Stellar Calaia Anne's
"Relax, Hon. Magaganda ang mga artworks mo kaya sure akong magugustuhan ulit yun ng mga guests"
Napairap nalang ako sa sinabi ni Nico. Nandito kami ngayon sa waiting area ng event center nya dahil ngayon ang exhibit ko. Busy na ang mga staff ko sa labas sa pag-aayos. Isa-isa na ring nagdadatingan ang iba pang mga artists na inimbitahan ko.
"Wag mo nga akong matawag tawag na Hon, sasapakin kita" angil ko sa kanya pero ang walanghiya, tinawanan lang ako.
Kahit hindi ito ang first time kong mag exhibit ay nandun pa rin ang kaba ko. Paano kung wala ng matuwa? Paano kung sawa na sila sa mga artworks ko? Ang hirap mag-overthink pero hindi ko mapigilan.
"Bantayan mo nalang muna si Aris ha. Lalabas lang ako dun, ichecheck ko kung okay na ang lahat"
"Opo" inirapan ko pa sya bago ako tuluyang lumabas.
Hindi ko alam kung anong status na naming dalawa dahil hindi naman namin pinag-uusapan. Maraming beses niyang tinry na kausapin ako pero lagi ko naman syang binabara. Ewan ko ba, natatakot pa rin ako. Baka maulit na naman yung dati.
Isa pa sa inaalala ko si Aris. Nagsisimula na kasi syang magtanong kung bakit minsan lang kami nagkakasama-sama sa iisang house hindi kagaya ng ibang classmates nya. So far, thankful naman ako kay Nico dahil hindi sya nagkukulang sa anak namin. Hindi kumpleto ang araw kung hindi sya magpapakita o makikipaglaro sa bata kahit na medyo busy sya dahil nagstart na naman syang magpatayo ng isa pang commercial building. Natutuwa naman ako dahil lagi pa rin syang nanghihingi ng suggestions sakin bago nya simulang gawin ang isang bagay.
"Congratulations, bessy! Iba ka na talaga!" Tuwang-tuwang sabi ni Eunice nung makita ako. Umuwi na kasi sya two weeks ago at ilang beses nya akong binatukan dahil nalaman nyang medyo okay na kami ni Nico.
"Buti naman nakapunta ka"
"Aba syempre. Dalawang exhibit mo rin ang namiss ko habang nasa kabilang panig ako ng mundo. Hindi ko to palalampasin" niyakap ko naman sya. Nakangiti sya pero may lungkot sa mga mata nya.
"Thank you, bessy"
"Nasaan ang inaanak ko?"
"Nandun sa waiting area kasama ng tatay nya. Baka makabasag pa dito e, alam mo namang may taglay ding kalikutan yun"
"Asus. Malaman ko lang na umiyak ka ulit dahil sa lalaking yun, Calaia Anne! Naku makukurot na talaga kita ng pinong-pino. Bakit kasi di ka na lang jomowa ng iba? Marami akong irereto sayong foreigner, gusto mo?" Pabirong binatukan ko naman sya.
"Sira ka. Si Aris lang sapat na. Alam ko namang sya lang ang lalaking hindi mang-iiwan sakin"
"Tigilan mo ako. Si Aris lang ba talaga o yung ama?"
"Ewan ko sayo. Diyan ka na nga" inis na sabi ko kaya binelatan nya lang ako.
Nilayasan ko na sya para lapitan si Madonna. Okay na naman daw ang lahat. Napakamaaasahan talaga ni Madonna kahit kailan.
Huminga ako ng malalim at ngumiti nung isa-isang nagdadatingan na ang mga guests. Mas maraming artists ang inimbitahan ko ngayon dahil medyo malaki nga yung venue. Nakakatuwa dahil kita ko naman ang pagkamangha sa mukha ng mga bisita.
"Mommy!" Napalingon ako nung narinig ko ang boses ni Aris. Karga sya ng ama nya at naglalakad ito palapit sakin. Agad namang humalik si Aris sa pisngi ko nung nakalapit sila.
"Wag mong bibitawan yan, Nicholas. May kalikutang taglay yan na minana pa ata sayo" sa halip na mainis ay nginitian lang nya ako. Kitang kita ko ang amusement sa mga mata nya, bagay na lagi kong nakikita pag sinusungitan ko sya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...