Chapter 2

65 6 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Cala, isali nalang natin si Nico sa group natin. Wala pa kasi syang kakilala dito e" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Eunice. Tiningnan ko ang lalaking poker face lang na nasa likod nya at nakahalukipkip pa.

"Anong maitutulong nyan sa mga activities natin?" Masungit kong tanong at pinagpatuloy ang pagtitiklop ng manila paper na susulatan ng report namin sa AP.

"Sige na bes. Nakiusap kasi sakin si Jarred na pakisamahan muna yung pinsan nya kasi nga nangangapa pa sya dito sa school natin" bulong sakin ni Eunice at may pag-angkla pa sa braso ko.

"Pag yan pabigat sa grupo natin bahala sya" napakayabang kasi. Ni hindi man lang nga magsorry sa pagsigaw nya sakin kahapon.

Nagstart na kami ni Eunice sa paggawa ng report namin. Tahimik na nakamasid lang naman yung lalaki. Sabi na nga ba pabigat to.

"Siya na ang magreport ha. May magawa man lang mabuti" pabalang na sabi ko nung natapos kami.

"No, ako nalang" presinta naman ni Eunice.

"Ako na" maikling sabi nung lalaki kaya lihim na napaismid ako. Bahala sya ang tapang pa naman ni Mam Dea. Ang dami laging tanong pagkatapos ng reporting.

Habang nagrereport sya at nagtatanong si Mam Dea ay palaki nang palaki ang mata ko. Bakit ang galing nya? Parang nagbabatuhan lang sila ni Mam ng linya hanggang sa naubusan na ng itatanong si Mam. Napapalakpak nalang kami ng mga kaklase ko.

"Nico ang galing mo! Ang taas tuloy ng grade natin" tuwang-tuwang sabi ni Eunice. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Tumango lang yung lalaki at tahimik na bumalik sa upuan nya.

Lumipas ang mga araw at dumami na rin ang mga makakilala nyang mga kaklase namin. Halos lahat ay nakakausap nya pero pagdating sakin ay ilang pa rin sya. Nadagdagan lang yung pagkailang ko sa kanya dahil minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sakin. Baka dahil dun sa first encounter namin.

Sa bawat araw na tatayo sya sa unahan ay tahimik lang akong nagmamasid. Ang galing nya kasing magdeliver ng mga ideas at topic. Minsan nga ay mas natututo ako sa kanya.

"Cala, uuna na akong umuwi ha. Hinihintay ako ni Mommy sa labas e. Ingat ka pauwi Bessy, love you!" paalam sakin ni Eunice at nagmamadali nang lumabas ng classroom namin. Napanguso nalang ako dahil hindi pa ako pwedeng umuwi. Cleaners kasi kami pero ang mga walanghiya kong kaklase ay mga nagsitakas na. Tatlo nalang kaming naiwan dito.

"Nico, bakit nandito ka pa?" Napalingon ako sa may pinto nung nagsalita yung isang kaklase ko. Napaayos naman ako ng tayo at may paghawak pa sa dibdib ko habang nagwawalis. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nahiya ako.

"May naiwan lang ako" narinig kong sabi nya.

Natapos kami sa paglilinis pero hindi pa rin umaalis si Nico. Kinuha ko ang gamit ko at naghanda na sa pag-alis pero laking gulat ko nung dinampot nya ang file case ko.

"Ahm, m-may kailangan ka ba?" Nahihiya kong tanong. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito dati e.

"Nakiusap kasi sakin si Eunice na isabay ka pauwi kasi may kailangan daw silang puntahan ng Mommy nya. Wala ka daw kasing kasama" mahinahong sabi nya. First time nya akong kausapin ng ganito.

"Ha? Di mo na naman kailangang gawin to. Marunong naman akong umuwi mag-isa. OA lang si Eunice" sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig. Dala nya ang file case ko at sabay kaming naglalakad. Walang nagsasalita kaya ramdam na ramdam ko yung awkwardness.

"Sige, dito nalang ako. Dito na yung sakayan pauwi samin e" sabi ko at kinuha ang file case ko. Humarap naman sya at tumitig sakin..

"Salamat sa paghatid" kiming nginitian ko sya.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon