Stellar Calaia Anne's
"Eunice, sorry na" nakangusong sabi ko sa best friend ko pero hindi nya man lang ako tinitingnan. Patuloy sya sa pagbabasa ng notes nya kahit wala naman akong natatandaang may quiz kami ngayon. Gusto nya lang talaga akong iwasan.
"Eunice! forgive this poor best friend of yours, please" pinagdikit ko yung dalawang palad ko at nag beautiful eyes pa sa kanya pero deadma pa rin sya. Tunay ngang mas mahirap suyuin ang best friend kesa sa jowa.
"Hay naku Cala, sobra ang stress nyan kahapon sayo" tatawa-tawang sabi ni Claire kaya lalo akong napakamot sa ulo ko.
"Oo nga. Alam mo bang gigil na gigil sya habang kumakagat ng chicken nung nagfoodtrip kami. Hindi ka na kasi nya naabutan sa gate kahapon e" ani pa ni Michelle.
"Hannah, samahan mo naman ako sa cr please" napatingin ako kay Eunice nung nagsalita sya. Sumenyas naman sakin si Hannah kaya tumayo na rin ako agad.
"Ako nalang ang sasama sayo, bes" nakangiting sabi ko pero umupo nalang ulit sya at nagbasa na naman.
"Hindi na pala ako naiihi" pabagsak muli akong umupo at ngumuso ulit sa harapan nya. Tawa nang tawa sina Glecy sakin dahil mukha na siguro akong duck. Masyadong pakipot yung bestfriend ko e.
"Eunice, kausapin mo na kasi ako. Gusto mo ba, libre kita ng isang bucket ng chicken joy, isang buong hawaiian pizza at bff fries?" Favorite nya kasi ang mga yun. Bumuntong hininga naman sya kaya lihim na napangiti ako. Binaba nya yung notebook nyang binabasa kanina at napakamot sa ulo nya. Sumenyas naman sakin yung mga girls na itodo ko pa ang pang-uuto ko dahil malapit nang bumigay ang best friend ko.
"Umamin ka sakin, Cala. Anong nangyari kahapon?" Lihim na napalunok naman ako nung nakahalukipkip na lumingon sya sakin.
"W-wala! Inalagaan ko lang si Nico dahil nga may sakit sya. Ano bang mangyayari?" Tinitigan nya ako sa mata at bahagyang tumaas ang kilay nya bago inabot ang buhok ko at sinabunutan ako. Nonsense din naman na maglihim ako sa kanya dahil lagi pa rin nya akong nabubuking.
"Tigilan mo ako Calaia Anne!" Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Bati na tayo?" Umismid sya at muling umirap.
"Basta dagdagan mo ng lasagna at vanilla ice cream yung ililibre mo sakin" lumawak ang ngiti ko at tuluyan na syang niyakap. Alam ko rin namang hindi nya ako matitiis e.
"Pero bukas nalang bessy ha. Anniversary kasi namin ni Nico kaya may lakad kami ngayon"
"Okay. Basta wag tanga ha" bargas na sabi nya kaya binatukan ko sya. Kahit kailan talaga tong babaeng to!
Pagkatapos ng klase ay tumulong kami sa mga seniors namin sa paggawa ng mga props at costumes para sa street dance. Tinext ko si Nico at sinabing medyo hapon akong makakauwi pero hindi sya nagrereply.
Binaba ko ang lapis na hawak ko nung nag-vibrate ang phone ko. Si Nico ang tumatawag kaya agad ko yung sinagot.
"Hon!" Medyo pasigaw yung pagkakasabi nya dahil maingay yung background nya. Parang may mga nagkakantahan sa videoke.
"Nasaan ka?" Kunot noong tanong ko. Dapat ay nasa school na sya ng mga oras na ito e.
"Wala kaming pasok ngayon e. Wala ang mga teachers dahil may program ang mga fourth year"
"Nasaan ka nga?"
"Ah, nandito ako sa mga pinsan ko. Diba nakilala mo na si Eugine?"
"Anong ginagawa mo dyan? Hindi mo ba ako susunduin?" Akala ko ba may lakad kami? Ni hindi pa nga nya ako binabati e. 2nd anniversary namin ngayon pero parang wala lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...