Chapter 31

69 9 1
                                    

Dale Nicholas'

Part 1

"Ma, di pa po ba ako mag-eenroll?" Tumigil si mama sa pagkukusot ng mga damit na nilalabhan. Ala-una na ng madaling araw pero gising pa rin sya at naglalaba ng mga damit na hindi naman sa amin. Mamaya ay maaga pa syang gigising dahil kailangan nyang magluto ng mga ititinda para sa maliit naming karinderya.

Hindi ganito ang buhay namin dati lalong lalo na nung buhay si Papa. Ni hindi nga nya pinapahawak si Mama ng mga labahin dahil mayroon talaga kaming taga laba. Hindi kami mayaman pero napag-aaral nila kami sa maayos at magandang paaralan. Pero nagbago ang lahat simula nung nawala ang haligi ng pamilya.

"Anak, hindi ko na kasi kayang sustentuhan ang matrikula mo sa school. Pwede bang sa public ka na lang muna? Gagraduate kana naman e." Hindi makatingin sakin si Mama. Naaawa na ako sa kanya. Ang laki ng ibinagsak ng katawan nya.

"Okay lang, Ma. Maghahanap po ako ng paraan para makatuloy sa pag-aaral"

"Sigurado ka ba?" Nginitian ko lang sya at tinulungan na sya sa paglalaba. Hindi pa ako marunong magkusot kaya tinuruan pa nya ako. Naibenta na kasi namin yung washing machine namin kaya mano-mano talaga.

-

"Nico, ikaw muna ang bahala dito ha. Wag mong papabayaan si Mama" bilin sakin ni Ate Nikki bago sya umalis. Tutulungan kasi syang mag-aral ng Tita ko sa Makati kapalit ng pagtulong ng ate ko sa mga gawaing bahay sa kanila. Ayaw mang pumayag ni Mama pero hindi nya naman kayang sustentuhan ang pag-aaral ni Ate sa kolehiyo. 

"Oo ate. Basta tatawag ka ng madalas ha. Mag-iingat ka dun" niyakap kami ni Ate isa-isa bago sya umalis. Hindi na sya nakapagpaalam kay Mama dahil nasa karinderya na si Mama at ayaw din syang makita ni Mama na umalis. Naawa ako sa pamilya ko pero wala akong magawa.

"Nicole, nandito yung pagkain nyo ha. Pupunta lang ako sa may labas maghahanap ng pwedeng pagkakitaan." Tawag ko sa sampung taong gulang kong kapatid. Nakapagsaing na naman ako at nakapagluto na rin ng noodles para may pagkain sila.

"Opo Kuya" sagot naman nya habang nakikipaglaro sa dalawa ko pang kapatid. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko sure kung pwede ko na ba silang iwan pero kailangan kong kumita ng kahit maliit na pera para makatulong kay mama.

"Wag na wag kayong lalabas ng bahay ha. Babalik din ako agad" nung tumango sya ay saka lang ako lumabas. Ibinilin ko rin naman sila sa kapitbahay namin bago ako tuluyang umalis.

Maswerte naman at nakakita ako ng computer shop sa malapit na naghahanap ng bantay. Napakiusapan ko yung may-ari na kung pwede ako nalang. Mabait naman sila at pumayag dahil din siguro naiintindihan nila ang sitwasyon naming pamilya.

Dahil din dun sa may-ari ng computer shop ay nagkaroon ako ng idea na pwede pala akong makakuha ng financial assistance. Tinulungan nya akong mag-ayos ng mga papel ko kaya nakahabol ako sa enrollment sa school namin. Nag-apply din ako bilang student assistant sa library kaya may allowance na ako, libre pa ang pagkain ko sa tanghali. Nag-aalala nga si Mama, baka raw hindi ko kayanin pero wala namang mangyayari kung panghihinaan ako ng loob.

-

"Pinsan! Akala ko hindi kana papasok dito?" Gulat na gulat si Jarred nung makita ako sa gate. Kanina pa ako dito dahil masyado akong excited makita ulit ang girlfriend ko. Buong bakasyon ko syang hindi nakita dahil busy ako sa mga raket ko.

"Sinuwerte lang makakuha ng financial assistance kaya nakahabol sa enrollment"

"Buti naman. Tampo sayo si Cala e" napakamot ako sa ulo ko. Hindi kasi ako nakakapagload dahil tipid na tipid ako ngayon kaya hindi ako nakakapagtext sa kanya.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon