Chapter 16

61 20 1
                                    

YANNAH's POV

Nagsimula na ang bisa ng contract.

"Yannah hindi ka ba sasabay sa akin? Kung sasabay ka bilisan mo. Baka malate na tayo." Sabi ni Thalia.

"Hindi. Mauna ka na. May gagawin pa ko." Sabi ko. Nauna na sa akin si Thalia. Kasama sa contract ang paghatid sundo sa akin ni Xander. Kailangan daw namin iyon para magmukhang totoo ang aming pagsasama.

Narinig ko ang sasakyan ni Xander. Dali-dali na akong lumabas galing sa lobby ng condo at tumayo sa tapat ng car ni Xander.

"Oh ano pa hinihintay mo dyan. Sumakay ka na." Cold na sabi niya sa akin.

"Oo na." Sumakay na ako. Hinihintay ko na bumaba siya at pagbuksan ako pero wala. Hindi. Bakit nga ba ako umaasa na pagbubuksan nya ako eh kunwari lang naman ang lahat.

Maya-maya pa ay nakarating na kami ng school. Gaya ng inaasahan. Maraming babae ang naghihintay sa pagdating ni Xander. Sikat iyan eh. Ako din naman sikat. Madami ding nakaabang na lalaki doon.

"Nandito na tayo. Labas na." Cold na utos njya sa akin.

"Parang hindi ko alam ah. Oo na. Aalis na. Bwisit na umaga ito." Ibinagsak ko yung door ng car niya. Kainis. Porket pinagkakaguluhan lang siya ganyan na asta niya. Tsk.

"Hi Yannah. Flowers for you." May biglang lumapit sa akin na lalaki.

"Thanks." Masaya kong tinanggap iyon.

"Back off!" May narinig akong boses sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Xander.

"Why should I?" Tanong noong nagbigay sa akin ng flowers.

"Stop. Not here guys." Sabi ko sa dalawa.

"Because she is my GIRLFRIEND!" Napasigaw na siya.

"Kung ayaw mong magkagulo, layuan mo na si Yannah." Pagbabanta niya. Hinila na niya ako palayo sa mga tao doon at dumiretso na kami sa classroom ko. Alam kong narinig ng mga students na nandoon ang kabuuan ng usapan namin. Alam na nilang gf ako ni Xander.

"Hey! Ano bang nangyayari sayo? Binigyan niya lang naman ako ng flowers ah. Bakit ganyan ka na makareact?" Tanong ko sa kanya. Nasa harap na kami ng room namin. Magkatabi lang eh.

"Pumasok ka na." Hindi niya sinagot imbis pinapasok niya na ako. Pumasok na rin siya sa room nila. Grabe. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiirita. Kanina bago pumasok hindi ako pinagbuksan ng pinto ng car tapos noong may nagbigay ng flowers sa akin pinalayo niya sa akin. Iyong para bang sinasabi niya na 'Yannah is mine alone.' Tapos ngayon pinagmamadali akong pumasok ng room ng hindi man lang sinasagot tanong ko. Ang gulo ng taong iyon. Haist.

Lumipas na ang class hours.

"Yannah hindi ako makaget over sa nangyari kaninang umaga. Ang sweet." Sabi ni Hannah.

"Sweet ka dyan. Kung gusto mo palitan mo na posisyon ko. Ikaw na dito ng malaman mo." Sabi ko.

"Grabe. Galit ka na niyan? Tsk. Sorry na." Sabi ni Hannah.

"Mukhang mababawasan ang time namin na makasama ka ahh. Uuwi na nga ko. Baka gabihin pa ko. Haha. Bye." Sabay kiss sa aming lahat ni Clarisse sa cheek.

"Sasabay na ko kay Clarisse ha. Bye girls." Sabi ni Hannah.

"Ako din uuwi na." Sabi ni Crystal.

"Sige ingat kayong lahat. Bye." Sabi ko. Umalis na sila. Naiwan akong mag-isa dito sa bench sa may puno. Hinihintay ko si Xander. Nagtext eh. Ihahatid niya daw ako.

"Dadating siya. Sabi niya eh." Kanina pa akong 30 mins. Lumipas ang 1hr hanggang sa 3hrs pero walang dumating.

"Kanina pa ko dito ahh. Nasaan na kaya ang taong iyon?" Bulong ko.

"Sorry I'm late. Tara na." Cold niyang sinabi.

"Pinaghintay mo ako ng ilang oras. Tapos iyan lang ang sasabihin mo. Ang galing mo talaga eh. Pagtext text ka pang nalalaman diyan iyon pala ay paghihintayin ako ng sobrang hmm." Naputol ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ng kamay nya ang bibig ko.

"Just shut up or else hahalikan kita!" Sabi niya. Binitawan na nga ko ay sumakay na ulit siya. Sumunod naman ako sa kanya. Ibinaba na niya ako sa condo at umalis na siya.

"Wala man lang good bye or take care. Haist. Nakakainis." Sabi ko habang naglalakad ako papasok sa elevator. Nakita ko naman si Thalia pagbukas ng elevator.

"Yannah kanina pa kita hinihintay. Babalik sana ako ng school para icheck ka. Akala ko napahamak ka na." Bungad sa akin ni Thalia. Pumasok na ako sa elevator.

"Alam mo ba ang tagal kong naghintay. Nakakainis nga eh." Sabi ko habang papalabas kami ng elevator at papasok ng condo unit ni Thalia.

"Bakit?" Tanong ni Thalia. Pumasok na kami ni Thalia sa unit.

"Basahin mo convos namin." Sabay abot ko kay Thalia ng phone ko.

From: Xander na PANGIT!

Wait for me. I'll fetch you. If you leave I'll kiss you in the middle of the school tomorrow. Torridly.

To: Xander na PANGIT!

Papatayin kita kapag ginawa mo iyan!

From: Xander na PANGIT!

Oh. really? How scary.

To: Xander na PANGIT!

Oo na. Hihintayin na nga kita. Bwisit.

"Hahaha. Nakakatawa kayo pero nakakakilig ha. Infairness." Sabi ni Thalia.

"Nasaan ang nakakakilig doon ha?" Pagmamataray ko.

"Ito naman. Oo na. Joke lang." Sabay punta sa dining area. Kumain na kami at natulog.

Nakakapagod maghintay. Nakakainis talaga ang Xander na iyon. Akala mo kung sinong boss. Kung hindi lang ako takot sa sinabi niya ay umalis na ako sa school at sumabay kina Thalia. Baka halikan pa ako noon sa harap ng maraming tao, patay ako kina mom and dad. Remember kami ang may-ari ng school.

____________________________________

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon