THALIA's POV
Loko talaga si Yannah. Haha. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba si Yannah. Hindi ko alam kung magagalit sila tita at tito (parents ni Yannah) sa ginawa niya eh. Kinakabahan tuloy ako para kay Yannah. Nandito na kami sa school. Syempre nakisakay na rin ako kay Xander. Sayang kaya sa pamasahe.
"Oh. Look who's here. Xander and her poor girlfriend." May isang babae na sumulpot sa harap namin.
"Neomi Hera Lee nga pala." Pakilala niya. Ano bang problema ng babaeng ito? Balak pa atang mag-iskandalo dito. Marami ng tao sa paligid. Nasa labas pa lang kami ng room namin.
"Babe tara na." Sabi ni Xander kay Yannah.
YANNAH's POV
"Babe tara na." Sabi ni Xander. Aba. Iyon na pala ang call sign namin.
"Ok babe." Sabi ko na lang. Paalis na sana kami nila Xander pero bigla akong hinila ni Neomi.
"Wait ka lang Yannah. May sasabihin pa ko sa inyo." Aba. Paano nalaman ng babaeng ito ang pangalan ko?
"Neomi. Ayaw ko ng gulo. Bitawan mo na si Yannah." Sabi ni Xander kay Neomi.
"Una na ko guys ha." Sabi ni Thalia at umalis na siya.
"Just listen." Sabi ni Neomi. Nilabas niya ang cellphone niya.
"Alam kong naaalala mo na ko Xander. Bumalik na ang alaala mo hindi ba?" Neomi.
"Shut up!" Mukhang galit na galit na si Xander. Ako naman ay clueless.
"Xander ano ba ang sinasabi ng babaeng ito? Naguguluhan na ako." Pero hindi ako nasagot ni Xander dahil nagsalita ulit si Neomi.
"Yannah. Mahal mo ba si Xander?" Tanong nya sakin.
"Oo naman. Bakit mo ba ito ginagawa. Nakakahiya na sa mga co-students natin dito kaya kung iyan lang ang sasabihin mo, aalis na kami." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Ibinaling lang niya ang kanyang atensyon kay Xander at nagsalita.
"Ikaw Xander? Mahal mo ba talaga si Yannah?" Neomi.
"Neomi. MAHAL KO. SI. YANNAH. Tapos kaya aalis na kami." Hinigit na ako ni Xander. Pero hinila ulit ako ni Neomi. Ang kulit ng babaeng ito. Naiinis na ko ha.
"You are lying Xander!" Sabi ni Neomi at pinindot nya ang phone niya. Nagdala pa talaga ng speaker ha. Ano? Ipaparinig nya sa buong campus ang nasa phone niya? Aba. Papeymus.
'Sorry Yannah. Kailangan kitang gamitin upang maisalba ang kumpanya na matagal ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Nung una gusto ka nilang ipakiddnap sa akin. Ipaparansom ka daw ng daddy ko sa mga magulang mo. Pero naisip ko. Kung pakasalan na lang kaya kita para magmerge ang company ninyo sa company namin.' Nagulat ako sa mga narinig ko.
'Sorry Yannah.'
Hindi ko na namalayan na pumatak na pala ang luha ko.
"Yannah." Sabi ni Xander.
"Bakit Xander ha? BAKIT?!" Sabi ko habang naiyak. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya sa akin iyon.
"Let me explain Yannah. I don't-" Pinutol ko ang sinasabi niya.
"Explain? No need. Clarong-claro na Xander. I hate you for doing this to me. I hate you for making me fall in love with you. I hate being your slave. Don't you ever try to talk to me after this. Wala na tayo." Sabi ko.
"Yannah." Nagwalk out na ako. Ang sakit. Iyong feeling na ginamit ka lang para pagkakitaan at para maisala ang kumpanya ng magulang niya. Pwede namang sa maayos na paraan huwag lang sa ganito.
Nandito kami ng barkada ko sa bar. Dito ako nagpunta pagkagaling ko sa school.
"Yannah tama na." sabi ni Thalia.
"Lasing ka na oh. Umuwi na lang tayo." Sabi naman ni Crystal.
"Ako? Titigil?" Diretso lang ako sa pag-inom. Bakit ba ako pinipigilan? Dito gagaan ang pakiramdam ko. Sana lang.
"Yannah walang maidudulot na maganda ang pagmumukmok mo. Tama na." Sabi ni Hannah.
"Guys naggagabi na. Pwede na kayong umuwi baka mapagalitan pa kayo ng parents ninyo. Ako na ang bahala kay Yannah." Sabi naman ni Thalia sa mga kaibigan namin. Umalis na sila at kami na lang ni Thalia ang naiwan sa table.
"Yannah alam mo hindi solution ang ginagawa mo. Baka magkasakit ka lang at madagdagan pa ang problema mo. Huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil lang diyan sa Xander na iyan. Wala sa kaniya ang buhay mo." Advice ni Thalia.
"Huwag sirain?" Sarcastic akong tumawa habang sinasabi iyon.
"Niloloko mo ba ako? Sira na nga eh. Muntikan ko pang ipahamak ang pamilya ko. Kung naging official na kami kaya? Siguro kinamuhian na ako ng magulang ko. Grabe din ang paghihirap nila sa kumpanya na iyon. Ginagawa lo ang lahat mapatinayan lang sa mga kaibigan nila at sa iba na anak nila ako, na kaya ko ang ganito at kaya ko ang ganiyan." Umiiyak na naman ako.
"Alam mo umuwi na tayo. Magpahinga ka na." Sabi ni Thalia sabay kuha sa iniinom ko na siyang ikinagalit ko.
"Ano ba?! Nainom pa ako ah! Hindi mo ba nakikita?!" Pagalit kong sabi. Nasigawan ko siya dahil doon. May tama na ako ng kaunti pero hibdi ko iyon inisip.
"Iyan kasi ang problema sayo Yannah. Hindi ka nakikinig. Kung ayaw mo bahala ka na. Basta ginawa na namin ang parte namin bilang kaibigan mo. Sana tulungan mo din ang sarili mo Yannah. Mas maganda siguro kung mag-usap kayo." Sabi ni Thalia at gaya din ng iba ay iniwan na niya ako doon sa bar at umuwi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap pa lang umibig ano. Kung maibabalik ko nga lang ang panahon mas gugustuhin ko pa na hibdi ko na lang siya nakilala. Hindi na lang sana ako ang nakatapon ng kung anuman sa damit niya. Hindi ko na lang sana siya minahal. Kung alam ko lang na magiging ganito na aabot sa punto na muntik ko ng mapahamak ang company namin.
________________________________________________________________________________
(A/N: Patuloy nga bang mawawasak ang relasyon na hindi pa nasisimulan? Abangan. Thanks for Voting. Sana patuloy kayong magvote and comment your reaction about my story. Salamay po.)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Teen FictionIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...
