XANDER's POV
Hindi ko na alam pa ang gagawin ko pagkatapos ng nangyari. Gusto kong puntahan si Yannah pero alam kong hindi niya ako pakikinggan. Nagagalit ako kay Neomi. Akala ko malinaw na ang lahat sa kaya pero heto siya ngayon, sinira niya ang relasyon namin ni Yannah. Hindi pa nga kami nagtatagal tapos break agad. Hindi ako makapapayag na mabalewala na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan. Gagawin ko ang makakaya ko maibalik lang si Yannah sa akin at makapagpaliwanag ng ayos.
Pinapunta ko ang mga kaibigan ko sa bahay ko para kunin ang suhestiyon nila sa siymtwasyon namin ni Yannah.
"Tol bakit mo ba kami pinapunta dito?" Tanong ni Kiel.
"Oo nga. Nagpapahinga pa ako sa bahay eh." Reklamo ni Steve.
"Help me." Sabi ko.
"Wait. Ikaw? Nahingi ng tulong? Anong nakain mo?" Tawa sa akin ni Zyne.
"Seryoso ako." Sabi ko. Hindi naman kasi ako usually nahingi ng tulong eh.
"O sige. Ano bang problema mo tol?" Tanong ni Zion habang tumatawa ng konti.
"Si Yannah-" Sabi ko.
"Ano si Yannah?! Naaksidente? Napilayan? Nagkasakit? Namatay? Ano?! Magsalita ka." Sabi ni Zach na para bang wala ng oras huminga.
"Oa mo tol. Hindi. Alam na niya ang totoo dahil kay Neomi." Sabi ko.
"Neomi? Hindi ba siya ang dati mong girlfriend?' Singit naman ni James.
"Oo James. Mahal ko si Yannah. Ayaw kong mawala siya sa akin. Kung kailan? Hindi ko din alam basta ang alam ko mahal ko siya at gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako." Ang hirap pala umibig. Bakit kasi ganito pa?
"Ano na ang gagawin mo tol?" Tanong ni Zarren.
"Isip-isip din tol. Kaya ko nga kayo pinapunta para tulungan ako tapos tatanungin mo ako. Nasa paa ba utak mo o sadyang mapurol lang at kinakalawang?" Sabi ko kay Zarren.
"Ay oo nga. Kung tawagan mo tapos kumain kayo sa labas. Treat mo na para bang date." Suggestion ni Zarren.
"Too common." Sabi ko.
"Kung bigyan mo ng teddy bear, flowers and chocolates sa condo niya sabay sorry." Suggest naman ni Gab.
"Marami nang gumagawa niyan Gab." Sabi ko. Ipinagpatuloy namin ang pag-uusap hanggang sa nagkasundo kami sa iisang bagay.
Kinabukasan ay pumunta kami sa school garden at isasagawa na namin ang plano.
"Tol ok na ba lahat ng gagamitin?" Kabado kong tanong kay Gab.
"Oo tol. Huwag ka na kabahan." Sabi ni Gab.
"Iyong part niyo ok na ba?" Tanong ko ulit sa kanila. Kinakabahan kasi ako eh. Gusto ko maging maayos ang lahat.
"Oo tol ok na ang lahat kaya gawin mo na." Sabay tulak sa akin ni Steve sa gitna ng garden.
"Ehem. Itong kakantahin ko ay para sa babaeng pinakamamahal ko. Sana mapatawad na niya ako. Oo hindi akong perpekto at inaamin kong totoo iyong record pero dati iyon. Plano ko iyon dati na hindi ko na itinuloy. Ginawa ko ang aking makakaya maprotektahan lang siya sa magulang ko. Sana mapakinggan niya ito." Nagsimula na akong kumanta.
YANNAH's POV
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa may garden sa school. Syempre tiningnan ko at ng mga kaibigan ko kung sino iyon at hindi nga ako nagkamali. Si Xander ang nagsasalita sa unahan.
"Aalis na ako ha." Matamlay kong sabi. Ayoko na kasing mapakinggan pa ang sasabihin ni Xander eh.
"Hindi mo ba papakinggan ang kantang kakantahin ni Xander? Pinaghirapan niya ito. Pagtayo pa nga lang sa unahan ay nakakakaba na. Paano pa kaya kung isnabin ka ng pinaglalaanan mo ng performance mo? Edi napahiya naman ang tao." Sabi sa akin ni Thalia.
"Ayaw ko. Hayaan mo siyang mapahiya. Nararapat lang iyon sa kaniya." Pagmamatigas ko.
"Iyan ka na naman Yannah eh. Kahit ngayon lang makinig ka naman sa akin." Sabi ni Thalia.
"Stay here Yannah." Sabi naman ni Crystal.
"O sige na nga pero-" Naputol na ang sasabihin ko dahil kumanta na si Xander.
'Mga gulo o mga away
Nagsisimula sa di pagkakaintindihan
Pinapairal ang galit, sama ng loob o inis
Nagkaroon ng lamat ang puso
Nawala ang tiwala'
Biglang lumapit si Xander sa akin at hinila ako sa gitna. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. Mapapahiya kasi siya. Kahit papaano naman ay concern ako sa kanya kasi mahal ko siya.
'Tiwala mo sana sa aki'y magbalik
Gagawin ko ang lahat-lahat upang
Tiwala mo sa aki'y magbalik
Ito ay aking iingatan na
Tiwala sana'y magbalik'
Nagulat ako sa susunod na mga nangyari. Pumasok ang mga kabarkada ata iyon ni Xander na nakamascott " S O R R Y N A " tapos yung isang nasa dulo ay dala dala ang banner na may mukha at pangalan ko.
"Grabe ang effort ni kuya oh." Naririnig kong bulungan sa paligid ko.
"Yannah. Alam kong hindi ako karapatdapat para sayo." Panimula ni Xander.
"Pero hayaan mo na makabawi ako." Nanginginig na ang tono ng boses niya na para bang naiiyak na pero pinipigilan niya ito. Naiiyak na din ako pero gaya ng ginagawa niya ay pinipigilan ko ang luha ko na pumatak. Lumuhod sya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Patawarin mo ko Yannah. Please. Give me a second chance. Ayaw kong mawala ka sa akin. Please." Pagmamakaawa sa akin ni Xander. Umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko na alam pa ang gagawin o sasabihin ko kasi kahit ako ay naiyak na din. Lalo pang tumindi ang iyak ko noong yakapin niya ako.
"Let's make new memories please. I love you." Ano nga ba ang dapat kong gawin? Naguguluhan na ako. Half of me gustong patawadin siya pero ang natitirang kalahati ay nasasaktan pa rin sa ginawa niya. Isang maling pagdidisisyon ay baka masaktan na naman ako. Ano ang magiging didisyon ko?
________________________________________________________________________________
(A/N: Ano na ang mangyayari kila Xander at Yannah? Mapapatawad pa kaya niya si Xander? Abangan. Yes. Konting push na lang. Unfortunately ay hindi sa chapter 22 matatapos ang story. Sorry ha. Thanks sa pagsubaybay. Iyong kinanta ni Xander composition ko. Press the external link or yung video sa tabi. Thanks.)
![](https://img.wattpad.com/cover/21981089-288-k737678.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Fiksi RemajaIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...