuition. Dapat nga sa public ako papasok pero nakakuha ako ng financial assistance dahil na rin sa grade ko nung third year. Pinayagan na akong tumuloy ni Mama dito dahil maayos naman daw yung pag-aaral ko" mahabang paliwanag nya. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Bakit hindi ka nagparamdam sakin?" Nakangusong tanong ko.

"Naghanap ako ng part-time job. Meron naman akong nakita. Magbabantay ng computer shop ng kapitbahay namin tapos nag-apply din ako dito bilang assistant sa library. May allowance yun tapos may food stub pa ako every lunch kaya di na masyadong kailangan ng baon" nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Pinisil ko ang kamay nya at masuyong nginitian sya.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon