Stellar Calaia Anne's
"Cala, pwede bang kayo nalang ni Gwen ang bumili ng mga kulang na materials natin?" Nakangiting sabi sakin ni Bridgette. Para kasing pinaglalaruan kami ng tadhana na lagi kong nakakagrupo si Gwen.
After ng pag-uusap namin ni Nico sa kanila ay nawala na naman sya. Siguro ay sila pa rin ni Gwen dahil hindi pa sya bumabalik sakin.
"Pwede bang si Julie nalang ang kasama ko?" Mahina at nananantyang sabi ko sa kanya. Tinitigan nya ako sa mata at parang binabasa ang iniisip ko. Hindi kami close dahil mataray talaga sya. Sya ang chairman/president ng klase namin at masakit talaga syang magsalita.
"May problema ba, Cala?" Nakahalukipkip na tanong nya kaya napanguso nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Gwen and Julie! Kayo na ang bumili ng mga kulang na materials. Kami na ni Cala ang bahala dito" sigaw nya kaya walang nagawa na tumayo at lumabas ng apartment nya. Independent kasi itong si Bridgette at mag-isa lang nyang sinusuportahan ang pag-aaral nya.
"Cala, hindi talaga ako palaimik na tao pero hilig kong obserbahan ang mga tao sa paligid ko. Dahil ba ito kay Gwen at sa boyfriend mo?" Nagulat ako sa sinabi nya. Nitong nakaraan kasi ay madalas sila ang mga nagiging kagrupo ko kaya siguro ay pansin din nya ang pagiging close nung dalawa pag sinusundo ako ni Nico.
"H-hindi po, Chairman. Bakit mo naisip yun?" Nginitian ko sya at pinagpatuloy ang ginagawang pagpipintura ng props namin. Kailangan kasi naming gumawa ng pelikula dahil magkakaroon ng film festival ang school para makalikom ng pondo ang department namin. Group namin ang na-assign sa mga props.
"Mabigat sa loob yan pag sinarili mo. Bakit kahit kina Eunice, hindi mo sinasabi?" Wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at tumingin sa kanya. Meron syang awra na nagsasabing pwede ko syang mapagkakatiwalaan.
"Ayokong masira ang image ni Nico at Gwen sa kanila" mahinang sabi ko. Nilapag nya ang ginagawa nya at hinila ako palayo sa iba naming kagrupo. Dinala nya ako sa rooftop ng building nila at pinaupo sa mga upuang nakakalat dun.
"Pwede mong sabihin sakin ang lahat, Cala. Alam kong hindi tayo maituturing magkaibigan pero handa akong damayan ka" tuluyang tumulo ang luha ko at kinuwento sa kanya ang lahat. Pagkatapos nyang magkwento ay napansin kong iyak rin sya nang iyak at niyakap ako.
"Ano ba yan, yung tigasin naming chairman, umiiyak". Biro ko sa kanya pero sinamaan lang nya ako ng tingin at pinunasan ang luha nya.
"Ang tapang mo, Cala. Hanga ako sayo dahil nakakaya mo pa ring pakisamahan ng maganda at isipin ang kapakanan ni Gwen"
"Hindi ko naman sya masisisi. Sadya namang hindi mahirap mahalin si Nico" sabi ko nalang at nginitian sya. Niyakap nya ako ulit at sabay kaming bumalik dun sa iba.
Dumating ang araw ng debut ko at present lahat ng mga kaklase ko pati na rin yung mga classmates ko nung High School dahil holiday naman. Masaya ako pero pakiramdam ko ay may kulang. Walang dumating na Nico. Wala akong escort, wala akong 18th rose.
"Gwendolyn!" Galit na galit na sigaw ni Hannah kay Gwen kaya napatingin kami sa may pinto kung saan naroon sya. Kumunot naman ang noo ni Gwen at binaba ang cellphone na hawak bago nagtatakang hinarap si Hannah.
"Bakit?" Takang tanong nung isa. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanila at tahimik na nagmamasid. Late pumasok si Hannah dahil kakaalis lang ng unang prof namin pero parang wala syang pakialam.
"Wala ka ba talagang ibang kayang gawin kundi ang manglandi ng boyfriend nang may boyfriend?!" Halos lumabas ang litid ni Hannah sa pagsigaw nya. Gigil na gigil sya. Tumayo naman ang mga kaklase naming lalaki at nakangising sinarado ang magkabilang pinto ng room.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...