Chapter 9

88 22 3
                                    

YANNAH's POV

"Tama nga na hindi ka sumabay sa akin. Baka mabato pa kita ng pagkain." Pambabara ko sa kaniya sabay takbo. Haha. May isinisigaw pa siya pero hindi ko na narinig. Nasa dinning area na ako nila Xander. Ang ganda naman. Mahal ang mga gamit dito. Lalaki ba talaga ang nakatira dito? Para kasing babae sa sobrang ganda ng laman ng bahay na ito eh.

"Manang sabay ka na sa akin kumain." Pag-aaya ko kay manang.

"Hindi na. Kumain ka na lang. Baka pagalitan ako ni sir Xander. Bawal kasi ako sumabay sa pagkain." Paliwanag sa akin ni manang. Grabe pala si Xander ano. Pagkain lang hindi pa pwedeng isasabay si manang. Dadala-dalawa na nga lang sila dito. Napakasama talaga ni Xander. Hindi dapat ganito ang pagtrato niya sa kasambahay niya.

"Sige na manang. Akong bahala diyan sa Xander na iyan." Kulit ko kay manang.

"Huwag na Yannah." Tanggi ni manang.

"Manang please. Gusto po kita kasabay at isa pa mag-isa lang naman po ako eh. Nakakalungkot kaya kumain ng mag-isa." Kinulit ko pa rin si manang.

"Hay. Ikaw talaga. Sige na nga. Teka. Kukuha lang ako ng plato ha." Sabi ni manang. Pinigilan ko si manang at pinaupo na lang.

"Huwag na po manang. Ako na po ang kukuha." Masaya kong sabi kay manang. Dali-dali akong kumuha ng plato, kutsara't tinidor at baso para sa amin at kumain na kami. Nakakatuwa si manang. Kahit sobrang sungit ni Xander ay natagalan niya pa rin ito.

"Yannah!!!" Sigaw ni Xander mula sa kwarto niya. Mag-uutos na naman iyon tiyak. Hay sana maputulan na lang siya ng kamay at paa.

"Bakit?" Umakyat agad ako sa kwarto niya. Baka sermonan na naman ako eh.

"Ipaghanda mo ko ng hapunan at dalhin mo dito. Bilisan mo ha." Utos niya.

"Teka lang ok. Teka lang. Hindi naman ako makapangyarihan para magawa yan ng sobrang bilis." Reklamo ko. Talaga naman eh. Ano ako? Si flash o si wonderwoman?

"Susunod ka o susunod ka?!" Sigaw nito.

"Oo na nga po. Ito na oh. Naglalakad na. Nalabas na." Sabay bagsak ng pintuan. Kainis talaga. Napakasungit na tao.

Gaya nga ng sabi niya ay kinuha ko na siya ng pagkain. Kumain siya. Natulog kami pero sa guess room lang ako. Alangang tumabi ako sa mokong na iyon. No way.

Kinabukasan ay may narinig akong nasigaw sa harapan ko.

"Hoy babae! Gumising ka dyan! Mag-hahanda ka pa ng agahan natin!" Nagising ako. Syempre sino ba namang hindi magigising kapag sinigawan ka hindi ba pero gusto ko siyang pagtripan kaya naisip ko na magtulug-tulugan muna. Haha.

"SABI NG GUMISING KA NA EH." Niyugyog niya ko pero nakapikit pa rin ako. Wala eh. Haha. Akala mo ha. Gaganti din ako syempre.

"Hindi ka gigising diyan ha. Sige lang. Ipagpatuloy mo iyan." Narinig kong parang may plano siya base sa boses niya. Babangon na sana ako ng bigla niya akong buhatin na parang pangbagong kasal.

"HOY IBABA MO NGA AKO DITO!" Palag ko. Whhhaaa! Dapat kasi gumising na ko eh. Dapat hindi na ko nagpanggap na tulog.

"Hindi ba tulog ka pa?" Nakita kong pumasok siya sa banyo.

"Hoy ibaba mo na ko dito please." Pagmamakaawa ko.

"Manang tulungan ninyo ko please!" Sigaw ko pero walang dumadating na manang.

"Wala si manang dito Yannah. Pinagday-off ko." Mapanlokong tono ang ginamit niya. Nakakainis naman oh.

"Ibaba mo na kasi ako."

"Hindi ganyan itrato ang master huh." Kanina lang ako ung nantitrip. Tapos ngayon ako iyong tinitrip. Ano to bawian? Hay. Ngayon pa nga lang ako nakakaganti may balik agad.

"Maaari mo na po ba ako ibaba master?" Wala na kong nagawa. Ganito naman lagi eh. Siya lagi ang nasusunod.

"Ayan. Sige ibababa na kita." Ibinaba niya nga ako sa bath tub na may laman na malamig na tubig. Makikita mo Xander. Pagbabayaran mo itong ginagawa mo sa akin.

"Your wish is my command." Sabi niya na para bang nang-aasar. Syempre si ako gumanti. Hinila ko siya papunta din sa bath tub. Karma haha.

"What have you done Yannah?! Aalis pa naman ako ngayon tapos binasa mo ko!" Sabi niya. Aba. Siya ang nagsimula nito. Tinatapos ko lang.

"Hahaha! Buti nga sa iyo! Ikaw ang nauna hindi ba?" Sabi ko sa kanya. Lumabas na ako ng cr ng guess room at pumunta sa cr sa baba dala-dala ang mga damit ko. Naligo na ako, naghanda ng pagkain at umakyat sa kwarto ni Xander. May nakita akong letter.

'Sa labas na ko kakain. Gamitin mo ito at pumunta sa restaurant na isesend ko sa iyo mamaya sa text. Huwag ka mahuhuli ng dating. May parusa ka sa akin kapag late nahuli ka.'

Binuksan ko ang isang kahon at nakita ang isang magandang damit at alahas doon.

"Grabe. Ito ba iyong sinasabi niyang damit? Ang ganda ahh. Pati iyong kwintas, porselas at hikaw. Ang ganda talaga nito. Hindi sa hindi pa ako nakakabili ng ganitong kagagandang mga gamit. Pero aanhin ko naman ito? Bakit kaya niya ko pinapupunta sa restaurant mamaya? Ano yun date? Asa namang date iyon. Ni wala nga siyang gusto sa akin. Ganun din ako sa kanya pero ok na din ha. Pupunta ako. Tutal wala naman akong gagawin mamaya eh." Sabi ko sa sarili ko. Haha. Wala naman si manang para kausapin ko. Hay naku. Ano kaya ang magaganap mamaya? Nakakapagtaka pero ang astig ha. Maalam si Xander pumili ng damit na bagay sa akin. Maganda taste niya. Hindi kaya bakla si Xander? Ay sayang naman ang kapogian niya kung isa siyang bakla. Karamihan pa naman ngayon ng lalaking pogi ay bakla. Kung hindi bakla ay may jowa. Haha.

(A/N: Bakit kaya inaya ni Xander si Yannah? Ano kaya ang plano ni Xander? Abangan sa susunod na update.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon