YANNAH's POV
Pagkatapos ng program ay umuwi na ako. May konting pag-asa na namuo sa puso ko dahil sa halik niyang iyon. Aksidente man o hindi, naniniwala akong mahal niya ako. Kinabukasan ay maaga akong pumasok.
"Masyadong sweet ang naging performance ninyo kahapon Yannah ahh." Tukso sa akin ni Hannah.
"Aksidente lang iyon. Si Neomi naman talaga ang mahal ni Xander kaya huwag n'yo na ipilitan pa." Pagkatapos ko iyon sabihin ay umakyat na ako sa classroom. Mayroon akong nakitang isang letter sa upuan ko. Sino naman kaya iyon? Bagong ba itong ikasasakit ng ulo ko?
'Yannah tigilan mo na si Xander. Ako ang mahal niya at hindi ikaw. Tingnan mo nga iniwan ka na niya.'
Binale wala ko na lang ang lahat ng iyon. Simula noon ay wala na akong nabalitaan sa kanilang dalawa. Nakapagtapos na kami ng pag-aaral namin. Umaasa pa rin ako na makita si Xander.
Mabilis ang mga pangyayari. Isa na akong sikat na fashion designer sa buong mundo pero kahit ganoon, ni minsan ay hindi ako nagpapakita ng mukha ko sa publiko.
"Ms. Imperial may nagpapadesign po ng wedding gown sa iyo. Sa isang taon pa po ang kasal pero gusto po nila ay maagang mafinish ang mga kailangan sa kasal para kung sakaling magbago ng isip ang mga ikakasal at gawin nilang maaga.
"Ok. Gagawin ko iyan. Pakibigay na lang sa akin ng mga kailangan para magawa ko na ang gown." Nakangiti kong sabi. Tumango lang ang assistant ko at umalis na. Wala naman ako masyadong ginawa sa office kaya makakapaghanda pa ako para sa party mamaya. Imbitado ako sa party ng isang sikat din na designer pero mas sikat ako syempre. Isa itong pagtitipon para sa iba ding designers all over Asia. Nagmaneho na ako sa driver ko papuntang party.
"Ano pong name nila?" Tanong noong check-in girl sa party.
"Yannah Imperial." Oo Princess Yannah Lorraine Imperial ang name ko pero kilala ako bilang Yannah Imperial.
"Nasa guest list po. Maaari ka na pong pumasok. Welcome." Nakangiting sabi niya. Pumasok na ako. Masquerade ang tema ng party. Buti na lang. Nakaputing silk gown ako at syempre nakamaskara na puti din. Butterfly ang design nito. Matagal ko na itong iginuhit. Noong kami pa ni Xander to be exact.
FLASHBACK
"WHHAAA!!! KAINIS BAKIT HINDI KO MAPERFECT!!" Sigaw ko.
"Ano ba iyan babe?" Malumanay na tanong ni Xander.
"Gumuguhit kasi ako ng gown na pang masquerade eh. Hindi ko maperfect." Sabi ko.
"Maganda naman ahh." Kinuha ni Xander ang drawing ko at pinagmasdan.
"Oo na. Akin na nga iyan." Hinablot ko ang drawing ko at itinago.
"Tutal walang tao at tutal pang ball ang iginuhit mo bakit hindi tayong sumayaw?" Aya ni Xander.
"Ahh huwag na. Ok lang ako. Hindi ako maalam sumayaw no." Tanggi ko.
"Sus halika na nga." Hinila niya ako papalapit sa kanya ay sumayaw kami. Noong una ay naaapakan ko pa siya pero noong maglaon ay nasanay na din ako. Nagtatawanan kami noong mga oras na iyon.
END OF FLASHBACK
"It's dance time. Enjoy guys." Sabi ng emcee. Lahat naman ng tao doon ay parang may kapartner. Ang iba ay matanda na kaya hirap ng sumayaw.
"Shall we dance?" Aya ng isang lalaki.
"No. I'm sorry." Malumanay kong sabi. Umalis na ang lalaki. Umupo na lang ako sa seat ko at naghintay na matapos ang kanta.
NP: No one else comes close by Joe
Hindi pa pala tapos iyon. Ikalawang kanta na. Nagsisimula na akong mabored.
"Miss can I have this dance with you?" Sabi ng isang lalaki. Gaya noong sa pang-una ay tumanggi ako.
"I don't like sir. I am sorry." Malumanay ulit ang tono ko gaya ng sa una.
"Nahihiya ka pa." Bulong niya. Pilipino din pala siya.
"Pilipino ka din pala." Sabi ko.
"Oo miss. Huwag ka na mahiya. Hindi ako nananakit." Pabirong sabi ng lalaki.
"Hindi ako maalam sumayaw. Oo noong nag-aaral pa ako sumayaw ako pero promise hindi talaga ako maalam. Baka ikaw din ang masaktan." Paliwanag ko.
"I can manage miss." Nakangiti niyang sabi. Tumayo na ako at tinanggap ag alok niya.
"Miss saan mo nakuha ang damit mong iyan?" Tanong noong lalaki.
"Ahh. Design ko ito noon pa man." Sabi ko. Nagsimula na kaming sumayaw.
"A-ahh." Kita ko sa mukha niya na napangiw siya.
"Bakit?" Napatigil kami sa pagsasayaw.
"Inaapakan mo kasi ang paa ko." Mabagal niyang sabi.
"Ahh. Sorry. Sabi naman sayo eh." Dinala niya ako sa labas at doon kami nag-usap. Nalaman kong halos kasabayan ko siyang pumasok sa industriang ito. Ang dami pa naming napagkwentuhan at syempre tungkol lahat sa fashion designing.
"Kanina pa tayo magkausap pero hindi natin kilala ang isa't isa. Ako nga pala si Yannah Imperial. Ikaw?" Tanong ko sa kanya.
"This can't be. I mean Yannah Imperial. Diba ikaw ang isa sa mga sikat na designer ngayon sa Asia?" Hindi siya makapaniwala.
"Ahh. Oo." Nahihiya kong sabi.
"Ako pala si Dhale Harry Orleans." Nakangiti niyang sinabi.
"Nice name Harry." Buong oras kaming magkasama sa party. Masaya nga ang gabing iyon. Sayang at hindi ko kasama si Xander ngayon. Sabi ko siya ang unang makakakita nitong damit ko na ito pero hindi iyon nangyari. Sinabi sa akin ni Harry na kalimutan ko na daw ang taong hindi ako mahal kasi ako lang ang masasaktan. Tama nga siguro siya.
Natamaan ako sa sinabi ni Harry. Halos magkaparehas kami ng love life. Oo mahirap pero kailangan kong magmove-on para sa future ko. Simula ngayon, kakalimutan ko na si Xander. Sayang at hindi kami ang nagkatuluyan. Sana masaya na siya sa piling ni Neomi. Sana maayos lang siya. Makakalimutan ko din siya.
(A/N: Tapos na ang istoryang ito. Maraming salamat po sa mga nagbasa at sumubaybay kahit naging slow update po ito. Mahal ko kayo.)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Подростковая литератураIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...