Chapter 23

53 6 2
                                    

XANDER's POV

Hindi ko alam ang mangyayari sa buhay namin ni Yannah pero malabo na kaming magkabalikan lalo na ngayon. Sino nga naman ang gustong dahil sa kanya ay mapapahamak ang pamilya niya. Napakaloko ko kasi eh. Kung hindi ko lang naisip iyon, kung iba na lang ang planong ginawa ko at higit sa lahat, kung hindi sana ako nafall sa kanya, sana madali kong masusulusyonan ang problema ng pamilya namin. Bakit pa kasi kailangang magkaganito? Nag-impake na ako ng gamit ko sa bahay. Babalik na ako sa bahay nila mommy at daddy. Kasalukuyan kong ibinibenta ang bahay ko para man lang may maitulong ako sa gastusin para makaahon ulit ang kumpanya. Umabot na kasi sa 3.5 million sng utang ng company. Medyo mahal din ang bahay ko dahil malaki iyon at halata mong ang mga materyales ay mamahalin. Siguro maibebenta ko iyon ng one million. Mura na nga iyon eh. House and lot kasi ang binebenta ko. Kung sakaling may bumili noon ng mabilis, magiging 2.5 million na lang ang utang ng company. Sana mabayaran na iyon agad para maayos na ang lahat.

"Sigurado ka na bang ibebenta mo na talaga ito Xander?" Tanong ni mommy. Kasama ko kasi silang pumunta dito para maghakot.

"Opo mommy para matulungan ko na kayo ni daddy sa pagliligtas sa kumpanya."

"Ang swerte ko na may anak ako na kagaya mo. Salamat anak ha." Sabi ni mommy ng buong galak.

Nilibot ko ang bahay. Huling libot ko na ang buong bahay ko. Ito na ang huling beses ko na makikita ang bahay ko. Pinauna ko na sila mom sa car. Nabalik sa utak ko lahat ng memories namin ni Yannah. Nadayo ako sa parteng kitchen ng bahay. Naalala ko noong pinagtimpla ako ni Yannah ng kape at ipinagluto noong pang-unang araw ko siyang slave. Napapunta naman ako sa may CR. Naalala ko noong ayaw n'ya pang gumising tapos binuhat ko s'ya at nilagay sa tub na may lamang tubig. Nagtutulog-tulugan eh. Haha. Umakyat ako sa room ko. Naalala ko naman noong nagkasakit si Yannah. Nag-alala ako noon ng sobra hindi ko lang pinahalata. Alaala nga naman. Kung hindi ko lang nagawa iyon kami pa rin sana ngayon ni Yannah.

"Anak may tumawag sa akin. Interested daw siya sa bahay mo." Tawag sa akin ni mommy. Bumaba na ako para kausapin siya. Hinawakan niya ako sa mga kamay ko.

"Sigurado ka na ba talaga anak? Hindi mo naman kailangang magsakripisyo." Sabi ni mom.

"Anak kung napipilitan ka lang, huwag mo na gawin. Kaya naman namin ito." Sabi naman ni dad.

"Gagawin ko po ito para sa pamilya natin." Iyon na lang ang nasabi ko.

Naging maayos ang transaksyon sa pagitan ng pamilya namin at nang taong interesado sa bahay ko. Nabawasan na din ang utang ng kumpanya nila mom at dad. Ang dating 3.5 million na utang ay 2.5 na lang. Kung iisipin ay malaki pa rin yun pero at least nabawasan. Ngayon pala ay papunta na ako ng school.

"XANDER!" Narinig kong sigaw ng isang babae pagkababa ko ng kotse. Nilingon ko naman ito ng puno ng tuwa dahil akala ko ay si Yannah ngunit hindi pala. Agad na napawi ang ngiti ko sa mga labi.

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong sabi kay Neomi. Oo siya nga ang sumigaw.

"Gusto lang sana kitang kumustahin?" Kinakabahang bigkas niya.

"Masaya ka na ba na galit sa akin si Yannah?!" Puno ng galit ang naramdaman ko noong makita ko siya kaya napasigaw na ako dahil hindi ko na kaya pang pigila ang sarili ko.

"X-Xander." Kabadong tawag niya sa akin.

"Hindi ba tapos na tayo?! Bakit bumalik ka pa?! Kung kailan ayos na ang lahat! Kung kailan masaya na ako tsaka ka babalik! Tapos babalik ka na nga lang maninira ka pa ng relasyon! Hindi na kita mahal! Kaya umalis ka na! Huwag ka na magpapakita pa!" Sigaw ko sa kanya.

"I still love you. Sorry kung iniwan kita dati. Ngayon nagbalik na ako babe. Sorry. Trust me again. Love me again." Naiiyak na sabi niya sa akin.

"Trust? Tapos na tayo. Huwag ka ng umasa pa na babalik ako sayo." Pagkasabi ko noon ay umalis na ako. Ang lakas ng loob niyang bumalik pagkatapos niya ako iwanan ng ganoon na lang.

Pagkatapos ng eksena ay pumasok na ako sa room ko. Tuwing break time ay nagkakakita kami ni Yannah pero iniiwasan na niya ako. Alam kong kahit konti ay mahal niya pa ako. Sana mapatawad na nya ako.

Nagring ang phone ko. Si mom pala tumatawag.

"Hello mom. Bakit kayo tumatawag?" Tanong ko kay mom.

[Anak may nalikom kami ng dad mo na 800,000 pesos. 1.7 million na lang ang utang natin. Konti na lang makakaahon na tayo.] Buong saya niyang sinabi sa akin.

"Mabuti naman mom kung ganoon pero saan kayo nakakuha ng pera?" Tanong ko kay mom. Hindi naman kasi ganoong kadali likuminin iyon sa loob lang ng konting araw.

[Huwag mo na tanungin anak. Ang mahalaga maayos ang utang natin.] Sabi ni mom sa kabilang linya.

[Oh magtatarabaho na ako. Bye anak. I love you.] Nagmamadali niyang ibinaba ang telepono. Tiyak akong may hindi magandang nangyari. Paano sila nakakuha noon sa loob lang ng maikling araw?

Natapos na ang school time. Dumiretso na ako sa office nila mom and dad.

"A-anak nandito ka?" Kabadong sabi ni mom.

"Bakit po ayaw mo ba? Sasabay sana ako pag-uwi." Sabi ko.

"Mauna ka na anak. Hindi ko dala sasakyan ko. Pati daddy mo hindi dala ang kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Huwag na masyadong madaming tanong anak ha. May aasikasuhin pa kami ng dad mo eh." Sabi ni mom habang nag-aayos ng mga kung anu-ano.

"Oo nga. Gagabihin kami kaya ikaw muna ang bahala sa bahay ha." Sabi ni dad. Umuwi na ako sa bahay nila. May isa lang akong napansin. Bakit parang wala yata ang kotse nila mom at dad. Matanong nga si yaya.

"Yaya nasaan po ang kotse nila mom at dad?" Tanong ko pagkapasok ko ng bahay.

"Dala nila Sir. Bakit po?" Tanong naman ni yaya.

"Ahh wala po. Sige mauna na po ko sa taas." Sabi ko kay yaya. Sabi na nga ba ibinenta nila ang sasakyan nila. Buti dala ko ang akin at hindi nila naisama sa pagbebenta. Bilib talaga ako sa mga magulang ko. Kahit mahirapan na sila sa pagbabayad gumagawa pa rin ng paraan. Tutal naghapunan na ako sa labas ay natulog na din ako. Tinetext ko si Yannah pero hindi siya nagrereply. Tinatawagan ko pero hindi sinasagot. Hindi ko na kaya pa ito. Kakausapin ko na siya bukas kahit hindi pa siya makinig sa akin.

________________________________________________________________________________________

Forever Till EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon