Stellar Calaia Anne's
"Anong meron sa phone mo at kanina ka pa ngiti nang ngiti diyan?" Mapang-usisang tanong ni Eunice kaya nakagat ko ang labi ko at pasimpleng nilagay ang phone sa drawer ng table ko.
"Wala. May makulit lang akong client" palusot ko. Alam ko kasing kakalbuhin nya ako sa oras na malaman nyang si Nico iyong kachat ko.
Ang kulit kasi ng lalaking yun. Parang bata at ang dami nyang baong jokes.
"Anong hitsura ng client mo?" Nakahalukipkip na tanong nya at kunot na kunot ang noo.
"Malay ko. Alangang istalk ko pa" pabalang kong sagot at nagkunwaring may kinakalkal sa drawer ko.
"Edi ibigay mo nalang sakin ang pangalan tapos ako ang mag-iistalk" parang nasamid naman ako kahit wala naman akong iniinom.
"A-ano ka ba?! Nakakahiya ka!" Saway ko sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay nya at tinitigan ako.
"May hindi ka ba sinasabi sakin?"
"Wala! Diba nga walang secrets!" Nanlalaki pa ang mata ko at tinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Cala, alam mo namang isusupport kita kung sakaling magkakaroon ka ng bagong lovelife e. Pwede mong sabihin sakin at hindi kita ijajudge"
"Ano ka ba! Wala akong panahon sa ganyan. Masyado akong busy sa buhay. Hehehe" peke pa akong ngumiti. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga nung nagkibit balikat sya at bumalik na sa couch bago nagbuklat ng magazine. Break na naman siguro sila ni Jarred kaya ginugulo na naman nya ako dito.
Lumipas ang dalawang buwan at nakita ko nalang ang sarili kong nirereplyan at sinasagot ang mga text at tawag ni Nico. Ewan ko, parang bumalik ulit kami sa dati.
Hindi pa ulit kami nagkikita pero nakaramdaman na naman ako ng koneksyon. Parang hindi na mahalaga sakin yung nakaraan basta okay na kami ngayon.
"Miss Cala, mauna na po kami" paalam ni Madonna kaya tumingin ako sa wristwatch ko. Quarter to six na pala kaya tumango ako sa kanya.
Pagkaalis nya at hinilot hilot ko ang leeg ko dahil parang nangangalay yun. Kailangan ko na kasing tapusin ang mga artworks ko para sa exhibit sa isang buwan.
Niligpit ko ang gamit ko at lumabas na ng shop bago ko ni-lock yun. Nakakapagod ang buong maghapon. Gustong-gusto ko nang humiga sa kama. Tahimik na naghihintay lang ako ng tricycle na masasakyan pauwi. Walang dumadaan kaya napanguso nalang ako at muling minasahe ang batok at leeg ko.
Nagulat ako nung may mga kamay akong naramdaman sa balikat ko. Handa na akong sumigaw pero agad nyang tinakpan ang bibig ko.
"Relax, Cala. It's me" Bulong nya sa tenga ko kaya medyo napanatag ako nung nabosesan ko sya. Marahas kong inalis ang kamay nya at hinarap sya. Hinampas ko sya sa balikat ng dala kong bag.
"Bakit ka nananakot, Nicholas?!" Sigaw ko pa sa kanya. Akala ko ay yung napapabalitang holdaper na ang nasa likod ko kanina. Nakakainis sya. Natakot ako.
"Sorry, Cala. Hindi ko naman sinasadyang takutin ka. Actually, kanina pa ako dito at nahihiya lang akong lumapit sayo" malumanay nyang sabi kaya napabuntong hininga ako at hinilot ang sentido ko.
"Sorry na" muli nyang sabi kaya inirapan ko sya at pilit kinakalma ang sarili ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Diba sabi ko sayo, dadalawin kita one time" kaswal na sabi nya.
"Sorry hindi kita maeentertain. Pagod ako at gusto ko nang umuwi" walang lakas na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When The Stars Align
General FictionLahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin din pabalik at mayroon din namang hindi pinapalad. Lahat tayo ay may kanya-kanyang level ng karupukan dahil na rin sa labis nating pagmamah...