YANNAH's POV
Dumating na nga ng araw na pinakahihintay ni Xander. Ang araw na pinakakinasusuklaman ko. Sinundo ako ni Xander mula sa condo unit.
"Hoy slave sakay na!" Sigaw ni Xander mula sa kotse niya.
"PANGET NA KABAYO KA!" Nagulat ako kasi naman nagdadrama pa ko eh. Nakasandal siya sa kotse niya at nakashades pa. Nakapatog ang isang paa niya sa kotse. Emo ang dating nito ah. May problema ba ito o sadyang ganito lang pumorma?
"Sa pogi kong ito sasabihan mo ko ng panget na kabayo? Bilisan mo na. Pagkarating dun sa bahay linisin mo yun." Command niya. Pogi na sana eh. Abuso lang. Napakasama talaga nitong si Xander. Akala mo binili na niya ako.
"Nung isang araw taga-timpla lang ng kape tapos ngayon taga-linis na ng bahay mo? Aba. Sobra ka na yata ah." Komento ko. Grabe na kasi siya eh. Napakabossy. For your information, magkaklase tayo Xander, hindi kita boss! Pangit ka! Abusado! Bully! Sigaw ko sa isip ko.
"Hoy. Slave nga kita eh. Ano may reklamo ka? Pahabain ko ang stay mo sa bahay ko." Pananakot na sa akin.
"Aba. Ayoko nga." Gusto ko na nga makatapos ng pagiging alila ng mabilis tapos dadagdagan mo pa. Hindi ako pinalaki ng nanay ko para lang alilain.
"Oh. Edi sumunod ka sakin." Pumunta na nga kami sa bahay niya. Maya-maya pa ay bumaba na kami ng kotse. Syempre ungentleman siya. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan ha. Adik din ito minsan. Nakakainis na.
"Simulan mo na." Wala naman akong magagawa eh. No choice ang lola niyo. Sunod-sunuran ako kay Xander. Sana matapos na ang araw na ito.
"Pagkatapos mo linisin ang bahay ko ay ipagluto mo ko ng pagkain. Kung hindi ka marunong ay magpaturo ka kay manang. Paturo ha hindi ipasa. Kapag nalaman ko lang na tinulungan ka ni manang sa mga pinagagawa ko, patay ka sa akin. Hindi ako madaling kalaban. Tandaan mo iyan." Huh. Nakakatakot. Baka kung ano pa ipagawa sa akin nito kapag hindi ako sumunod.
"Opo master."
Sinimulan ko na ang paglilinis sa napakalaki niyang bahay. Mukhang sinadya pa niya sigurong magkalat para lang may maimis ako. Puro drawing sa papel na ginasumot. Lahat hindi tapos. Ang iba naman, parang may konting sulat lang ng ballpen. Isang guhit lang minsan ang iba. Mayroon ding mga kung anu-anong kalat mula sa pinagkainan gaya na lang ng cup ng softdrinks na take-out sa mga fast food restaurants. Hay buhay. Kulang na lang ay magsuot ako ng damit na kagaya kay manang.
"Oh iha. Ikaw iyong babae noong isang araw dito hindi ba? Sorry ha. Hindi kita matutulungan eh. Sinabihan ako ni sir na dadating ka nga at ikaw ang gagawa ng mga iyan. Kapag tinulungan daw kita mapapatalsik ako. Eh wala naman akong ibang mapapasukan." Sabi ni manang. Ayan na nga speaking of manang.
"Naku ok lang po iyon. Sabi niya turuan mo na lang daw po ako magluto pagkatapos ko dito."
"Oh sige iha. Ihahanda ko muna ang mga gagamitin ha. Diyan ka lang." Nagpatuloy na ako sa paglilinis. Makalipas ang ilang oras ay natapos ko na iyon. Nagtagal lang ako kasi sobrang busisi nitong lalaking ito. Konting gabok lang ay pinupuna. Pati ag doormat niya nakailang pagpag. Kung nakakapagsalita lang ang mga gamit nitong si Xander baka nagreklamo na sa sobrang kaartehan. Pati sa mga kitchen utensils dapat ang posture ng kamay sa pagkuha ay tama. Daig pa ako nito eh. Ako basta na lang nakuha. Siya may kaartihan pang nalalaman. Akala mo naman ginto ang utensils niya.
Pumunta na ako ng kusina para magluto. Tinuruan ako ni manang na magluto. Nakailang beses din akong umulit kasi mali ang nga ginagawa ko. Aba ang choosy pa ni Xander eh. Nanonood at may arrangement pang kailangang sundin sa paglalagay ng ingredients. Ganoon din naman ang kalalabasan. Ang daming arte sa buhay.
"Master? Luto na po ang pagkain mo." Kumatok ako sa kwarto niya. Ang tagal buksan ha. Paimportante masyado. Akala mo naman siya lang ang tao sa mundo. Naku Xander! Pinagsisisihan kong nakilala kita. Masyado na siyang nakakairita. Sa paggalaw niya, pananalita at sa lahat na lang. Nakakairita talaga.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto. Sa wakas. Akala mo presidente ng Pilipinas na bawal istorbohin sa dami ng ginagawa.
"Hoy bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito. Pagod na ako kaya kumain ka na Xan-" Naputol ang sinasabi ko. Isang malakas na sigaw na lamang ang narinig ko.
"YANNAH!"
(A/N: Ano kaya ang mangyayari kay Yannah sa loob ng bahay ni Xander? Abangan ang next UD. Vote vote din kapag may time. Naiisip ko nga eh. Tapusin ko na kaya. Para naman kasing hindi welcome sa inyo ang story ko eh. Ganito na lang. I'll base my decision on your votes. Kamsahamnida.)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Подростковая литератураIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...