Chapter 13

73 20 5
                                    

XANDER's POV

"Hahahaha." Narinig kong nagtatawanan ang mga schoolmates ko habang nanonood sa mga cellphone nila. Hindi ko na sila pinansin dahil sa nagmamadali akong hanapin ang mga kaibigan ko.

"Hey Xander. Bakit wala ka dito? Haha." Sabi noong isang babae na lumapit sa akin.

"Who are you?" Cold kong sagot.

"Soon. You'll know who am I." Sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

"Let's go girls." Dagdag pa niya sabay alis.

Nagpatuloy na ako sa paghahanap sa mga kaibigan ko. Hindi pa din maalis sa mata ko ang mga estudyante dito na nagtatawanan.

"Hahaha. Look guys. They are so cute." Sabi noong isang babae na nanonood din sa cellphone niya. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit at nagtanong.

"Xander napanood mo na ba ito? Haha. If you didn't, you must watch it. Haha." Sabi naman noong isa niyang kasama. Hinablot ko ang kaniyang cellphone at tiningnan ko ang pinapanood nila.

"Akin na nga ng matahimik na kayo! Nakakabadmood kayo!" Sabi ko na naiirita ang tono.

"Let's see kung mabad mood ka pa pagkatapos mo mapanood yan." Tumawa siya sa akin. Nagsimula na akong manood. Kapag ako hindi nasiyahan dito lagot ang babaeng ito sa akin. Napapakunot ako ng noo dahil sa pinapanood ko. Mga loko talaga itong mga ito. Maya-maya pa ay hindi ko na mapigilang hindi matawa. Nakakatawa kasi eh. Parang mga baliw na nakatakas sa mental.

"HAHAHAHA! SAAN NINYO NAKUHA ITO?" Sabi ko habang tumatawa. Nakahawak na din ako sa tiyan ko. Nakakatawa kasi eh. Sobra. Kaya siguro nangungulit ang mga barkada ko kagabi. Pero bakit naman nila ito ginawa. Lakas ng trip ha. Ipinahiya ang kanilang sarili.

"Pasa-pasa lang iyan. Haha. Do you want a copy?" Sabi niya. Parang kiti-kiti sa likot. Hindi mo malaman kung may ulay ba sa pwet ito o inborn na siya na ganiyan.

"Oh sige nga. Haha. Nakakatawa sila." Ipinasa na niya nga sa akin pero hindi ako doon natawa sa video ng todo. Natawa ako sa ginawa ng babae pagkatapos niyang maipasa ang video sa akin.

"OMG. GUYS PWEDE NA KO MAMATAY NGAYON PROMISE. WHHHHAAAA! HE TALK TO ME NA GUYS. HIHI. IT'S SO KAKAKILIG. TO THE HIGHEST LEVEL NA ITO. HAHAHA." Narinig ko habang naglalakad ako papunta sa room. Ginaya niya ang gestures at boses ni Ruffa Mae Quinto at tawa ni Kris Aquino. Grabe pala ang tama niya sa akin. Iba na talaga kapag gwapo.

Pumasok na ako sa room pero hindi ko nakita ang mga katropa ko. Bigla kong naalala iyong babae kanina.

"Soon you'll know who am I." Iyan ang sabi niya.l sa akin. May dalawa pa siyang alipores sa likod niya. Pabayaan na nga. Baka isa lang siya sa mga babaeng nagkandarapa sa akin.

Hinanap ko ang mga kaibigan ko ng bigla akong may nakabanggaan.

"Ouch!" Sabi ng nakabangga ko. Napatingin ako sa kanuya. Tinulungan ko na din siyang tumayo. Kung kailan naman ako nagmamadali at saka may nangyayaring mga pampabagal sa akin. Nakakainis tuloy. Gusto ko ng tanungin ang mga kaibigan ko kung bakit nila ginawa ang nasa video eh.

____________________________________

(A/N: Sino kaya ang nakabangga ni Xander? Isa ba siya sa mga magiging kaibigan ni Yannah o kaaway ni Yannah? Abangan. Haha alam kong hate nyo na ang salitang abangan. Bumoto kasi kayo para ganahan akong mag-update. Haha.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon