XANDER'S POV
Hay naku. Loka talaga ang babaeng iyon. Ginawa lang naman niya ang project ng mga kaklase namin para lang maging busy. Pero hanggang ngayon na lang siya makakatakas. Hindi ko na siya pagbibigyan. Pahihirapan ko siya at tsaka dudurugin.
Tumawa ako dahil sa naisip ko. Dahilan upang mapatingin ang barkada sa akin.
"Tol naloloko ka na ba?" Steve
"Oo nga tol. Tawa ka dyan ng tawa. Para kang baliw." Paningit ni Kiel(Kiel Louis Scott).
"Hoy hindi ako naloloko. Hindi ako magiging kagaya ninyo kahit kailan." Sabi ko. Kainis naman oh. Ganda na ng tawa ko eh. Paningit. Hindi bale. Humanda sa akin ang babaeng iyon. Gagawin kong impyerno ang buhay niya.
"Tol una muna kami sa school ha." Sabi ni Gab (Vans Gabriel De Ocampo) Magkakaparehas kami ng school. Sa Imperial University. Lumipat din sila gaya ko. Excited na ako pumasok ng school. Ngayon ko na sisimulan ang plano ko.
@SCHOOL
"Good morning slave." Ginamit ko ang mapang-akit kong boses sabay lapit ng mukha ko sa kanya. Halatang nagulat siya kasi nanlaki ang mata niya.
"Lumayo ka nga sa akin!" Sigaw niya. Napakafeeling din eh. Kala mo naman hahalikan ko siya. Hindi niya alam na parte lang ito ng plano ko. Haha
"Hoy slave. Tapusin mo nga ang project ko." sabay abot sa kanya ng project ko.
"Hoy sino ka para-" naputol ang pagsasalita nIya. Naalala siguro na slave ko sya.
"Oo na nga gagawin ko na. Akin na ang pera pambili ng materials." Dagdag niya sabay lahad ng kamay.
"Mayaman ka naman hindi ba. Kaya mo na yan. Oh paano. See you later slave." Sabi ko na parang nang-aasar. tapos umalis na rin ako.
"Hoy!" Iyan na lang ang nasabi niya. Haha. Lingid sa kaalaman niyo, ang project ko ay iba sa kanila. Transferee kasi eh. Para daw sa grades. Goodluck na lang sa kanya. Mamaya pa naman ang pasahan noon.
Pumunta na ako sa likod ng school. Walang tao na napunta dito base sa obserbasyon ko. Dito ko na rin sinabi sa mga kagrupo ang tagpuan namin kapag nasa school kami. Magkaiba kasi kami ng section eh. Humiwalay talaga ako sa mga yan para nga sa plano. Haist.
"Ohh. Kamusta ang leader namin?" Tanong ni Zion.
"Sinimulan mo na ba ang plano mo?" Si James.
"Wala kayong pakielam sa plano ko sa babaeng iyon. May laban ba mamaya?" Pag-iiba ko sa topic. Ayoko na sumali sila dito. Mas lalo akong mahihirapan.
"Oo meron. Sa lumang bodega sa may kanto natin." Sabi ni Zyne.
"Sige. Mauna na ako. May gagawin pa ako." Paalam ko.
"Agad-agad leader? Mukhang importante ang gagawin mong iyan boss ah." Mapangasar na boses ang ginamit ni Zarren.
"Oo. Mas mahalaga pa sa inyo. Diyan na nga kayo." Mang-aasar pa ako ng tao ngayon eh este magpapahirap.
(A/N: Wala muna akong tanong ngayon. Hihi.)
BINABASA MO ANG
Forever Till Eternity
Fiksi RemajaIt's my first time to create story so bear with me ha. sorry sa mga maling grammars, punctuation marks, typographical errors at marami pang iba.. Reminders: Ang mga settings, Characters, etc ay fictional lang. Hindi hango sa totoong buhay. Kung may...