Chapter 11

80 22 4
                                    

JAMES' POV

"Mga tol. Nakakapagtaka din si Xander ano. Iyong taong kalaban pa niya ay ginawa niyang karelasyon niya." Sabi ko. Nandito kami ngayon sa restaurant. Nauna na sila Xander at Yannah umuwi.

"Oo nga eh. Ano kayang pumasok sa isip noon?" Sabi ni Kiel.

"Wait guys. Hindi ba may sinabi soya dati noong inaasar natin siya." Singit ni Zach.

"Iyong ano ba iyon? Ahh. Iyong sabi niya na may girlfriend siya. Oo iyon nga iyon. Alala niyo pa ba?" Singit din ni Steve.

"Oo nga ano. Pero bakit hindi halata na sila kapag nasa school tayo?" Tanong ni Gab.

"Hay naku. Itulog na lang natin ito. Antok na ko eh. Una na ko ha. Bye." Sabi ni Zarren.

"Ang sakit sa ulo. Ako din aalis na. Hoy Zarren sabay na tayo. Pauwi na din ako." Sabi ni Zyne.

"Geh mga tol mang-iwan kayo." Sabay takbo ni Steve papunta kina Zarren at Zyne.

"Wait nga lang. Para kayong mga baliw diyan. Sino ba ang mga uuwi na?" Singit ni Gab.

"Ako." Sabay sabay na nagsalita ako, Kiel, Zion at Zach.

"Oh iyon naman pala eh. Edi sabay-sabay na lang tayo umuwi. Maghihiwalay pa ganoon din naman." Sabi ni Gab.

Para nga kaming baliw doon eh. Haha. Uuwi na sana kami ng biglang may humarang sa amin.

"Excuse me po mga sir. Ito po ang bill ninyo po." Sabay bigay ng waiter ng bill sa amin. Nagkatinginan kaming lahat. Napatahimik ang lahat ng makita ang bill.

"Mga tol. Saan tayo kukuha ng ganitong kalaking pera? Sabi ni Xander sarili lang natin ang dalhin natin. 200 pesos lang ang meron ako dito." Sabi ko. Ang hilig talaga ni Xander manurpresa. 2,000 pesos ang bill. 10% lang ng baon ko to eh. Haist.

"Ganito na lang. Mag-ambagan na lang tayo. Magkano ba ang bill pre?" Tanong ni Gab.

"Tol. 2,000 ang bill." Sabi ko.

"WHAT?!" Sabay na sabi nila Zach, Zarren at Zion.

"Oh. 200 lang ang kaya kong iambag. 300 lang baon ko ngayon eh." Nilapag ni Kiel ang ambag niya.

"Tsk. Kainis kang Xander ka. Oh 100 lang kaya ko. Mamamasahe pa ko eh." Sabi naman ni Steve.

"200 oh." Tipid na sabi ni Zach.

"100 lang ang aking makakakayang ibigay ha. Pasensya na." Zyne.

"Tol 100 lang din ang akin. Magpapagas pa ko eh." Bigay ko ng pera.

"Akin 100 lang din." Sabi ni Zarren.

"Sorry. Wala ang wallet ko eh. 100 lang nailagay ko sa bulsa ko bago ako umalis. Tapos namasahe ako papunta dito. Tapos mamamasahe pa--" paliwanag ni Zion kaso pinigilan na sya ni Gab.

"Oo na tol diretsohin mo na lang kami na hindi ka makapagbibigay. Ang dami pang satsat eh." Sabi ni Gab.

"Sorry. Baka sabihin ninyong kuripot ako eh." Sabay napakamot siya sa ulo niya.

"200 lang ang maibibigay ko. Ay 100 lang pala. 300 lang dala ko eh." Sabi ni Gab sabay nilang sa lahat ng napag-ambagan namin.

"Guys." Mahabang sabi ni Gab.

"Ano?" Sabay-sabay naming tanong kay Gab.

"Kasi." Gab.

"Tol huwag na pabitin. Antok na ako." Sabi ko.

"Kasi naman eh." Reklamo niya.

"Akin na nga! Ako na magbibilang!" Napasigaw ako. Nagtinginan sa table namin ang mga tao.

"Chill ka lang tol." Sabi ni Zyne. Binilang ko na ang pera.

"HOLY SIZZLING BACON STIPS WITH UGHHH. 1000 lang ito. Kalahati ng bill ito. Anong gagawin natin? Hindi na tayo makakalabas dito. Whhaa. End of the world na guys. Paalam na." Sabi ko sabay tungo.

"Hoy James. Magtigil ka nga dyan. Hindi bagay sa iyo." Sabay batok sa akin ni Kiel.

"Paano na ito. Hindi tayo makakaalis ng hindi nababayaran ito. Hay naku. Humanda sa akin si Xander sa lunes. Masasapak ko iyon." Sabi ni Steve.

"Oo nga. Makakabugbog ako ng todo sa lunes." Clenched fist ni Zion na sinabi iyon.

"Ikaw Zion? Makakabugbog sa lunes? Eh ni bentsingkong duling wala kang naiambag eh." Sabay batok ni Gab kay Zion.

"Sorry na. Haha. Nagloloko lang naman ako eh.

"Alam ko na. Malimos tayo." Suggest ni Zarren.

"Tol ikaw na lang. Hindi ako manlilimos kahit kailan." Tanggi ni Zyne.

"Eh kung tumakas na lang kaya tayo." Sabi ko naman. Nagdeath glare silang lahat sabay-sabay sa akin.

"Sabi ko nga. Hindi tayo tatakas." Napabawi naman agad ako sa sinabi ko.

"Magperform na lang kaya tayo." Suggest ni Zach.

"Oo nga. Kausapin natin ang manager ng restaurant na ito." Sabi naman ni Gab at iyon nga ang ginawa namin. Nasa harap na kami ngayon ng manager.

"What can I do for you?" Tanong ng manager. Kami naman ay nagtutulakan kung sino ang magpapaliwanag.

"Ui Zyne. Ikaw na magpaliwanag." Bulong ni Zarren kay Zyne.

"Hala tol ayoko. Ikaw na lang kaya." Balik ni Zyne kay Zarren.

"Aba. Ikaw na lang Steve." Bulong ni Zarren.

"Tol ikaw na lang. Hindi ka naman nag-ambag eh." Sabi ni Steve kay Zion.

"Ayaw ko nga. Ikaw na lang James." tulak sakin ni Zion.

"Ako na nga lang. Nagpapasahan pa kayo dyan." Sabay lapit ni Gab sa manager.

"Pwede po ba kaming magperform tapos kapag po nagustuhan ng mga customers yung performance namin ay libre na po yung pagkain namin. Please sir. Kailangan lang po namin." Sabi ni Gab sa manager.

"Iniwan po kasi kami ng kaibigan namin na siyang dapat magbabayad ng bill eh." Singit ko.

"How much is you bill?" Tanong nung manager.

"2,000 sir." Pormal na sagot ni Gab.

"Ok. I will let you but if my customers didn't liked your performance, your bill will be doubled huh." Paliwanag noong manager.

"Guys. Kaya ba natin ito? Madodoble ang bill kapag hindi nagustuhan ng mga tao. Paano na iyan?" Panic ni Zion.

"Kaya natin ito guys. Sige pag-isipan nating maigi kung ano ang gagawin nating performance." Gab.

(A/N: Napapangitan ba kayo? Message nyo ko kung ano ang say nyo sa story ha. Kahit masama o mabuting comment tatanggapin ko. Para malaman ko kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin. Wag kayo matakot magsabi kung hindi kayo nagagandahan ha. Di ko kayo papagalitan o munurahin or something. I just need to know lang. Vote din kayo. Thanks sa mga patuloy na nagbabasa at bumoboto. )

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon