Stellar Calaia Anne's
"Cala?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat ang mukha ni Nico nung nakita nya ako sa labas ng bahay nila. Matapos ng mahabang panahong nanahimik ako at hiyaan ang sarili kong maging tanga, nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin sya. Nabalitaan ko kasi kay Jarred na umuwi ulit siya sa kanila.
Katatapos lang ng enrollment namin at dito ako tumuloy dahil isang buwan ko ulit syang hindi nakita.
"Bawal na ba ako dito?" Kunot noong tanong ko. Napakamot naman sya sa batok nya at huminga ng malalim.
"Saglit lang. May aayusin lang ako" hindi na nya ako hinintay pang magsalita at sinaraduhan na ang pinto. Napanganga nalang ako dahil hindi ako makapaniwala sa inaasal nya.
Nakalipas siguro ng limang minuto ay muli nyang binuksan ang pinto at pinapasok ako. Wala ulit tao sa kanila na hindi naman na bago sakin.
"Upo ka muna. Gusto mo ba ng juice?" Natatarantang tanong nya pero umiling lang ako. Tinapik ko ang space sa tabi ko at atubiling umupo naman sya doon.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa school ka?" Kahit kasi minsan lang syang magparamdam sakin ay araw-araw ko pa rin syang inaupdate. Siguro ay dahil nakasanayan na lang.
"Ikaw? Wala ka bang balak mag-enroll?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Tumigil na ako sa pag-aaral, Cala" kahit alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon ay nasasaktan pa rin ako.
"Bakit mo ginawa yun? Diba may mga pangarap pa tayo?" Pagak syang natawa.
"Sa mga ginawa ko, hindi na ako karapat dapat pang tawaging pulis kung ipagpatuloy ko man ang pag-aaral ko"
"Hindi kita naiintindihan, Nico. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka naman ganyan dati ah" pigil ang luhang tanong ko at hindi ko man lang sya tinitingnan. Ayokong tumingin sa kanya dahil pag nakita ko ang mga mata nya ay mawawala na naman ang lahat ng lakas ng loob ko. Totoo nga palang yung taong minsang nagbigay ng lakas mo ay sya ring makakapagpahina sayo.
"Hindi mo na kailangang maintindihan Cala dahil ayokong madamay ka pa sa gulo ng buhay ko" mahinang sabi nya kaya napapikit ako.
"Akala ko ba, partners tayo?"
"Cala, iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na tayo mga bata"
"Yun na nga Nico e! Hindi na tayo bata para takasan yung mga problema! Sabihin mo naman sakin kung bakit ka nagbago o! Nagkulang ba ako? May kailangan ba akong iimprove sa sarili ko? Sabihin mo naman dahil araw-araw akong pinapatay ng insecurities ko pag nakikita ko si Gwen!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya dahil sobra-sobra na yung sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sumabog. Gusto kong magwala.
"Anong kinalaman ni Gwen dito?" Gulat na tanong nya at nag-iwas ng tingin.
"Akala mo ba, wala akong alam? Nico martir lang siguro ako pero hindi ako tanga!" Huminga sya ng malalim at napasabunot sa ulo nya.
"Sorry Cala. Patawarin mo ako" hinilamos pa nya ang dalawang palad nya sa mukha nya.
"Pinalampas ko yung ibang mga naging babae mo e. Okay lang sakin na saka ka lang nagpaparamdam pag wala na sila pero ibang usapan yung kaibigan ko pa. Yung mga panahong akala ko, kaya ka lang sumasama sakin dahil namimiss mo ako, masayang masaya ako. Pero nung narealize ko na ginagawa mo lang pala akong excuse para makasama si Gwen. Bakit Nico? Anong kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito?" Napadausdos na ako ng upo at nahulog na sa sahig nila. Hinawakan nya ako sa braso para itayo ulit pero tinabig ko ang mga kamay nya.
"Ang daya-daya mo naman Nico. Nananahimik ako noon tapos bigla kang pumasok sa buhay ko. Hindi mo alam kung ilang beses kong pinigil yung sarili ko na mahulog sa mga sweet gestures mo. Hindi mo alam kung gaano ko pinag-isipang mabuti kung tama bang patuluyin kita sa buhay ko kahit na sobrang bata ko pa" mahinang sabi ko na sapat lang para marinig nya. Nakasandal lang ako sa sofa at nakaupo malamig na sahig habang nakatingin sa puti nilang dingding.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Genel KurguLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...