Stellar Calaia Anne's
"Hello, Miss Stellar" nakangiting bati sakin ni Paul Aries habang kumakaway kaway pa. Nadatnan ko syang nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng kung anong libro. Hindi ko alam kung ilang oras ulit ako nakatulog pero medyo okay na ang pakiramdam ko. Bumabawi ata ang katawan ko dahil ilang are din akong walang ayos na tulog.
Naisipan ko kasing bumaba dahil nagugutom na ako. Hindi ko akalaing narito pa rin sya.
"Bakit nandito ka pa?" Takang tanong ko sa kanya. Madilim na kasi sa labas kaya sure ako na gabi na.
"Ginagawa ko po yung trabaho ko, Miss" nakangising sagot nya kaya napataas ang kilay ko.
"Anong trabaho?"
"Bantayan po kayo"
"Akala ko ba landscape artist ka?"
"Opo by profession pero bodyguard slash guardian angel by choice" nakangisi paring sagot nya kaya inirapan at nilampasan ko sya saka nagdere-deretso na sa kusina.
Binuksan ko ang ref dahil naghahanap ako ng something na malamig. Agad naman akong napangiti nung makakita ako ang ice cream. Kinuha ko yun at dinala sa dining area. Pabagsak na umupo ako sa dining chair. Nung bubuksan ko na sana ang ice cream ay agad namang inagaw sakin yun ni Paul Aries kaya nanlalaki ang matang humarap ako sa kanya.
"Anong problema mo?"
"Mamaya na po ito, Miss. Kumain ka po muna ng rice"
"Ano bang pakialam mo? Gusto ko yan e" parang batang nagtatrantums na sigaw ko. Nakakainis kasi sya.
"Ibibigay ko to sayo mamaya pag natapos kang kumain ng kanin" suminghot singhot ako kaya nanlaki ang mata nya.
"Hala, wag ka nang umiyak. Sorry na" dumukmo ako sa dining table at pinagpatuloy ang pag-iyak. Di ko alam kung anong nangyayari sakin pero yun ang nararamdaman ko e.
Nakarinig ako ng kalabugan pero hindi hindi ko inangat ang mukha ko. Naiinis kasi ako sa pagmumukha nya.
"Miss Stellar, kain ka muna" marahan nyang tinapik ang balikat ko pero pilit kong pinapalis ang kamay nya dun.
"Ano ba yan, akala ko pa naman friends na tayo kanina" parang tangang sabi nya kaya napa-angat ang tingin ko. Nakangusong syang nakatingin sakin na parang asong naghihintay ng pagkain.
"Wala pa ba sina Daddy?" Tanong ko nalang habang pinupunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.
"Wala pa po e. Kain kana. Masarap to" nilapit nya sa harap ko ang sa tingin ko'y sinigang na baboy. Agad na nanubig ang bagang ko nung makita yun. Mukhang masarap kaya wala na akong panahong magpabebe.
Agad na humigop ako ng sabaw at napapikit nung malasahan iyon. Ang sarap! Inabutan din nya ako ng kanin kaya mas magana akong kumain.
"Sarap ba?" Hindi ko na nagawang sumagot dahil punong puno ang bibig ko kaya tumango-tango nalang ako. Mahina naman syang natawa at pinabayaan na ako.
Malakas akong napadighay nung natapos akong kumain.
"Good girl" marahang ginulo pa nya ang buhok ko at saka inilagay sa harap ko yung ice cream na kanina ko pang iniiyakan.
"Di ka ba hahanapin sa inyo?"
"Palagay mo sakin teenager?" Natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya. Nagtatanong ng maayos e.
"Bakit kasi nandito ka pa?"
"Kaya mo bang mag-isa ngayon?" Balik na tanong nya kaya napatigil ako sa pagsubo ng ice cream. Para kasing iba yung tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...