Chapter 1

126 7 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"Cala, baby bangon ka na dyan. First day of school hindi ka pwedeng malate" inalis ni Mommy ang kumot ko kaya napasimangot ako.

"Inaantok pa po ako Mommy" nakangusong sabi ko at pipikit pikit pa.

"Diba ka ba excited sa bago mong school? Alam mo anak, ang high school ang pinaka masayang stage ng buhay. Marami kang makikilala at makakasama. Dito mo rin mararamdaman yung unang beses na kiligin at magkacrush" sabi ni Mommy at nakatingala pa talaga sa kisame na wari mo'y nagdeday dream pa.

"Palibhasa po kasi nung high school kayo nagkakilala ni Daddy" nakangusong sabi ko. Wala pa naman sa isip ko yung mga crush crush na yan.

"Oh tingnan mo, masaya pa rin kami ng Daddy mo hanggang ngayon" dipensa pa nya.

"Bumangon ka na dyan. Nakakahiya pag first day na first day, late ka" binuksan pa nya ang kurtina ko kaya pumasok ang sinag ng araw.

"Opo"

"Nakaready na yung food mo sa baba. Iaayos ko lang yung uniform mo" hindi na ako sumagot at lumabas na ng kwarto tapos ay nagdere-deretso na sa hapag-kainan.

"Good morning, Daddy" naabutan ko syang nandoon at nagkakape. Paalis na ata sya based na rin sa suot nya. Abogado si Daddy at may sarili syang law firm kaya medyo sinuwerte kami sa buhay.

"Good morning, my star. I have to go. May case pa akong pag-aaralan. Good luck sa first day. I love you" humalik lang sya sa noo ko bago umalis.

"I love you too, Dad!" Pahabol na sigaw ko bago pa sya makalabas ng pinto.

Kumain na ako at nag-ayos na para pumasok. Di ako makaramdam ng excitement dahil namimiss ko yung mga kaklase ko nung grade 6. Hiwa-hiwalay na kasi kami ng school na papasukan.

"Take care, Cala. I love you" sabi pa ni Mommy bago ako sumakay ng school bus. Nahihiya ako sa mga estudyanteng naroon kasi may paghalik pa talaga si Mommy sa pisngi ko.

Nag-iisa kasi akong anak at independence day ang birthday ko kaya hindi na ako nagtaka sa pangalan ko.

Pagdating ng school ay agad kong hinanap ang section ko. Ang daming tao pero wala akong kakilala.

"Cala!" Napalingon ako at nakita ko si Tyra na nagkakakaway sakin. Kaklase ko sya dati pero hindi naman kami close.

"Nakita ko na yung section mo. Actually, magkaklase tayo kaya halika na" natuwa naman ako sa sinabi nya dahil meron naman pala akong kakilala dito sa bago kong school.

Pagpasok namin doon ay tahimik ang lahat. Baka kasi nagkakahiyaan pa kaya ganun. Humanap kami ni Tyra ng magandang pwesto. Doon ako sa may tabi ng bintana habang sya naman ay nasa kanan ko.

Dumating ang class adviser namin at nagstart na syang magpaliwanag ng mga rules ang regulations, do's and dont's etc. And as usual, wala ding kamatayang introduce yourself ang nangyari buong maghapon. Boring naman pala. Akala ko ba exciting ang high school life?

Kinabukasan, marami nang mga naging kaibigan si Tyra. Ganun naman talaga sya, bida-bida kaya hindi ko rin sya nakaclose noon e.

"Cala, tayo nalang ang partner ha" narinig kong sabi bung nasa likod ko. Makapal ang salamin nya at may full bangs pa sya. Actually, cute sya kaya lang laging nakatungo at mahina rin ang boses nya.

"Sige. Ano nga ulit ang pangalan mo?" Kailangan kasi namin ng partner para sa activity sa Science.

"Eunice" maikling sabi nya kaya tumango ako. Napangisi nalang ako nung hindi ko na kinailangan pang umisip pa ng isasagot dahil mukhang matalino si Eunice. Pag sinuswerte ka nga naman.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon