Chapter 15

64 21 4
                                    

YANNAH's POV

Grabe. Sana hindi malaman nila Thalia ito. Ano ako? Slave and girlfriend for hire? Hindi ito dapat magtagal. Oo nga pala. Nakauwi na ako sa condo ko este ni Thalia. Remember binigay ko na sa kaniya iyon. Monday na ngayon. Nag-ayos na ako at pasok.

"What's happening?" Napabulong ako sa sarili ko. Paano ba namang hindi eh puno ang labas ng mga room. Gets ninyo? Haha. Basta nasa labas lahat sila. Tumunog bigla ang telepono ko kaya sinagot ko ito.

"Hello. Hannah?" Si Hannah pala tumawag na. Ang daming tao paano pa kami magkikita. Haha.

"Nasaan ka girl? Nandito kami sa likod ng school. Ang daming tao eh." Sabi niya. Agad naman akong pumunta sa likod ng school.

"Yannah! Ang tagal mo." Salubong sa akin ni Clarisse.

"Ang dami kayang tao." Sabi ko.

"Kasi ang gandang video para sa umaga." Sabay harap sa akin ni Crystal ng phone nya. Pinanood ko naman ito.

"Whhahahaha. Lols nga." Napatingin ako ulit sa mga tao sa video.

"SILA?!" Napasigaw ako sa gulat.

"Bakit Yannah? Anong problem?" Tanong ni Thalia.

"SILA YUNG KASAMA KO SA RESTAURANT EH!" Shocks. Naisigaw ko. Patay. Hindi nila dapat malaman na gf ako ni Xander. Ay mali pala. FAKE gf pala.

"Huh?" Sabay-sabay nilang binigkas. Halata ang pagtataka nila sa mukha nila. Tiyak magtatanong sila. Paano na ako?

"Ahh. Ehh. Wala iyon. Joke lang iyon. Kayo naman oh. Hindi na mabiro." Palusot ko.

"Ok. Naniniwala naman ako sa kanya na hindi siya nagsisinungaling." Sabi ni Thalia. Napabuntong-hininga naman ako doon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nagsabi na ako ng totoo.

"I'm sorry. Guys kasama ko talaga sila. Kaibigan sila ni Xander. Pumunta kami sa isang restaurant at kumain. Ipinakilala niya ako sa kanila at ganun din sila sa akin. Hindi lang bilang friend ang ipinakilala niya sa akin. Sinabi niya na ako ang gf niya." Explain ko.

"HUWAT?!" Napasigaw si Clarisse.

"Hindi niya na lang ako slave ngayon. Fake gf niya pa ako." Malungkot kong sabi.

"Ano na ngayon ang plan mo?" Tanong ni Crystal.

"I don't know. Help me please."

"What if pabayaan mo na lang? Pogi naman si Xander hindi ba?" Suggestion ni Thalia.

"Pogi ka diyan. Ang pangit nga noon. Hindi bagay sa beauty ko." Reklamo ko.

"The more you hate. The more you love." Sabi ni Thalia. Binigyan ko naman siya ng death glare look.

"Makiride ka na lang muna tapos kapag nakaisip ka na tsaka mo gawin." Sabi naman ni Hannah.

"Oo nga girl. Hirap niyan. Hindi kaya ng brain ko." Pagsang-ayon naman ni Clarisse.

"Sa lahat naman ng usapin na ganito, hindi kinakaya ng brain mo. Paroot mo nga baka sakaling maexpand ang memory niyan." Sabi ko. Huminga na lang ako ng malalim at muling nagsalita.

"Sige. Humanda talaga iyang Xander na iyan sa akin."

Nakalipas na ang buong naghapon. Akala ko ligtas na ako sa prisensya ni panget (Xander) kaso nakasalubong ko pa siya sa parking lot ng school.

"Oh. Hi babe." Sabi niya sa akin. Kaharap ko pa naman ang mga kabarkada ko kasi sa akin na daw sasabay. Tapos kasama niya pa ang mga kabarkada niya.

"Hello." Matipid kong sagot.

"Sorry guys. Kailangan ko pang ihatid ang babe ko eh." Sabay akbay niya sa akin habang nagpapaliwanag siya sa mga kaibigan niya.

"Tara na babe." Sabay hatak sa akin papasok ng car nuya.

"Hoy anong babe ka diyan. Palabasin mo ko dito." Sabi ko. Lalabas  sana ako ng car nya kaso nilock niya. May main lock kasi ang car niya eh. Kainis.

"No. May pag-uusapan pa tayo." Sabi niya. Nagdrive na siya papuntang bahay niya. Nag-usap kami sa kwarto niya gaya ng sabi niya.

"Bilisan mo. Ayokong gabihin ako sa daan."

"Gumawa tayo ng contract. Magpapanggap ka na gf ko in 2 months. 2 months na lang naman at tapos na ang school year hindi ba? Kapag natapos na iyon ay papalayain na kita. Hindi na kita slave. Deal?" Sabi niya.

"Sige. Deal." Sabi ko. Iyon naman pala eh. Ayoko na maging slave nitong pangit na ito ano.

"Ito ang bond paper. Isulat mo ang mga pwede at bawal gawin sa loob ng 2 months. Magsusulat din ako." Binigyan inya ako ng bond paper at ballpen. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako.

"Tapos na ko." Sabi ko.

"Ako rin. Sige mauna ka. Basahin mo ang iyo."  inasa ko nga ang akin.

'1. No kissing.'

"Asa ka naman na hahalikan kita."

2. Bawal umakbay.

"Hindi magmumukhang tayo kung walang akbayan." Protesta niya.

"Sige. Ok na nga."

3. Kailangan may gifts akong natatanggap.

"Ano ako si santa?" Sabi niya.

"Hindi magmumukhang tayo kung walang gifts."

"Oo na." Bawian lang.

4. Bawal akong gambalain kapag busy ako.

5. Bawal ang Holding hands while walking.

6. Bawal ako pahirapan.

"Oy. Slave kaya kita. Kaya iuustos ko kung ano ang gusto ko." Sabi niya.

"Ganyan ba ang magGf/Bf? Pinapahirapan ang gf niya." Ako.

"Oo na. Pero uutusan pa rin kita. Iyong mga madadali lang.".

"Ano naman ang iyo?" Tanong ko.

"Wala. Tingnan mo oh." Binigay niya pa ang paper niya sa akin. Wala ngang nakasulat.

"May kukunin lang ako." Dumiretso siya sa cabinet niya. May paper na naman siyang hawak. Mahilig ba ito sa papel?

"Contract iyan. Ginawa ko kaninang umaga. Pirma na." Syempre pirma naman ako. Haha.

"Ok. Tapos na. Uuwi na ako." Hinatid niya ako sa labas. Oo sa labas lang. Hindi man lang ako ihatid kahit sa gate lang ng village nila. Ang layo pa naman bago makarating sa labasan.

"Nilalamig na ko. Haist." Sabi ko ng mahina.

"Sakay." Nakita ko na lang na nakabukas ang door ng car ni Xander. Iyon naman pala eh. Ihahatid din pala ako hindi pa ginawa ng mas maaga. Tsk. Hinayaan pa ako na lamigin. Napakagentleman talaga.

"Salamat." Umuwi na ako sa condo. Buti hindi naramdaman ni Thalia ang pagpasok ko. Gabi na kasi ako nakauwi. Tulog na si Thalia.

Napaisip ako habang nakahiga ako sa kama.

'Tama kaya na pumayag ako sa kasunduan? Ano na kaya ang mangyayari? Sana maging ok ang lahat.'

Itinulog ko na lang iyon. Kinakabahan pa rin kasi ako sa ginawa ko. Haist.

____________________________________

(A/N: Ano na kaya ang mangyayari sa dalawa? Magiging sila kaya for real or pagkatapos ng 2 months contract nila ay wala na? Abangan nyo yan.. Hihi. Inspired ako by Simsimi. Haha. Salamat sa nagbabasa pa.)

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon