Stellar Calaia Anne's
"Congratulations, Bessy!" Dinamba ako ng yakap ni Eunice pagkagupit na pagkagupit ko ng ribbon dahil opening ngayon ng first business ko, ang Blossom. Isa iyong flower shop dahil na rin sa hilig ko sa mga bulaklak. Sa itaas naman ay naglaan ako ng space para sa maliit kong art studio at office na rin. Gusto ko kasing linangin din ang kakayahan ko sa pagguhit. Matagal ko ring hindi napractice yun kaya baka kinakalawang na din ang kamay ko.
"Thank you, bessy!" Niyakap ko din sya. Siya na ngayon ang nagmamanage ng mga resorts nila kaya busy na rin sya at minsan nalang kaming magkita pati na rin ng iba ko pang mga kaibigan.
So far, masasabi ko nang medyo okay na ako. Hindi na ako masyadong umiiyak at hindi ko na rin Siya masyadong naiisip.
"Calaia Anne!" Napa-angat ang tingin ko mula sa dinodrawing ko nung biglang pumasok si Eunice dito sa art studio ko.
Pabagsak syang umupo sa couch at ilang sandali pa'y nahiga na. Hindi ko pa ako nakakabilang ng 1-10 ay narinig ko na ang mahinang hilik nya. Napailing nalang ako at bumalik na sa ginagawa. Ano na namang pinagkaabalahan ng babaeng to at parang pagod na pagod?
Tinitigan ko ang dinodrawing ko. Mas gamay ko ang charcoal na medium kaya yun ang kadalasan kong ginagamit pero sumusubok din naman ako ng iba gaya ng water color, oil pastels, acrylic, etc.
Larawan iyon ng isang lalaking basta nalang pumasok sa isip ko. Perpekto ang kanyang mukha at walang bahid ng kamalian na wari mo'y siya yung laging inilalarawan sa mga romance stories na nababasa ko.
Nakuha ng mga mata nya ang atensyon ko. Mapait akong napangiti at marahang hinaplos yun. Kamukhang kamukha ng mga matang yun ang mata Niya pag tumitingin siya sakin noon at sinasabing mahal ako.
Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang outcome ng drawing ko dahil wala naman akong pinagbatayan. Gumuhit lang ako ng malaya.
Pinagpag ko iyon at hinipan hipan para mawala ang mga duming mula sa pambura at mga tira-tirang charcoal. Lumapit ako sa isang cabinet at kumuha ng frame. Nilagay ko yun doon at napangiti ako nung nakita kong maganda naman ang kinalabasan ng ginawa ko. Sinabit ko yun sa wall malapit sa pinto. Mukhang hindi pa naman ako kinakalawang.
Bumalik ako sa table ko dahil naririnig kong may tumatawag sa phone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag nung makita ang pangalan ni Charles bilang caller.
"Hello, Charles?" Kunot noong tanong ko at umupo sa swivel chair ko.
"Cala, busy ka?"
"Hindi naman. Bakit?" May mga mapagkakatiwalaan naman ako sa flower shop ko kaya pwede akong umalis anytime.
"Pwedeng favor?" May bahid ng hiya ang boses nya.
"O--kay? Ano ba yun?"
"Samahan mo akong magtingin ng results ng board exam ko. Kinakabahan ako e" mahina nyang sabi na sapat na sa pandinig ko. Napangiti nalang ako.
"Sure. Nasaan ka ba?"
"Nandito sa may simbahan. Kakatapos ko lang magdasal at magtirik ng kandila"
"Di ka nasunog?" Biro ko sa kanya.
"Sira. Puntahan na kita diyan?"
"Sure. Dala kang pagkain. Narito din si Eunice kaya damihan mo, RCrim" natawa naman sya at narinig ko ang buntong hininga nya.
"Magdilang anghel ka sana" binaba na nya ang tawag at nakita ko naman si Eunice na nakangisi sakin. Gising na ang luka. Nakarinig ata ng pagkain.
"Ano nang status nyo ni Mr. Policeman?"
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
Ficción GeneralLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...