XANDER's POV
Pumayag na akong makipagbalikan kay Neomi. Nagbabakasakaling makalimutan ko si Yannah kapag kasama ko si Neomi. Hindi pa din naman kami tapos noon dahil wala kaming maayos na closure kaya ok lang. Ok na din siguro na kami na lang ni Neomi ngayon. Baka pagkaperahan lang nila si Yannah kapag naging kami ng totoo.
Nandito kami sa hall ng school. May last project na gagawin at iyon na din daw ang final exam namin sa Mapeh kaya kailangan maganda talaga ang kalabasan. Dance performance ang naisip ni ma'am. Apat ang miyembro sa isang group at bawat group at dalawang babae at dalawang lalaki kaya lalabas na dalawang pares kada group. Kailangan maging maganda ang takbo ng performance para makakuha ng mataas na marka. Malinis dapat ang pagkakagawa para maayos din ang marka.
"Ito ang magkakapartner para sa project/final exam ninyo." Pag-aanunsyo ni ma'am. Nagsimula na siyang basahin ang list niya. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ang tagal pa bago tawagin ng pangalan ko. Hinihintay ko din ang kay Yannah. Sana sa maayos na grupo sya mapunta at hindi sa manyak o bastos na lalaki. Mix section kasi ang gagawin ni ma'am. Teka kailangan ko na siyang kalimutan. Si Neomi na ang girlfriend ko ngayon. Sa kaniya na dapat nakatuon ang atensyon ko at hindi kay Yannah.
"Ang panghuling grupo ay sina Neomi, Yannah, Xander and Gab." Oo nga at kasama ko si Neomi pero kasama ko din naman si Yannah. Bahala na. Mabait naman si Gab kaya ok lang. Mahirap lang mag-ensayo. Ikaw ba naman ang maigrupo kasama ang past mo.
"Magsama-sama na ang magkakagrupo at magplano na kayo para sa gagawin nyo." Wika ni ma'am bago umalis.
"Gab ikaw ang partner ko ha." Sabi ni Yannah. Kahit simpleng salita lang iyon ang sakit din pala sa damdamin. Imbis na ipakita kong nasasaktan ako ay ginantihan ko na lang siya at pinagselos din.
"Babe pwede bang tayo ang magkapartner?" Sabi ko kay Neomi.
"Baliw tayo naman talaga eh." Sabay batok sa akin ni Neomi.
"Babe naman. Tsk. Halika nga dito." Sabi ko sabay yakap sa kanya. Bahagya kong nilingon si Yannah pero bakas sa mukha niya na hindi siya naaapektohan sa ginagawa ko.
YANNAH's POV
"Babe naman. Tsk. Halika nga dito." Sabi ni Xander sabay yakap sa malanding Neomi na iyon. Hindi ko pinapahalatang selos na selos na ako. Si Gab naman ay nakikiramdam lang.
"Samahan mo akong bumili Yannah." Sabi ni Gab. Mukhang nakahalata na.
Ilang linggo pa ang nakalipas at may nabuo na din kaming sayaw. Syempre todo hataw itong si Neomi sa harap ni Xander at nagpapasikat. Si Gab naman ay ginagawa ang lahat para mabawasan selos ko. Siya ang laging nandyan kapag nagmomoment ang dalawa. Pinapagaan niya ang loob ko siguro alam niya na lubha na akong nasasaktan hindi gaya ni Xander na mukhang manhid.
Dumating na ang araw ng pagtatanghal. Maayos naman so far ang mga performances ng iba pati na din ng mga kaibigan ko. Kainis nga eh. Kung ano pa ang order sa listahan noong nag-annaounce si ma'am, iyon din daw dito kaya panghuli kami. Tiyak pag-uusapan na naman kami sa sobrang sweet ng dalawa dito.
"Last but not the least. Yannah, Neomi, Xander and Gab." Sigaw noong host sa hall. Pumunta na kami sa stage at nagsimula na ang sayaw. Noong una hindi ako makafocus. Nakakasabay ako pero ang isip ko ay halata mong kung anu-ano ang laman. iyon namang dalawa ay todo titigan at abot langit ang ngitian. Nakakainis silang panoodin. Hiyawan naman ang mga nanonood.
"Relax Yannah. Huwag mo muna silang alalahanin. Kaya mo iyan." Bulong ni Gab habang nasayaw kami. Natuwa naman ako sa sinabi niya at napangiti din. Buti na lamang at nandito si Gab sa tabi ko.
"YaGab kami. Bagay kayo oh." Narinig kong may sumigaw. May audience din kasi bukod sa batch namin. May mga galing din sa ibang year level at sa labas. Akalain mong may fans club na kami ni Gab. Haha.
"Sabi sayo eh.' Bulong sa akin ni Gab.
"Salamat ha." Tugon ko naman. Nagpatuloy na kami sa pagsasayaw. Syempre may inis pa rin ako sa dalawa kong kagrupo pero kailangan ko muna ito tapusin bago ako magseryosong mukha ulit. Baka bumaba pa ang score namin eh. Mahirap ng masisi. Kailangan ng grades eh. Nagpapanggap ako na enjoy ako sa pagsasayaw para dagdag points. Malapit na ang dulo ng sayaw. Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Xander para sa huling pose ng sayaw. Miski si Neomi at Gab ay nagulat pero ang ikinagulat namin ng todo ay nang bigla akong halikan ni Xander sa harap ng madaming tao at sa gitna pa ng stage. Naputol ang halik noong hilahin ni Neomi si Xander papunta sa kanya at bumaba na sila. Kahit pagtutol sa halik na iyon ay wala akong nadama galing sa sarili ko. Doon ko talagang napatunayan na mahal pa namin ang isa't isa pero bakit siya nakipagbalikan kay Neomi kung mahal pa niya ako hindi ba? Hindi kaya nag-aassume lang ako na mahal pa niya ako pero ang totoo pala ay nagkamali lang siya ng hila kaya ako ang nahalikan niya? Bakit ba kasi nangyayari itong lahat ng ito? Nahihirapan na ako ng sobra. Gusto ko na matapos ito.
________________________________________________________________________________
(A/N: Ang steps ng sayaw ang nasa video. Imagine niyo na lang ha. Thanks Sa suporta. Pm me kung may suggestion kayo or comment niyo na lang kung gusto niyo. Pwede ninyo din icomment ang reaction n'yo about dito. Sorry ulit kung panget.)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Teen FictionIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...