Chapter 35

76 8 2
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Good morning, Cala" inirapan ko lang si Nico nung naabutan ko na naman sya sa kusina namin at naghahanda ng almusal.

Simula nung nalaman nyang anak niya si Aris, halos araw-araw na nyang ginagawa yan. Minsan nga nagseselos na ako dahil parang mas close na sila nung anak ko.

"Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay?" Hindi na ako natatakot ipakita sa kanya ang pagkainis ko. Mas mabuti na yun para mapagod sya sa ugali ko at tigilan na nya ako.

Si Aris lang ang nag iisang koneksyon naming dalawa at wala ng iba.

"May business ako pero hindi naman ako kailangan doon araw-araw. Minsan, dumadalaw din ako sa rehab para magvolunteer" sagot nya na hindi man lang tumitingin sakin at busy sa pagpiprito ng itlog.

Hindi nalang ako nagsalita para mapigilan ko yung sarili kong magtanong. Ayokong marinig ang kwento nya dahil baka masira na naman ang pader na ihinarang ko sa puso ko para hindi na muli syang makapasok.

"Good morning, Mommy. Good morning Kuya ice cream" sabay kaming napalingon kay Aris nung biglang sumulpot sya. Hindi pa rin alam ng bata ang tungkol sa ama nya dahil hindi ko pa alam kung paano magpapaliwanag. Mukha namang wala lang kay Nico na ganun ang sitwasyon dahil hindi naman sya nagkocomplain.

"Good morning, baby" yumuko ako at hinalikan sya sa pisngi. Lumapit naman ang ama nya at binuhat sya para halikan din..

Pag nakikita ko silang ganito ay parang may kung anong humahaplos sa puso ko. Hindi ko naman maipagkakailang mabuting ama si Nico at nakikita ko ring mahal na mahal nya ang anak ko.

"Kuya ice cream, kailan po tayo magpapractice para sa talent ko sa school?" Inosenteng tanong ng bata. Umupo na ako at hinayaan nalang silang mag-usap. Minsan naiinis ako dahil pag magkasama sila, para nalang akong hangin.

"Gusto mo ngayon na?"

"Sige po!" Umupo na sila sa bakanteng upuan katapat ko. Kalong pa nya si Aris habang sinusubuan. Napailing nalang ako. Mas nadagdagan ang nang iispoil sa anak ko.

Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila na hindi ako makarelate. Nakapadaldal ni Aris at napakapasensyoso naman ni Nico. Partida, hindi pa alam ng bata na tunay nyang ama ang kausap nya. Baka lalong hindi nya ako pansinin pag nalaman nya .. sasakalin ko talaga si Nico pag nangyari yun.

"Cala, pwede ko ba kayong isama sa bahay ngayon? May mga instruments kasi dun na pwede naming gamitin ni Aris para sa practice" mahinahong sabi nya na nakapagpataas ng kilay ko. Nakapamewang na hinarap ko sya.

"Dadalhin mo sa bahay mo ang anak ko? Para ano, makalaro ng iba mo pang mga anak?" Kumunot naman ang noo nya at napakamot sa ulo nya.

"Wala akong ibang anak. Si Aris lang"

"Hanggang ngayon ba naman Nico lolokohin mo pa rin ako?" Napasabunot naman sya sa ulo nya at muling nagbuntong hininga.

"Sa maniwala ka man o sa hindi wala talaga" wala namang kaso sakin yun. Matagal kaming hindi nagkita at nagkaroon din ng kanya-kanyang buhay. Si Aris lang talaga ang inaalala ko.

"Fine. Basta siguraduhin mo lang na walang mananakit sa anak ko dun" napangiti naman sya at tumango.

Pagkatapos naming mag-ayos mag-ina ay sumakay na kami sa sasakyan nya. Halatang asensado na si Nicholas. Ano kayang pinaggagawa nito sa buhay nya?

Dumaan kami saglit sa Kalayaan building. Siya nalang ang bumaba at pumasok sa isa sa mga resto doon. Pag balik nya ay may dala na syang mga pagkain.

"Bat ang dami nyan?" Nginuso ko yung mga dala nya. Binigyan pa nya si Aris ng croissant na galing sa cafe.

"Ang dami ngang pinabaon ni Nicole. Nalaman kasi nyang kasama ko kayo"

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon