Chapter 33

76 9 1
                                    

Dale Nicholas'

Part 3

"Anong sinasabi mo?!" Pabulong na asik sakin ni Charles at hinila ako palabas ng presinto. Pinasakay nya ako sa sasakyan nya para doon kami mag-usap.

"Kriminal ako. Marami akong buhay na sinira kaya ikulong mo ako" walang emosyong sabi ko. Pagak syang natawa at napapailing na nagsalita.

"Alam mo ba yung sinasabi mo?"

"Oo. Kabilang ako sa sindikato ni Dominador Enriquez at isa ako sa mga pinagkakatiwalaan nya. Nagbenta rin ako ng katawan noon para may maipantustos sa pagpapagamot sa kapatid ko at pagbayad utang. Marami akong kasalanan kaya dapat ko iyong pagbayaran" isang mabuting pulis ang kaharap ko kaya sigurado akong wala na akong kawala pagkatapos nito.

"Bakit mo ginagawa ito, Nico? Ngayon pang kailangang kailangan ka ni Cala" Napayuko ako sa tanong nya. Kumuyom ang mga kamao ko at mariing ipinikit ang mga mata ko.

"Dahil sa kanya kaya ko ginagawa to. Dapat ako yung nandun. Dapat ako yung nag-aagaw buhay. Kasalanan kong lahat ng yun at ito ang naiisip kong paraan para makabawi sa lahat ng kasalanan ko. Baka pag ginawa ko to, pakinggan naman Niya yung panalangin ko kahit ngayon lang. Kahit mabulok ako sa bilangguan, Charles ayos lang basta gumising lang si Cala" wala na akong pakialam kung makita pa nya akong umiiyak. Pakiramdam ko'y ubos na ubos na ko.

Pagkatapos ng mahabang sandali ay bumuntong hininga si Charles at tumango-tango.

"Ayusin mo yung buhay mo, Rosales. Sana habang nasa loob ka, makapag-isip isip ka" nung akmang bababa sya ng sasakyan ay tinawag ko sya.

"Charles?" Kunot noong nilingon nya ako.

"Bakit?"

"Pwede bang ikaw na ang bahala kay Cala? Wag mo syang pababayaan" nakayukong sabi ko. Masakit para sakin pero siya lang ang nakikita kong pinakatamang tao para kay Cala. Tinapik lang nya ang balikat ko bago bumaba ng sasakyan.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong humihimas ng malamig na rehas. Pagak akong natawa. Pangarap ni Papa noon na maging pulis ako pero dahil sa saklap ng kapalaran, naging kriminal ako.

-

Hindi ako pinababayaan ni Charles. Nakiusap ako sa kanyang sya na muna ang mamahala ng negosyong naiwan ko para naman hindi mapunta sa wala ang puhunang pinahiram sakin ni Cala noon. Malugod naman nya akong tinulungan kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

Nalaman ang ng pamilya ko ang nangyari sakin kaya sobrang nasaktan na naman si Mama. Iyak sya ng iyak habang yakap ako nung isang araw na dumalaw sila dito. Pinagtapat ko na sa kanila ni Ate ang lahat at sabi ko rin ay wag nang babanggitin pa sa mga nakababata kong kapatid. Ayokong mag-alala sila at baka sisihin pa ni Niccolo ang sarili nya pag nalaman nya. Wala naman syang kasalanan. Buhay naman nya ang naging kapalit ng mga sakripisyo ko noon kaya may parte pa rin saking hindi nagsisisi.

-

"Kamusta, Rosales?" Nakangising bati sakin ni Charles. Lagi syang dumadalaw sakin dito sa bilibid.

"Ayos naman. Minsan napagkakaisahan ng mga inmates" natatawang sabi ko. Nung minsan kasi ay habang natutulog ako, may bigla nalang akong naramdamang masakit sa parteng paa ko. Sinusunog na pala nila ang mga daliri ko sa paa gamit ang sigarilyo.

Nangunot ang noo ni Charles sa sinabi ko pagkuwa'y bumuntong hininga.

"Anyway, okay naman ang cafe mo. So far, maayos naman ang kita. Dineposit ko na sa bank account na nakapangalan kay Cala ang kita nun gaya ng bilin mo" napangiti naman ako sa binalita nya.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon