Stellar Calaia Anne's
"Happy birthday, Cala!" Sigaw ng mga kaibigan ko pagpasok ko palang ng condo ni Ericka.
Dali-daling pumunta ako dito dahil nakatanggap ako ng text na iyak daw nang iyak si Ericka dahil break na sila ni Harold. Tapos tinakot pa ako ni Eunice na baka daw maglaslas pa yung kaibigan namin kaya kailangan kong puntahan since ako yung pinakamalapit sa location ng condo nya.
"Mga siraulo kayo! Alam nyo bang muntik na akong mabangga sa pagmamadali papunta dito?!" Sigaw ko sa kanila at napanguso nalang dahil nangingilid ang luha ko. Natakot talaga ako dun.
"Sorry na, Cala. Gusto lang naming isurprise ka" niyakap ako ni Ericka kaya wala na akong nagawa kundi ang yakapin nalang din sya pabalik.
Isa-isang lumapit sila sakin at bumeso habang nag-aabot ng regalo nila. Seriously, ngayon ko lang napagtantong birthday ko pala.
Hindi na kasi ako nakapagpakita kina Mommy dahil nagmamadali nga ako paparito kaya di nila ako nabati.
"Kainan na!" Sigaw ni Claire kaya nagkanya-kanyang lapit na kami sa lamesa. Napatitig ako sa cake na may kandilang nakahulma ng numero 21. Hindi na ako teen. Kailangan ko nang magmature.
Pumikit ako at taimtim na nanapangin bago hipan ang kandila.
"Genuine Happiness para sa lahat" ang wish ko. Ayoko na ng mga negatibo. Masaya na naman ako sa buhay ko.
"So Cala, kailan ka namin ulit makikitang may boyfriend?" Paikot na nakaupo kami sa sahig. Kami-kaming girls lang ng narito dahil wala ang mga jowa nila. Salamat naman!
"Pag naka-abay na ako sa isa sa inyo" nakangising sabi ko at sunod sunod naman silang napaubo.
"Woah, sana sinabi mo nalang na wala ka pang balak. Dinamay pa talaga kami. Wala pa akong balak na matali" umiikot ang matang sabi ni Michelle.
"Yeah, we're too young for that" tumango tango naman ang iba sa sinabi ni Glecy.
"Wag nyo kasi akong madaliin. May perfect timing naman para dyan"
"Perfect timing ba talaga o siya pa rin?" Taas kilay na tanong ni Eunice. Ngumiti ako. Hindi yun pilit dahil wala na akong naramdamang kirot sa dibdib.
"Right time, right person. Ayoko nang magkamali pa e. Sabi nila ang mga taong nagmamadali, sila yung madalas magkamali kaya bahala na, go with the flow nalang ako. Alam ko namang darating ulit ang panahong titibok ulit ito para sa isang tao" tinapik tapik ko pa ang dibdib ko. Ngumiti naman sila at itinaas ang mga beer na hawak.
"Cheers!" Sabay sabay naming sabi sabay inom.
Sumasagot ako sa email ng mga clients ko dito sa shop isang hapon. Napahinto ako nung may nag pop na maliit na box sa gilid. Tanda ng may nagmessage sa messenger kong nakabukas din dito sa laptop ko.
Kunot noong tiningnan iyon at nanlaki ang mga mata ko nung nabasa kung sino ang sender. Kinusot kusot ko ang mga mata ko para siguraduhin kung namamalikmata lang ba ako.
Dale Rosales ang sender at iisang tao lang naman ang kilala kong Dale Rosales. Nanginginig na binasa ko ang mensahe nya.
Simpleng kamusta lang ang laman nun na nakapag palunok sakin. Kinapa ko ang dibdib ko. Bakit hindi na mabilis ang tibok nun. Nakamove on na ba ako?
Naglog-out ako at pinatay na rin ang laptop. Tinitigan ko yun na para bang lulutang yun sa pamamagitan ng tingin ko.
"Miss Cala?" Napabalik ako sa wisyo nung kumatok si Madonna at ilang saglit pa'y dumungaw ang ulo nya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...