Chapter 5

104 26 3
                                    

HANNAH's POV

Hi. Sa wakas nagkaPOV din. Si author kasi eh. Anyways. Ako nga pala si Hannah Camille Ford. Kaklase/dabarkads ni Yannah. Maganda, dyosa, at habulin. Haha. Joke. Iyong unang dalawa tama pero iyong panghuli, sa kasamaang palad. Hindi. 18 years old. May boutique ako. Gift ni motherhoodie. Nasa school ako ngayon kasama ang dabarkads ko. Nag-eenjoy kaming lahat bukod kay Yannah. Kami nag-eenjoy, kwentuhan at kulitan. Siya naman, nandoon subsob sa paggawa ng project niya este noong mokong na iyon. Xander ba un? Iyong transfer. Kabago-bago niya nang-aalipin agad. Hindi lang iyon ha. Ang "SLAVE" lang naman niya ay ang heirs ng Imerial Family. Hanep hindi ba. Libre ko na nga lang si Yannah ng food para kahit papaano makapagpahinga siya.

"Yannah ano ang gusto mo? Libre kita." Alok ko sa kanya.

"Ha? x=y+4." Sagot ni Yannah. Iyan iba na ang pinagsasasabi niya.

"Yannah pagkain. Hindi project. Bibilhan na nga lang kita. Diyan ka muna ha." Hay naku. Si Yannah talaga. Slave na ang Yannah namin.

"Bibilhan naman kita ng starbucks Yannah ha." Dagdag ni Clarisse. Mahilig talaga ang babaeng iyon sa starbucks. Haha.

"Ako tulungan na kita Yannah. Mukha ka ng lulong sa droga niyan oh. Tingnan mo iyang mata mo." Sabi ni Thalia sabay bigay ng salamin. Haha. Paano ba naman simula ng dumating si Yannah, wala ng ibang inatupag kung hindi ang project na iyon. Sabi pa naman niya hindi siya kumain ng breakfast. Hay. Oh wait. Nandyan na pala si Xander na pahirap.

"Nasaan si Yannah?" Tanong ni XANDERwear. Haha. May mapang asar lang haha.

"Bakit? Papahirapan mo na naman siya?" Tanong ni Thalia

"Wala na kayo doon. Nasan sya?" Pagpupumilit ni xander.

"Ayaw namin." Sabi ko.

"Guys anong-" Nabigla si Yannah pati na rin kami. Ano ba iyan?

"Oh nandyan ka lang pala slave. So guys hihiramin ko muna siya ha. Bye." Sabi ni Xander sabay hatak kay Yannah paalis. Kawawa naman ang Yannah namin. Sayang iyong mga pagkain na binili namin sa kanya. Tiyak mamayang hapon na kami magkikita-kita.

(A/N: Saan kaya dadalhin ni Xander si Yannah? Sa tingin nyo, ano ang gagawin ni Xander kay Yannah? Abangan sa susunod na update ^_^ Sorry natagalan ang chapter 4 and 5.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon