Chapter 32

67 9 0
                                    

Dale Nicholas'

Part 2

"Eugine, anong gagawin ko? Hindi pwedeng madamay si Cala" tanong ko sa pinsan ko. Kanina kasi habang pauwi si Cala ay lihim akong nakasunod at napansin ko ring may ibang sumusunod sa kanya.

"Iwasan mo muna yung girlfriend mo, insan" simpleng sabi nya na kala mo'y napakadaling gawin.

"Hindi ko kayang gawin yun"

"Insan may naisip akong paraan, ito'y suggestion lang naman. Nasa iyo pa rin ang desisyon" natigilan ako sa sinabi nya.

"Ano yun?"

"Kayang protektahan ng kapatiran ang girlfriend mo. Yun nga lang ay kung ganap ka nang kabilang sa amin. Wala nang bawian to pag kaisa kana." napalunok ako sa sinabi nya. Nangako ako kay Cala noon na hindi ako sasali.

"Sigurado bang hindi mapapahamak si Cala?"

"Pangako pinsan. Malaki ang sindikatong binangga natin noon at mainit ang mata nila sayo kaya alam kong gagawin nila ang lahat para lang makaganti"

"Sige pinsan" buo na ang desisyon ko. Para sa kanya, para sa kaligtasan nya. Bahala na.

-

Isinasama ako ni Cala sa debut ng isang kaibigan nya. Kagagaling ko lang mula sa pagdedeliver sa isa naming kliyente kaya nalate ako sa itinakda nyang oras.

Ang ganda-ganda nya sa suot nya kaya wala akong nagawa kundi ang hawakan sya. Pilit pa rin kasing tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi sakin ni Charles at natatakot akong dumating ang araw na yun.

Hindi ko alintana ang matatalim na tingin sakin ni Eunice at ang pang-aasar sakin ni Jarred. Si Cala lang ang mahalaga sakin. Ngayong kayakap ko sya, parang bumabalik ako sa dati kong sarili na walang problema at malinis pa ang pagkatao. Yung hindi pa nakasanla ang kaluluwa sa dyablo.

Habang nakahiga kami rito sa isa sa mga kwarto ng kaibigan nya ay nakatitig lang ako sa kanya. Ang himbing ng tulog nya at nakasiksik sya sakin. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko dahil ayokong palampasin ang pagkakataong ito. Ilang beses ko syang hinahalikan sa noo at sa ilong. Natatawa nalang ako pag napapakislot sya.

Sana nagsikap nalang ako. Sana nag tatlo hanggang limang trabaho nalang ako para makatulong kay mama para ngayon ay karapat dapat pa rin ako kay Cala. Sana hindi ko pinili yung buhay kung saan madali ang pera. Ang dami kong sana ngayon habang lumuluhang nakatitig lang sa kanya.

Umamin ako kay Cala tungkol sa mga naging 'girlfriend' ko. Kahit naman hindi iyon totoo at hindi ko minahal ang mga babaeng yun ay hindi maitatanggi ang pagkakamali ko. Hindi excuse yun. Ayoko nang dagdagan pa ang mga kasinungalingan ko.

Expected kong magagalit sya sakin pero hindi. Ano bang magandang nagawa ko noon para ipagkaloob sakin si Cala ngayon?

Noong naglapat ang aming mga labi ay muli akong nagpasalamat sa nasa itaas. Matagal na akong hindi naniniwala sa Kanya pero ngayon ay gusto kong humiling. Pwede bang pa-extend yung gift?

-

Dahil sa napapabayaan ko na ang pag-aaral ko ay mas minabuti ko nalang ang huminto. Hindi na rin naman ako karapat dapat pang tawaging pulis dahil ako mismo yung makasalanan.

"Cheers!" Sabay-sabay naming itinaas ang baso. Nagyaya kasi ang mga kaklase kong uminom muna bago daw ako tuluyang tumigil. Naging mabuting kaklase naman sila kaya pinagbigyan ko na.

Kasama ko yung babaeng bagong pinababantayan ni Eugine sakin. May mga kasama din naman ang mga kaklase ko kaya okay lang yun. Hindi sya nag-iisang babae.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon