Chapter 6

124 24 10
                                        

CLARISSE's POV

Hi guys. I'm Chrysler Courtney Clarisse Clarkson. Unique name ko ano? Haha. Parents ko kasi eh. Apat na c ba naman ang ginawa. Tama na ang mga chika. Nagmamadali ako. Nakisingit lang ako ng POV eh.

"Guys ano ang gagawin natin? Kinuha noong lokong iyon si Yannah? Tiyak pahihirapan iyon." Sabi ko.

"Mamaya na iyon ibabalik noong Xanderwear na iyon. Kaso mamayang uwian nga lang. Baka nga di pa nya ibalik yun at bukas na natin sya makita eh." Sabi ni Hannah. May pang-asar na agad siya. Haha

"Huwag nga kayong praning diyan. Tingin ninyo hindi niya ibabalik si Yannah? Edi makakasuhan siya. Legal age na iyon ano. Maghintay na lang tayo." Sabi ni Thalia na parang walang pakielam kay Yannah.

"Mabuti pa pumunta na tayo ng classroom natin. Malapit na kayang magtime. Ayoko malate ano. Kayo na lang." Singit ni Crystal. Tama nga naman siya.

YANNAH's POV

Minulat ko ang aking mata. Oo nakatulog ako. Isinakay ako ni Xander sa kotse niya at dinala sa bahay ng kung sinuman. Ewan ko nga kung paano siya nakalabas ng campus eh. Basta ang alam ko lang ay piniringan niya ako at iyon nakatulog ako. Pagkagising ko nasa kwarto na ako. Wait kwarto ba ang sinabi ko?! Whaaa ang engot ko! Ngayon ko lang narealize na nasa kwarto pala ako ng ibang tao. Kinapa ko ang katawan ko. Buti nakadamit pa ako. Sorry ha. Masyadong green minded. Aba. Kayo kaya ang nandito. Hindi ba ganoon din naman ang iisipin ninyo?

"Oh gising ka na pala." Ay hindi hindi. Tulog pa nga ako eh. Kita naman niya na dilat ako hindi ba.

"Bakit ako nandito? Nasaan ako ha? Ang kapal naman ng mukha mo na dalhin ako dito. Bakit pahihirapan mo na naman ba ako? Ano bakit hindi ka makapagsalita? Kasi tama ako ganoon ba? Ang kapal mo din para pahirapan ako eh ano. Aka-"

"Hoy Ms. Imperial. Hinay-hinay lang sa pagtatanong. Gusto mo ba na sagutin ko iyang tanong mo? Nandito ka para pagsilbihan ako. Bahay ko ito. Oo. Kasi di ako makasingit sayo eh. Masyado kung makapagtanong. Oo tama ka."

"Xander dahan-dahan lang sa pagsagot please." Sabi ko.

"Oh anong feeling? Hindi ba nakakairita? Ipagtimpla mo na nga lang ako ng kape. Bilis." Utos ni Xander.

"Hindi ko gagawin iyan ano. Kapal mo namang utusan ako!" Singhal ko.

"Excuse me slave kaya kita. Remember? May sasabihin din pala ako sayo. Ieextend ko ang pagiging slave mo. Napagdisisyunan ko na gawin itong open time. Hindi ba parang computer shop lang. Kung gusto ko na itigil tsaka ko ititigil ang pagiging slave mo. Maliwanag ba?" Sobrang kapal oh. Paano na ngayon iyan? Wala na akong magagawa.

"ANO PA NGA BA?!" Sigaw ko sabay punta sa kusina niya. Grabe. Feel na feel niya ang pagiging master ha. Gawin ba naman akong tagatimpla ng kape niya.

"Oh ito na ang kape mo." Matamlay kong sinabi. Sabay lakad paalis ng kwarto niya kaso bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako.

"Hey slave. Is that how you treat your master? Ano ba naman? Lagyan mo ng sigla." Demanding. Kainis. Namiss ko tuloy iyong iba ko pang subjects. Kinuha ko ulit ang kape.

"This is your coffee master." Masayang tono ko iyon sinabi sabay abot ng kape. Syempre kunwari lang iyon para magtigil na siya.

"Pwede na ba akong umalis master? Namimiss ko na po kasi yung mga subjects ko eh. Plus magkakarecord po ako ng cutting." Hay oo paninindigan ko nai to. Siguro naman mabilis siyang magsasawa sa pagpapahirap sa akin.

"No. Stay." Aba. Ginawa pa akong aso oh. Kapal talaga ni kuya ano.

"Anong no? Hindi pwede ano. Ayoko magkarecord sa school." Malalaman kasi nila mom and dad iyon kasi baka magreport ang mga staffs doon na nagcutting ako. First time pa naman ito kung sakali.

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon