Stellar Calaia Anne's
"Kailan ba ang uwi nyo dito?" Kagat kagat ko ang hintuturo ko habang kausap sa kabilang linya si Nico.
"After pa ng daw ng New Year e" nakaugalian na kasi naming umuwi dito sa province nina Mommy tuwing Christmas break.
"Ang tagal pa nun, Hon. Miss na kita e" pakiramdam ko ay nakapout pa to kaya lalo akong napangiti.
"Wag kang OA. Kakakita lang natin nung isang araw bago kami umuwi dito" biro ko sa kanya. Narinig ko naman buntong hininga nya.
"Cala! Labas ka muna dyan, baby" narinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng pinto kaya medyo kinabahan ako..
"Just a minute, Mom"
"Sige na. Magkikita rin naman tayo sa pasukan e. Bye, ingat nalang dyan" nagmamadaling sabi ko.
"I love --" pinatay ko na ang tawag. Ayaw ko pang marinig yun. Hindi ko pa alam kung paano sasagutin pabalik yun.
"What took you so long?" Kunot noong tanong sakin ni Mommy pagdating ko ng hapag-kainan. Kiming nginitian ko lang sya at umupo na sa tabi ni Lola.
"Kamusta ang pag-aaral, Cala?" Nakangiting tanong ni Lolo pero ramdam ko ang kastriktuhan.
"Okay naman po, Lo. Kasali po ako sa with honors saka lumalaban din po ako sa mga contest" kinakabahang sagot ko. Tumango tango naman sya.
"Good. Wag kang gagaya dito sa Mommy mo ha. High school palang may boyfriend na"
"Pa naman. Napangasawa ko naman po yung naging boyfriend ko noon" kakamot kamot sa ulo nyang katwiran ni Mommy kaya lihim na napatawa ako.
"Hindi lahat ng kapalaran ganun. Maswerte ka yung first love mo yun din ang true love mo. Paano kung hindi ganun ang sa anak mo?" Singit naman ni Lola.
"Ahm, w-wag po kayong mag-alala. Wala pa po sa isip ko yan" pilit ko silang nginitian.
"Good. Masyado ka pang bata. Saka may tamang panahon para sa ganyan" sabi lang ni Lolo at pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi pa ako handang aminin sa kanila ang kung anong mayroon samin ni Nico dahil baka pinagtitripan lang ako ng ugok na to. Mas mabuti naring maging maingat ako.
"Cuz, tingnan mo yung boyfriend ko ang gwapo" kilig na kilig na sabi sakin ng pinsan kong si Bella.
"Diba second year ka pa lang? Pinayagan ka ni Tito?" Nagtatakang sabi ko.
"Di naman nila malalaman e" sagot saka pinakita sakin ang larawan ng kasintahan nya. Gwapo nga ito at mukha namang mabait.
"Masarap magkaboyfriend?"
"Oo naman. Laging libre ang lunch ko" humagikhik pa sya.
"Di ka ba binibigyan ng baon ng parents mo?" Sarkastikong tanong ko.
"Binibigyan. Pero sya naman ang nagkukusang ilibre ako e"
"Tapos nililibre mo din sya?"
"Minsan. Give and take lang" tumango-tango nalang ako. Mas marami pa ata syang alam kesa sakin pagdating sa relationship.
"Ikaw ba pinsan, may boyfriend kana din? Promise di ko sasabihin kina Tita" pagkuwa'y tanong nya kaya napaiwas naman ako ng tingin.
"Meron ata?" Alanganing sagot ko.
"Bakit ata?" Takang tanong nya.
"Kasi trip lang naman yun e. Pinagtripan lang kami ng mga classmates namin tapos sineryoso nya" kakamot kamot sa ulong sagot ko.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Ficción GeneralLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...