Epilogue

214 10 8
                                        

Stellar Calaia Anne's

"Bessy! Sure ka na ba? Pwede pa kitang kidnapin para makatakas dito" natawa ako sa sinabi ni Eunice. Kanina pa sya nandito sa kwarto kung saan ako inaayusan at nangungulit. 

"Sira, kasal na kami ni Nico kahit ano pang mangyari. For formality na nga lang tong church wedding e" nakangusong umirap lang sya sakin. Natatandaan ko nung kinuwento ko sa kanyang kasal na kami ni Nico ay ilang beses nya akong sinabunutan. Hindi pa rin daw kasi sya kampante kay Nico.

"Madali lang mag pa-annul. Patulong tayo may Tito Dom"

"Di ka kakampihan nun. Mas mahal nun si Nico kesa sayo" pang-aasar ko pa. Okay na ring kinukulit nya ako para mawala ang kaba ko. Hindi ko alam kung para saan tong kabog ng dibdib ko pero hindi ko mapigilan.

Limang buwan na naman kaming kasal ni Nico so dapat hindi na ako kinakabahan pero bakit ganito?

"Nag-aalala lang naman ako sayo bessy. Baka maulit yung nangyari noon" tumayo ako at nilapitan sya tapos ay hinawakan ang pareho nyang kamay.

"Don't worry, bessy. Hindi na ako maglilihim if ever subukin ulit kami ni Nico ng panahon. Magsasabi agad ako sayo. Sana ganun ka din sakin" umiwas sya ng tingin pagkasabi ko nun. Alam kong mayroon syang mabigat na dinadala pero ayokong pilitin sya kung hindi pa sya handa.

"Basta pag sinaktan ka ulit nyang lintik na yan, ipapashoot to kill ko talaga sya" natawa nalang ako at niyakap sya.

"Wag ka ng umiyak, masisira ang make up!" Pinanlakihan ko sya ng mata kaya inayos na nya ang sarili nya.

"Dadating ata si Jarred. Narinig kong kausap sya ni Nico sa phone kahapon e" nakarinig ako ng bagsakan ng mga gamit kaya napalingon ako sa gawi nya. Para naman syang natauhan at wala sa sariling pinulot ang mga make up brushes na nahulog.

"Okay ka lang?"

"Yeah, natabig ko lang" tipid syang ngumiti at inayos ang mga nagkalat na gamit. Bihis na kami pareho at hinihintay na lang naming sunduin ako dito nina Daddy.

"Mommy!" Agad akong napangiti nung pumasok si Aris at patakbong lumapit sakin. Ang gwapo gwapo ng anak ko sa suot nyang black tuxedo. Pareho sila ng porma ng ama nya.

"Ang pogi naman ng baby ko" hinalikan ko sya pisngi kaya napahagikhik sya.

"Pinabibigay po ni Daddy" inabot nya sakin ang isang letter at isang stem na white rose. Napangiti naman ako at madaling tinanggap yun.

"Sabi po ni Daddy, bilisan nyo daw po kasi miss ka na nya" napailing na lang ako. Siraulong yun, parang hindi kami magkasama kagabi ah.

Kinalong ko si Aris at agad naman syang yumapos sa leeg ko. Mabigat at malaki na sya pero baby ko pa rin sya. Ganun naman ata ang mga magulang.

"Mommy, you're so beautiful. You look like a princess" manang mana nga sa ama.  Magaling ding mambola.

"Cala, are you ready?" Napa-angat ang tingin ko nung nagsalita si mommy. Nakapasok na pala sila at hindi ko man lang napansin. Bumaba si Aris sa kandungan ko kaya tumayo na rin ako para makapantay ko si Mommy.

"Yes, Mommy" nakangiting sabi ko. Sinapo ni Mommy ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na ang baby ko" parang naiiyak pa nyang sabi.

"Mommy talaga. Anim na taon na nga yung apo mo o!" Biro ko sa kanya. Si Daddy ay sumulpot na din sa likod ni Mommy. Nakita ko namang inakay ni Eunice si Aris palabas.

"Be happy, Cala. Yun lang ang pinakamahalaga samin ng Daddy mo"

"Opo Mommy.  Alam ko pong magiging masaya ako sa piling ni Nico" nakangiting sabi ko kahit nangingilid na ang mga luha ko. Hinawakan naman ni Daddy ang kamay ko ay hinalikan yun.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon